Chapter Seven

30 19 0
                                    

Chapter Seven
Weapons

Artemis

"Artemis, ayos ka na ba talaga? Pwede ka naman hindi muna pumasok, sasabihin na lang namin sa mga Prof." Sabi ni Hestia.

"Ayos lang ako. Nahimatay lang naman ako, hindi naman iyon dapat i-big deal." Sagot ko naman. Kagabi pa nila ako bine-baby dahil lang sa hinimatay ako sa test namin kahapon. At hanggang ngayon pala ay ibe-baby ako ng mga ito. Hindi na ako magtataka na baka pati 'yong apat na lalaki ay sunod sunod din ang tanong sakin pag nagkita kami sa breakfast.

"Sigurado ka Artemis ah?" Paninigurado ni Hera.

"Artemis pag ikaw napano ngayong araw ah. Lagot ka sa amin!" Sigaw ni Demeter.

"Oo nga, tara na." Sagot ko ulit at lumabas na ng dorm room namin. Sumunod naman sila sa akin at sabay sabay na kaming pumasok sa lift.

Pagkababa namin, nandoon na ang apat na lalaki na hinihintay kami, as usual. Araw araw naman nila kaming inaabangan doon. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit. Pwede namang mauna na silang pumila o kaya ay humanap na ng mauupuan. Pero naisip ko rin na iisa lang naman yung lamesang inuupuan namin mula noong unang dating namin dito hanggang ngayon.

"Artemis, okay ka na?" Tanong ni Apollo habang naglalakad kami papunta doon sa pila. Tumango naman ako sa kanya.

"Totoo? Baka mamaya may nararamdaman ka pa, sasabihin na lang namin sa Prof kung bakit ka absent." Sabi naman ni Ares.

"Oo nga, kaya mo na ba?" Si Hermes naman ang nagtanong. Bumuntong hininga na lang ako at sumagot ulit, "Ayos nga lang ako, guys. Wag kayong makulit. Gusto niyo mangisay?"

"Nag-aalala lang kami sayo." Pangangatwiran ni Eros. Tumingin ako sa kanya at kalmadong nagsalita, "Naiintindihan ko naman 'yon. Pero tama na yung pagtatanong, ayos na nga ako, okay? Kung hindi ire-record ko na lang ang sagot ko."

Naging maayos ang lectures namin sa umaga, kahit na pati ang mga Prof ag tinatanong din ako kung ayos na ba ako. Hindi ko nga alam kung paano nakarating sa kanila ang nangyari sa akin kahapon. Kasalukuyan na kaming kumakain sa dining hall ng aming lunch. Sinabihan din kami na pumunta sa Tech Lab pagkatapos namin mananghalian. Wala namang ibang sinabi bukod doon kaya ang mga kaibigan ko ay nag-iisip kung ano ang maaaring dahilan kung bakit kami pinapapunta doon.

"Baka papapiliin tayo ng weapons?" Tanong ni Hermes sa gitna ng pagkain namin.

"O kaya ay itatanong tayo kung ano ang gusto nating weapons?" Dagdag ni Apollo.

"Wala ba tayong training ngayong hapon?" Singit ko. Sabay sabay nila akong tinignan ng walang kaemo-emosyon ang mga mukha. Anong mali sa sinabi ko? Nagtanong lang naman ako ah!

"Iyan pa talaga ang tanong mo, Artemis?" Kwestyon ni Hestia.

"Bawal ko bang tanungin kung may training tayo?" Tanong ko ulit.

"Did you even listen to what the healer said yesterday, Artemis? At nakinig ka rin ba sa announcement ni Sir Zelus bago siya umalis?" Masungit na tanong ni Eros. Oh, bakit naman nagsusungit itong isang 'to? Nagtanong lang naman ako bakit parang galit na galit sila?

"Sa healer hindi pero kay Sir Zelus nakinig ako. Kaya nga alam ko na pupunta tayo ng Tech Lab pagkakain." Sagot ko.

"To inform you, ang sabi ng healer hindi ka muna magte-training ngayong araw para maipahinga ang katawan mo. Tapos hindi lang iyon ang sinabi ni Sir Zelus kanina, sinabi niya rin na pinapasabi raw ni Sir Cronus na walang training ngayong hapon." Sabi ulit ni Eros na nagsusungit pa rin.

MAGEÍA: School of MagicWhere stories live. Discover now