Characters:

5.1K 123 0
                                    

Vivian Marishe Lopez - ang babaeng kalog, parang bakla kung magsalita, palatawa, ang clown ng barkada, ngunit kapag nakaaway daig pa ang world war 3 sa pakikipagdakdakan.

Matalino siya hindi lang halata, kahit ubod ng daldal sa mga barkada niya pati na rin sa klase ay kasali siya sa top 10.

Maganda siya kung titignan mo sa panlabas na anyo niya, pero pag nagsalita na siya ng mga salitang pangbeki, naku! matuturn off ang mga lalake.

Kahit na ganyan siya, mabait naman yan, lalong lalo na sa mga kapatid niya.

Anim silang magkakapatid, siya ang bunso sa pamilya, may apat siyang kapatid na babae at isang kapatid na lalake. Yung apat na kapatid niya nagtatrabaho sa ibang bansa, yung kuya naman niya, tapos na sa pag-aaral, at nagtatrabaho na rin.

Siya na lang ang sinusuportahan na makatapos sa pag-aaral, freshmen student pa lang siya sa college.

Amethyst Flynne Ignacio - ang mataray sa barkada, ngunit kalog rin katulad ni Vivian. Siya ang pinakaclose kay Vivian, kahit na mataray siya mabait naman siya sa barkada niya.

May boyfriend siya na tiga-ibang university, biruin niyo may boyfriend  siyang ubod ng gwapo at take note isang varsity player.

Merryle Cathe Regnim - ang tahimik at mahilig magbasa sa grupo nila.

Kahit tatahi-tahimik siya sa barkada, siya ang nagbibigay ng advice sa tuwing may nasasaktan sa isa sa kanyang kaibigan o kaya niloko ng boyfriend nila.

May boyfriend rin siya na ka-schoolmate nila, pareho rin silang tahimik at mahilig magbasa.

Catherine Faye Aurellano - ang palaging updated sa lahat ng music, events, chika at pati na rin sa mga sikat na artista. Kahit hindi siya pinapansin ng iba niyang kaibigan about sa hilig niyang mag-update, wala siyang pakialam, basta kung may bagong news about sa favorite niyang artista sinasabi niya.

Alam niyo, may boyfriend rin siya na mahilig ring mag-update sa mga bagong laro at music, kaya nga pagkasama nila ang boyfriend ni Cathy, naiinis sila, kasi puro games ang kinukwento.

Alessandra France Borromeo - ang mahilig mambara sa barkada, lalong lalo na sa mga lalakeng nanliligaw sa kanya. Isa rin sa pinaka-close kay Vivian.

Kahit na may boyfriend na siya, hindi pa rin siya nagbabago, kahit boyfriend niya binabara niya rin.

Sofia Faith Mercado - ang di makabasag pinggan sa barkada, kasi napaka-mahinhin niya, pati pagtawa sobrang hinhin pa rin, pero kahit na napaka-mahinhin niya may tinatago rin siyang talento, yan ay ang hilig niya sa pagkanta at pagsayaw.

Kahit mahinhin yan may boyfriend rin yan, yung bestfriend niya na ubod rin ng gwapo, na naging crush dati ni Vivian.

Roxette Fallon Garchitorena - ang kikay at fashionista ng barkada. Kaya kung ano ang na-uuso ngayon, sinasabi niya sa mga friends niya, maarte siyang magsalita at english ang lenggwaheng ginagamit niya para makipag-usap, minsan nga dinudugo na yung mga kasama niyaa, sa kaka-ingles nito.

Huwag kayo, ang boyfriend niyan tiga-ibang bansa, they started as bestfriends and end up as lovers.

**

Napansin niyo ba na halos lahat ng kaibigan ni Vivian may boyfriend? Wala siyang paki-alam kung may boyfriend na ang lahat ng kaibigan niya, basta siya ay SINGLE FOREVER and ever. She doesn't want to have a boyfriend, because having a boyfriend is just a headache and just a waste of time. Ang bitter di ba?

Di natin siya masisisi, ganyan kasi siya, pag-tungkol na sa love and relationship ang pinag-uusapan.

Well, let's start the story. Will she say, I'm Single FOREVER! At the very end?

Single Forever? [JaDine FanFic]Where stories live. Discover now