[9] Facing Karma

61 12 2
                                    

Part 3 - Facing Karma

Nagpasya akong huwag na lang munang pumasok ng school dahil sa nangyari kanina. Ang lakas ng epekto sa akin ng dugo. Kahit wala na ito sa kamay ko ay amoy na amoy ko pa rin ang malansang amoy nito. Habang nakahiga sa kama ko ay pilit kong inabot ang picture frame kung saan makikita kaming tatlo nina mama at papa na masaya.

Kasalanan ko kung bakit namatay si mama. Alam 'yon ni papa pero never n'yang ipinaramdam sa akin na kasalanan ko kung bakit namatay ang nag-iisang babaing minahal n'ya.

Naramdaman ko na naman ang pagbuhos ng luha ko. Pucha! Heto na naman tayo! Nagda-drama na naman ako. Matagal ko nang ibinuhos ang lahat ng sakit at luha sa loob ng ilang taon pero bakit bumabalik na naman!

Mabilis akong napabangon nang marinig ko ang ilang katok mula sa labas ng kwarto ko.

Si Ian. S'ya lang naman ang kasama ko rito sa bahay.

"Bakit?" tanong ko sa kanya nang hindi binubuksan ang pinto. Tinatamad akong umalis sa kama ko.

"Hindi ka ba papasok?" tanong niya.

"Hindi!"

"Geh," aniya nito. Wala na akong narinig pa mula sa kanya. Umalis na siguro siya para pumasok ng school.

Mabilis kong dinampot ang cellphone ko nang marinig na may tumatawag. Si Katey.

"Nasaan ka na?"

"Bahay. Hindi ako makakapasok. Masama ang pakiramdam ko," pagdadahilan ko.

"Ganun ba. Okay. Balitaan na lang kita kung anong nangyari sa mga klase natin. Pagaling ka kaagad,"

"Salamat. Bye,"

***

Nagising ako nang maramdaman ang pagkulo ng tiyan ko. Nang tingnan ko ang oras ay mag-aalas onse na ng umaga. Halos tatlong oras din pala akong nakatulog. Tiningnan ko muna ang cellphone ko para i-check kung nagtext man lang sa akin si papa pero kahit isang text ay wala man lang galing sa kanya.

Paglabas ko ng kwarto ay halos tumalon palabas ng rib cage ang puso ko nang tumambad sa harap si Ian na nakatapis lang habang nakaharap sa electric fan.

"T*ngina Ian! Magdamit ka kung ayaw mong ma-rape kitang hinayupak ka!" sigaw ko sa kanya bago isara ng malakas ang pinto ng kwarto ko.

Nai-stress na ako sa abs n'ya!

Pagkatapos kong magbilang ng 30 seconds ay muli akong lumabas ng kwarto ko at dire-diretsong pumunta sa kusina para magluto pero laking gulat ko nang makitang may nakahain nang pagkain sa mesa.

"Nagluto ka?" tanong ko kay Ian na hulog na hulog na ang loob sa electric fan naming nangingisay.

"Hindi. Imagination mo lang 'yan," sarkastikong sagot niya kaya napairap na lang ako.

"Wala ka bang pasok?" sunod kong tanong sa kanya.

"Wala,"

"Kumain ka na ba?" sunod kong tanong kanya.

"Hindi pa, kaya nga busog na busog ako ngayon," sarkastikong sagot na naman niya. Kung wala lang laman 'tong kaldero ay baka naibato ko na 'to sa kanya.

"Wala ka bang balak na umuwi sa inyo?" tanong ko habang ngumunguya ng pagkain. In fairness! Ang sarap ng luto n'ya.

"Wala," sabi niya habang may kung anong nilalaro sa cellphone n'ya.

"Y-'yong sugat mo sa ulo...okay na ba?" Nag-aalangang tanong ko sa kanya. Inalis niya ang tingin sa cellphone at inilipat sa akin. Napalunok na lang ako nang maramdaman ang kuryente nang titigan n'ya ako. Puchangama!

Love TrialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon