Chapter Twelve

11 3 1
                                    

Chapter Twelve
MAGEÍA Fest Day 2

Artemis

Ang 1v1 games naman ang gaganapin ngayong araw. Hinati sa tatlong clusters ang labindalawang magic sa mundo ng mga Mago. Sa cluster 1 ay si Ares, sa cluster 2 ay si Hermes, at sa cluster 3 naman ay si Apollo. Nandito ulit kami sa pinakaharap ng stadium, sa malapit sa paglalabanan. Magkakatabi kaming apat nina Hera at ang apat na lalaki sa likod naman namin nakaupo.

"Second day na ng fest, Magos! Ngayong araw ang 1v1 games natin. Alam naman nating lahat na mayroong tatlong clusters para sa 1v1. Ang type ng Magos para sa unang cluster ay Wind, Frost, Fire at Light." Paliwanag ni Miss Ariadne.

"Sa pangalawang cluster naman ay Earth, Water, Flight at Lightning. At sa pangatlo, Time Control, Teleportation, Telekinesis at Healing. Tandaan, ang rule ng games ay kailangan mapatumba ang kalaban at hindi gawing critical ang buhay!" Tuloy ni Miss Eunomia.

Kagaya kahapon, advanced ulit kami ng isang round, kaya sa semi finals na agad maglalaro sila Ares. Nagsimula na ang preliminary round ng cluster 1 at seryosong nanonood si Ares at pinapanood mabuti ang bawat galaw ng mga maaari niyang makalaban sa semi finals. Ganoon din si Hermes at Apollo nang cluster na nila ang nagsimula ng preliminary round.

Nanalo silang tatlo sa semi finals kaya lahat sila ay aakyat ng finals. Ang nakalaban ni Ares ay isang Wind Mago, medyo matindi ang naging laban dahil tuwing oopensa si Ares, parang kinukuha ng kalaban ang hangin sa paligid niya. Ang sabi ni Eros ay isa iyon sa mga strengths ng mga Wind Magos, kaya nilang pigilan panandalian ang pag circulate ng oxygen sa paligid ng ibang Mago basta malapit sila dito. Nagtagal ng kaonti ang laban pero nanalo pa rin si Ares dahil ginamitan niya ng talino ang Wind Mago.

Ang nakalaban naman ni Hermes ay isang Flight Mago, alam na agad namin na mahihirapan si Hermes dito dahil siguradong hindi na bababa ang kalaban niya, at tama nga kami, nanatili lang ito sa ere, kaya ang ginawa ni Hermes ay pinaangat ang lupa kung nasaan siya, pati ang mga nasa paligid niya para mapantayan ang kalaban. Dahil doon, mas naging malapit ang pag-opensa ni Hermes, kaya ang kalaban niya ay nagpaikot ikot sa stadium para maiwasan ang mga tira ni Hermes, hindi kalaunan ay natapos ang laban at nagwagi pa rin si Hermes.

Telekinesis Mago naman ang nakalaban ni Apollo, naging madali iyon sa kanya dahil nakikita niya kung ano ang move na gagawin ng kalaban niya. Mabilis din itong natapos dahil nang itigil niya ang oras, tumakbo siya agad palapit sa kalaban niya saka niya pinaandar muli ang oras bago ito sinuntok sa tiyan para bumagsak.

Ngayon, finals na at pinanonood namin si Ares. Fire Mago ang kalaban niya ngayong finals kaya sa tingin ko ay mahihirapan siya. Si Hera nga na katabi ko ay napipisil pa ang braso ko kapag natatamaan ng kalaban si Ares. Naging matagal ang laban dahil sa tuwing binabalot ni Ares ng yelo ang kalaban niya, tila ba pinag-iinit nito ang buong katawan niya kaya natutunaw ang mga yelo ni Ares. Nagbabato rin ito ng mga fire flames, kagaya ng nakita kong ginawa ni Daddy noon, na tumatama minsan kay Ares. Siguro lagpas sampung minuto na silang naglalaban pero wala pa rin natutumba sa kanila.

"Apollo tignan mo na nga kung ano mangyayari!" Sabi ni Hera.

"Apollo wag! Mas-spoil tayo!" Pigil naman ni Demeter.

"Sige na, Apollo! Kinakabahan na ako e! Wag kang kj, Deme!" Sabi ulit ni Hera.

"Ikaw yung wag kj, Hera!" Sabi naman pabalik ni Deme.

"Hin—"

"Magtiwala kayo kay Ares, kayang kaya niya yan." Sabi ni Eros kaya natigil na ang dalawa. Natawa na lang ako sa kanila at ngumiti kay Eros, pasasalamat ba, kasi napatigil niya yung dalawa, si Eros lang naman kasi ang nakakapagpatahimik sa mga nagtatalo.

Maya maya, habang nagyayabang ang kalaban niyang Fire Mago sa mga manonood sa side niya, linapitan niya agad ito at kahit medyo malayo pa siya, binato niya ang water balloon sa paa ng kalaban niya, at nang mas makalapit ay niyelo niya agad ito. Saka niya sinuntok sa likod ang kalaban para ma-out of balance ito tapos ay niyelo niya ang pawis sa leeg nito at nagbato ulit ng isa pang water balloon para sa mga kamay nito. Naghiyawan kami sa pagkakapanalo ni Ares pero agad din naman kaming kumalma dahil si Hermes naman ang sunod na maglalaro.

