Chapter 6

90 6 0
                                    

Narinig ko Ang biglang pag hagalpak NG tawa ni Irish at Darcy na NASA likodan ko lamang. Nang humarap ako SA kanila ay nag appear pa Ang dalawa na parang mga instant baliw. Sabay belat Kay stanley at sabing. Boom! Bars baby!!.

Tumigil na nga Kayo dyan SA kalokohan nyo. Ikaw hestia Ang akala koba ay matino ka mukhang mas malala kapa SA kanila.  Ang Sabi ni Mark habang pinag cross pa Ang kanyang mga braso SA Dibdib nya.

Ang kapal ha! Dinaig mopa Ang kapal NG Merriam Webster Dictionary na nandoon  SA library namin noong college ako. Wag ka ngang mag feeling na matino ka. For your information mas matindi Ang sapak mo SA ulo pag NASA mood ka. Oh ano pang tinatayo Tayo mo dyan, buksan Mona. Ang Sabi ko sa kanya.

Hindi na Naman umimik pang muli SI mark dahil alam niyang hahaba at hahaba Lang Ang aming pag aasaran at pag babatuhan NG mga walang katapusang salita.

Binuksan na niya Ang pinto at tumambad SA aming Lima. SI Mr. Mizomori at si Dr. Lee na parehas na naka upo SA sofa.

Pumasok Naman kami at naupo SA Isa pang mahabang sofa SA tapat ni Mr. Mizomori at sa gilid Naman niya ay SI Dr. Lee na siyang head NG department namin.

Good morning Mr.. president, Good morning Dr. Arthur Lee.  Ang sabay sabay na bati namin SA kanila.

Congratulations SA inyong lahat. Ang salitang bungad SA Amin ni Mr.  Mizomori.  Dahil maayos ninyong naisagawa Ang operasyon NG CEO NG QUEZADA ENTERPRISE. Kahanga hanga ang inyong taglay na kakayahan . Kahit kelan ay Hindi ninyo kami binigo at sadyang napakahuhusay ninyo. Kaya ganon nalang Ang pasasalamat ko sapagkat may mga Dr. Na Tulad ninyo Ang MIZOMORI  HOSPITAL. Dahil diyan bilang pasasalamat ay bibigyan ko kayo NG 3 days  leave. Na maaari ninyong gamitin ano mang oras at araw ninyo gustuhin.

Bukod pa roon ay napagkasunduan din namin ni Dr. Lee na mang gagaling SA department ninyo, ang ipapadala namin Doon. kayong Lima Ang napili namin na ipapadala  sa London SA susunod na buwan para sa isang seminar na dadaluhan NG mga pinaka magagaling na dr.sa boung mundo at kayong lima Ang  mga bituin na mag dadala NG pangalan NG Mizomori Hospital at nang bansang Pilipinas. congratulations to all of you.

Halos mag tatalon kami sa sobrang Tuwa NG marinig namin Ang magandang balita na iyon. Halos mag umapaw Ang kagalakan SA mga puso namin dala NG sobrang kasiyahan.

Kaagad Kong ibinalita SA mga magulang Kona kasalukuyan pang NASA Australia at sa boyfriend Kona na NASA Spain ang tungkol dito. Sobrang tuwang Tuwa naman sila at proud na proud sila saakin.

Hindi Kasi isang ordinaryong seminar lamang iyon. Ginaganap Ito kada ika sampong taon. Pipili ang leader NG bawat bansa NG isang hospital na pinakasikat at pinakamagaling na hospital SA Kani kanilang bansa. At Ang  hospital na napili ay Ang mag papadala NG mga pinakamahuhusay na doctor.

Dito SA pilipinas Ang MIZOMORI HOSPITAL Ang napili NG presidente, sapagkat bukod SA maayos na serbisyo na ibinibigay nito ay maayos at mataas din Ang kalidad NG mga pasilidad dito at tunay na magagaling Ang lahat NG mga doktor SA ospital na Ito. At kaming Lima Naman Ang napili NG Mizomori Hospital na ipapadala Doon. Hindi lamang pangalan NG hospital Ang aming dadalhin SA pag punta roon kundi narin Ang pangalan ng ating bansa na walang iba kundi Ang pilipinas.

Lahay NG mga doktor ay pangarap na mapadala SA seminar na iyon. Sapagkat Ito narin Ang iyong pag kakataon na makilala Ang mga pinaka mahuhusay na mga Dr. SA boung mundo. At Isa SA napakalaking karangalan niyon SA mga tulad Kong dr.

Bata palang ako ay pangarap Kona talagang maging isang doktor. Gustong gusto ko kasing tumulong SA bansa SA papamagitan NG pag gagamot , at pag ligtas NG mga pasyente SA bingngit NG kamatayan.

Not all soldiers carry guns to save thier country. Some carry a stethoscope. Kaya Naman nag sikap akong mabuti at mas lalong pinag igihan Ang aking  pag aaral . Grumaduate ako NG valedectorian noong elementary at highschool ako. Nang mag college ako Doon ko mapagtantong Ito palang Ang simula NG pag aaral ko. Grumaduate ako NG comlaude noong college at sinikap Kong makapasok SA top SA medical board exam.

Nag aral akong mabuti non at ganon nalang Ang kasiyahan ko NG maging top 1 ako sa medical board exam na iyon nag bunga lahat NG pinighirapan ko, naging worth it ang pag pupuyat ko. Ang pag mememorize ko at lahat NG iyon ay napalitan NG kaginhawahan.

At nang maging ganap na doktor na ako ay sobrang sarap SA pakiramdam na makatulong ka SA mga Tao. Lalo na pag nakakapagligtas ka NG mga pasyente at makikita mo Ang pamilya nila na, Makita Ang mga Mahal nila SA buhay na iminumulat Ang Mata pag katapos NG kanilang operasyon. At dito din nag simula Ang  pinangarap Kong mapadala SA seminar na iyon at ngayon ay unti unti ko NG natutupad Ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay.

Behind Her MaskTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang