SF Chapter 4: I'll take you home

Start from the beginning
                                    


Nakarating na kami sa classroom, mabuti na lang wala pa yung prof. namin, english ang subject namin ngayon.

Habang wala pa yung prof. nagbasa muna ako ng libro.


*kring kring*

Sino naman kaya 'tong tumatawag?

Kinuha ko sa bulsa ang phone ko.

Ate Ashley....Calling

"Hello Ate..bakit?"

[hi'yie sissy..ahm, umuwi ka raw ng maaga, kasi may something dito sa bahay] ano raw? something? ano kaya yun?

"ha? anong something ate?"

[ah, ewan..di ko alam eh, surprise daw...hihihi] ai? surprise daw?

"ahh, ganon? o sige ate, nandito na kasi yung prof. namin..bye"

[sige sige, bye]

Pagkababa ng tawag ni Ate Ash, tinago ko na sa bulsa ko ang phone, baka kasi kunin ni prof.

"okay Class, good afternoon to all of you, I'm Mr. Jonathan Mendez, I will be your english teacher in this semester" sabi niya, at sumulat sa pisara.

O___O


Project agad?!

Hindi man lang related sa subject! Ibang klase naman.. >__<

"okay, so as you can see, on the blackboard, you have a project to be submitted on the third week of November, habang maaga pa maghanap na kayo ng magiging partner niyo jan" sinakbit niya na ang bag sa balikat niya "oh and by the way, boy and girl will be the partners, not boy and boy, girl and girl, understood class?" tanong niya samin

"yes sir" walang energy na sagot namin

"okay, you're dismissed" sabi niya at lumabas na ng room.

Umingay ang buong kaklase ko, para humanap ng partner, kaya ako naki-ingay na rin.

"Rox, sinong partner mo?" sabi ko

"ahm, Jerick is my partner, how about you?"

"uhh, wala pa eh" may sumabat naman

"ahm, ako na lang partner mo" nakangiting sabi ni Antipatiko

^___~ "seriously? ikaw?"

"yep, bakit ayaw mo ba?" sabay pout niya.

Psh! may nalalaman pang pout.. grr

"uy girl, wag mo ng pakawalan si Chris, sa'yo na siya" tinignan ko naman yung nagsalita...si Amethyst, tinarayan ko lang siya.

"please, can I be your partner for this project?" sabi niya ng naka-dikit ang dalawang kamay + matching beautiful eyes + sweet smile = paawa effect!

"hmpf, sige na nga!"

"yes!" nagtatalon niyang sabi.

Parang bata lang?

Tumayo naman ako para kunin yung bag ko, nang isasakbit ko na ang bag ko, may yumakap sakin.

"thank you, thank you talaga!" parang bakla -,-

"uuuuuuyyyyyyy! bagay talaga kayo!" sigaw ng mga kaklase ko pati na rin yung mga kaibigan ko.

"Oo na, oo na, pwede ba bumitaw ka na sa yakap? please lang, bago pa uminit ang ulo ko" mahinahon na sabi ko.

Bumitaw naman siya. Kaya sinakbit ko na ang bag ko sa balikat at lumabas na kaming 12, kasama si Antipatiko.

Single Forever? [JaDine FanFic]Where stories live. Discover now