"Ayun Artemis! Sakto nag practice kayo ni Hermes!" Puna ni Hestia. Ang kalaban kasi ni Hermes ngayong finals ay isang Lightning Mago, at oo nagpractice kami ni Hermes kung sakali man na isang Lightning Mago ang makalaban niya, at naging totoo nga iyon.

Pagkasimula na pagkasimula pa lang ng laban, may mga lumutang na agad na mga bato sa paligid ni Hermes, akala siguro ng mga ibang nanonood ay ibabato niya iyon sa kalaban niya, pero alam na naming ACES ito. Binalot niya ang sarili niya gamit ang mga batong iyon maliban sa kanyang mata. Tinesting namin ito nung isang linggo kung hindi ba siya masyadong magkakaroon ng damage kapag may rock suit siya, success naman ito kaya ginamit niya ngayon. Nagkaroon ulit ng mga lumulutang na bato na ngayon ay ibinato na niya sa kalaban niya nang sunod-sunod. Bumabawi naman ito sa pamamagitan ng paglalabas ng mga lightning, pero dahil nga sa rock suit ni Hermes, hindi siya gaanong natatablan, may iilang bato na nataanggal sa suit niya dahil dito, pero agad niyang pinapalitan iyon ng bagong bato. Nanalo si Hermes sa paglilipat ng rock suit niya sa kalaban niya, ginawa niya rin iyon sa akin nung tinetesting namin at talagang hindi ka makakagalaw kung hindi naman Earth ang magic mo.

"Buti na lang talaga nag practice kayong dalawa!" Sabi ni Ares. Tumango naman ako, "Oo nga, e. Nasakto kalaban niya Lightning Mago rin, nagamit niya yung mga tinesting namin nung nakaraang linggo." Sabi ko naman. Buti naisipan namin na mag practice, natuklasan din namin na hindi kaya makagalaw ng mga non-Earth Magos kapag binalot sila sa bato, maaari rin namin itong magamit sa group battle, pero maaari ring makuha na ng ibang Earth Magos ang idea na ito.

"Kapag natalo ko wag niyo akong aawayin ah!" Sabi ni Apollo bago siya bumaba sa battle grounds. Natawa naman kami sa kanya at itinaboy na siya pababa. Nape-pressure siguro iyon dahil nanalo parehas si Ares at Hermes. Siya na ang huli para sa 1v1 at pag nanalo siya, nakuha namin lahat ang first place para sa 1v1.

Ang kalaban ni Apollo ay isang Teleportation Mago, halata na medyo kinakabahan si Apollo, siguro ay naiisip niya na baka kapag pinatigil niya ang oras magulat na lang siya nasa harap o nasa likod na niya ang kalaban kapag pinaandar niya ulit ito. Ilang suntok na rin ang natanggap ni Apollo dahil nabibigla siya sa pagsulpot ng kalaban niya.

"Kinakabahan na naman ako!" Sabi ni Hera.

"Magtiwala kayo kay Apollo." Sabi na naman ni Eros. Nanahimik na lang si Hera dahil tama nga naman si Eros.

"Saka kaya naman niya makita kung anong move ang gagawin ng kalaban niya." Dagdag ko. Para namang natauhan si Deme sa sinabi ko at sinabing, "Oo nga!"

"Apollo, TF!!" Sigaw ni Demeter. Time forward ang ibig sabihin nuon, naisip nila yung mga abbreviations na iyon para raw hindi agad magets ng kalaban, ewan ko kung ganoon nga ang mangyayari.

Nagliwanag din ang mukha ni Apollo nang marinig ang sigaw ni Deme, siguro narealise niya rin na pwede niyang makita kung ano ang gagawing move ng kalaban niya. Dahil doon, nanalo siya. Nagteleport ang kalaban niya na sa tingin ko ay nakita na ni Apollo kaya tinimingan niya iyon kaya nang lumitaw ang kalaban niya sa gilid niya, sinuntok niya agad ito ng ilang beses hanggang sa matumba.

"Yes!!" Sigaw namin nila Demeter. Si Eros lang ata ang hindi nakisali sa amin, pumapalakpak lang kasi siya sa gilid. Ang kj talaga ng isang iyon. Natawa ako sa isip ko at nakisali na lang muli sa pagcecelebrate ng ibang ACES.

Pagbalik ni Apollo, ginamot muna ni Hestia ang mga tama niya bago kami pumunta sa training room. Tatlo o dalawang oras pa naman bago mag dinner kaya magte-training muna kami para sa mga susunod na laban. Bukas kami naman ni Eros ang maglalaro para sa 2v2, sabi kasi nila kami raw ang aces ng ACES. Hindi ko nga magets masyado pero sana ay manalo rin kami kagaya ng tatlo ngayon.

MAGEÍA: School of MagicNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