SF Chapter 3: We're Classmates & Seatmates

Start from the beginning
                                    

Kala naman niya matitinag ako jan sa mga ngiting yan! The H! NO!!

As if naman na kahinaan ko ang mga ngiti ng mga lalake! Hindi noh!

Lumapit yung POGI RAW! sa kinatatayuan namin... Actually pogi naman siya kaso... Hindi eh -,-

"Anong pangalan mo?" sabi niya ng nakangiti na pa-sweet! pwe!

Tinignan ko naman siya ng tingin na 'bakit mo kailangan tanungin ang pangalan ko?'

Ganon rin yung ginawa niya, ng nakataas ang kaliwang kilay na nakangiti pa rin na sinasabing 'because I want to know'

Tinignan ko siya sa mata ng diretso  'eh sa ayaw ko' sabay cross ng arms ko

Para kami ditong timang nag-uusap sa mata -,-

"ano 'to titigan na lang? Eh kung magpakilala ka na kaya Viv" tinignan ko yung nagsalita... Si Amethyst, tinaasan ko lang siya ng kilay, siya naman pinaglakihan ako ng mata...

"Vivian Marishe Lopez" diretsong sagot ko ng nakataas noo sa kanya

"bibigay mo rin pala pangalan mo, ang arte mo pa" sabi nun, sabay lakad na

Ano daw? Maarte ako? Excuse me! Hindi ako maarte noh! Ayoko naman talaga ibigay ang pangalan ko dun, baka, maging stalker ko siya sa Facebook... Ay mali, admirer pala..sabi kasi nila ang stalker daw PANGET while ang admirer GWAPO!

Nag-init lang yung dugo ko sa sinabi niya! Akala ko yung Lawrence Lim lang ang lalakeng suplado, may mas malala pa pala yung poging yun, kaya lang yun SOBRANG YABANG, SOBRANG HANGIN at SOBRANG Mataas ang tingin sa sarili! In short napaka-ANTIPATIKO!

Binalewala ko na lang yung sinabi nung lalakeng ANTIPATIKO.

Pumunta na kami sa building na kung saan dun yung official classroom namin.

Pagpasok namin ng room, kakaunti pa lang yung tao, umupo kami sa unahan, halos ma-occupy namin yung upuan sa unahan. Eh kasi pito kaming magkakasama. At alam niyo ba yung boyfriend nila Cathy, Merryle, Sofia at Alessandra kaklase namin! Biruin niyo yun, magkakasama pa rin sila. Hay.

So kami lang tatlo ang walang boyfri--- este yung dalawa, yung kay Amethyst kasi nasa kabilang university, yung kay Rox naman, nasa ibang bansa nag-aaral, mabuti hindi sila nagkakaproblema sa Long Distance Relationship.

Mabuti na lang hindi sila nag-aral dito sa university namin, dahil kung Oo, aba'y loner na naman ako at O.P. Sa kanila, ay hindi pala, ako pa nga yung nagpapa-ingay samin. Eh pano kasi kapag tahimik ang grupo namin tapos kasama sila, kinikilabutan ako sa mga ginagawa nila...alam niyo na yun! Yung may pahawak hawak ng kamay, may pahalik halik pa sa likod ng kamay, may pa-I love I love you pang sinasabi, sa tuwing gumaganyan sila, ako yung pinapapak ng mga langgam sa sobrang sweet nila, Kaya nga minsan naiinis yung iba kong friend, kasi ang ingay ko daw, di daw sila makapag-usap ng sweet! Hmp! Eh sa naiinggit ako eh! LOL! Joke lang! Ako? Mainggit? The H! NO!

Noon, gusto ko ng magkaboyfriend, kaya lang, bawal pa sabi ng mga magulang ko..Pero kapag tumuntong na ako sa edad na labing walo, wala na akong balak magkaroon ng boyfriend, kasi aanhin ko naman yan? Kung anjan naman ang mga magulang ko, mga kapatid ko at mga kaibigan ko na magmamahal sakin at mag-aaruga, triple pa nga ang pinadama nila sakin... na mahalaga ako sa kanila at minamahal ako ng buong puso. Kaya di na ako mag-boboyfriend, kung magkakaboyfriend man ako, baka iwan niya lang ako, saktan at paiyakin lang, kaya mas mabuti pang sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko ibigay ang pagmamahal ko.

Nagsidatingan na ang mga kaklase namin. And speaking of classmates, dumating na yung boyfriends nung apat kong kaibigan. So ang nangyari, magkatabi sila 'by partner' kaya ang seating arrangement namin ay:

Single Forever? [JaDine FanFic]Where stories live. Discover now