Chapter Nine

29 15 0
                                    

Chapter Nine
Package

Artemis

Isang linggo na nang makatanggap ulit ng bulaklak ang MAGEÍA mula sa mga Kakos. Nasa kalagitnaan kami ngayon ng klase namin sa Science nang biglang kumatok sa pinto si Miss Eirene. Ngayon pa lang ata niya ito ginawa. Bakit kaya? May nangyari ba?

"Sorry for the class interruption Miss Urania, pinapatawag ni Sir Cronus ang ACES. May sunog na nangyari sa labas at mukhang may kinalaman ang mga Kakos." Paliwanag ni Miss Eirene kay Miss Urania.

"Go, ACES." Senyas ni Miss Urania. Tumayo kaming walo at agad na tumakbo papunta sa Office of the Deities. Paano kaya nasabi ni Sir Cronus na may kinalaman ang mga Kakos sa sunog na nangyari sa labas?

Pagkarating namin sa opisina ni Sir Cronus, agad siyang nagsalita, "Kailangan ko kayong walo para imbestigahan ang nangyaring sunog sa labas. Malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman ang mga Kakos sa nangyaring iyon."

"Sir, paano po namin maiimbestigahan ang pinangyarihan ng sunog? Hindi po ba kami makakagalitan ng mga pulis?" Tanong ni Eros. May point naman si Eros, baka mapagalitan kami ng mga normal na tao.

"Si Sir Horai na ang bahala sa inyo. Naghihintay na siya sa labas ng MAGEÍA." Sagot ni Sir Cronus. Tumango kaming lahat sa kanya at nagpaalam na. Sino si Sir Horai?

"Deity rin si Sir Horai. Pero totoo siyang graduate ng pagpupulis kaya ginawa siyang undercover police ni Sir Cronus." Sabi ni Eros habang naglalakad kami papunta sa gate, kung saan nandoon na raw si Sir Horai. Ibig sabihin dito talaga si Sir Horai, para siyang yung mga Prof namin, graduate din sila ng education at yung tinuturo nila sa amin ay ang mga major nila.

Paglabas namin ng gate, may nag-aabang na matangkad na lalaki sa labas, itim ang kanyang buhok at naka uniporme ng pulis. Siguro siya na si Sir Horai.

"Nice to finally meet you, New Generation ACES. I'm Sir Horai, an undercover police of MAGEÍA." Ngiti niya sa amin.

"Good morning po, Sir." Bati naman namin. Sumenyas siya na pumunta na kami sa sasakyan. Police car iyon at parang lima lang ang kakasya, kasama na ang driver. Paano naman yung tatlo? Maiiwan? Babalikan? Kakandungin?

"Sir, kasya po ba tayo lahat jan?" Tanong ni Apollo.

"Apollo, wag mong kalimutan na meron tayong Sir Hephaestus at Tech Department." Kindat ni Sir Horai kay Apollo. Ano naman kaya ang koneksyon ni Sir Hephaestus at Tech Dept sa police car?

Lahat kami ay nagulat nang binuksan ni Sir Horai ang pinto ng kotse para sa amin. Ibang iba kasi ang itsura sa loob ng kotse. Hindi ko inakalang malaki ang space nito sa loob dahil mukhang normal na pang limang taong kotse lang ito dahil nga police car. Pumasok na kami sa sasakyan at kahit hindi kapani-paniwala, kasya kaming lahat dito, hindi rin kami siksikan. Iba talaga ang kakayahan ni Sir Hephaestus at ng Tech Dept. Nakakamangha talaga sila. Paano kaya nila ito nagawa?

"May I know your names, ACES?" Tanong ni Sir Horai habang nagda-drive.

"I'm Hestia."

"I'm Hermes."

"I'm Demeter."

"I'm Hera."

"I'm Artemis."

"I'm Ap—"

"Apollo, tumigil ka, siyam na taon ka pa lang kilala na kita." Pagputol ni Sir Horai sa pabpapakilala ni Apollo. Natawa naman kaming lahat dahil doon samantalang si Apollo ay napakamot sa batok niya. "Sir naman! Sabi mo ACES, ACES din kaya ako!" Paliwanag ni Apollo. Umiling iling lang si Sir Horai habang nakangiti at patuloy na lang na nagdrive.

MAGEÍA: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon