"Okay. Ready?"

Tumango lang siya. Kung siya ay bumubwelta lang, ito ay talagang nag ala runner pa talaga kung pumwesto.

"3...2...1...go!"

Mabilis na tumakbo siya para mahabol ito. Naunahan kasi siya kaya mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Seryoso siya sa pagtakbo pero natawa siya nang makita sa gilid ng mga mata niya ang nangyari dito. Natalisod kasi ito. Hindi naman natumba ngunit nawala ito sa pagkaka ayos sa running stunt nito at napatigil.

Kinuha niya ang pagkakataong iyon para mas bilisan ang pagtakbo kahit natatawa pa rin siya. Yes! Makakapag milk tea na ulit ako! Nang makarating siya sa tapat ng restaurant ay tawa pa rin siya ng tawa. Kaya hindi niya nakitang mas nauna pala ito sa kanya!

Nang lingunin niya ito ay prenteng nakasandal ito sa isang pader. Nakapatong pa ang isang sakong nito sa kabilang sakong at nakahalukipkip. "I won." nakangisi pa ito.

Huh? Impossible! "Hindi kaya! Natalisod ka kaya!" Nakita niyang napatigil ito kaya nga mas binilisan niya ang pagtakbo. Ganoon ba talaga kabilis ito para maabutan siya?

Tumaas ang isang kilay nito. "Kung natalisod man ako, that doesn't mean hindi ako makakabawi para tumakbo ng mas mabilis. Ako ang nanalo."

"H-hindi kaya. Ako." Turo pa niya sa sarili. "Ako ang nanalo."

"Would you like some proof?" May binalingan ito sa kanyang likod. "Boss, sino mas nauna?"

Lumingon siya at nakita ang isang gwardiya sa may gate ng restaurant na nakatingin sa kanila.

"Kayo po, sir." sagot ng gwardya.

"Salamat boss." Nakita marahil nito na hindi siya maniniwala. "Want another proof?" May tinuro ito. Isang cctv sa may gate ng restaurant. Mukha namang hindi impossible dito na ipa review pa ang cctv kaya napapadyak na lang siya. Paano na yung milk tea ko?!

"Ang daya!" Napapangusong daing niya. "Mas mahahaba kasi ang biyas mo eh."

Natawa ito. "A deal is a deal. I will hold on to your words, Aica."

Pabalik na sila sa starting point nila nang bigla siyang matawa. Naalala niya kasi ang pagkatalisod nito kanina.

Nagtatakang nilingon siya nito. "What's funny?"

Pilit niyang pinaseryoso ang mukha. Pero alam niyang nagniningning pa rin ang mata niya sa pagkatuwa.

Tiningnan siya nito na parang nangingilatis kaya hindi na niya napigilan ang muling pagtawa.

"I knew it. Pinagtatawanan mo pa rin ako sa pagkatalisod ko."

Lalo siyang natawa. Sobrang natuwa kasi siya sa nangyari. Parang noon lang siya natawa ulit ng ganoon. Hinayaan lang siya nito. Hindi niya napapansin na nakatitig lang ito sa kanya. Nang makita iyon ay tumikhim siya at nagpatiuna ng maglakad.

Ngunit hindi naman siya makalayo dahil hawak pa rin nito ang kamay niya kaya't nagisip na lang siya ng ibang topic. "Taga saan ka nga pala?"

"Makati."

"Makati?!" bulalas niya. "Bakit nakakaabot ka dito?"

Napakamot ito sa batok. "Nandito kasi ang mga kaibigan ko. Hughbert lives here while Claude is a resident Doctor in the hospital."

"Iyong tumulong sa atin?"

"Yup." tumango ito. "I'll introduce you to them someday. Wait, sit here." Gabay nito sa kanya sa mga benches sa isang bahagi ng parke. "Bibili lang akong tubig."

"Nako hindi n-" Ngunit tumakbo na ito sa isang little store na naroon.

Nirerelax niya ang sarili sa malamig na simoy ng hangin nang maramdamang umupo ito sa tabi niya. "Here." Abot nito sa isang bote ng tubig.

"Salamat." Nang matapos uminom ay nagsalita ulit siya. "Ikwento mo naman sila."

"Sure. What do you want to know?"

"Paano kayo nagkakilala?"

"Highschool. Pero si Claude lang ang ka klase ko. Hughbert is from a different section." Sagot nito matapos uminom.

"Paano niyo nakilala si Hughbert?"

"Hmm... Bullying."

"Nabully kayo ni Hughbert?"

"Actually... I was the one who's bullying him."

Nanlaki ang mga mata niya sa binanggit nito. Parang wala kasi sa itsura nito ang nambubully.

Ikinuwento nito ang mga experiences nito noong mga highschool ang mga ito. Habang siya ay tawa lang ng tawa habang nakikinig. Isinantabi muna niya ang pagkainggit sa mga magagandang kwento nito noong kabataan nito. Ibang iba iyon sa kinalakihan niya.

Para namang napansin nito ang pagkalungkot niya.
"Is there something wrong?"

"Ha? Ah wala naman. Wala." pilit ang ngiting sabi niya.

Magsasalita pa sana ito nang biglang may tumawag dito.

==================
Hi po kila bebeundo MBSiggayo

Hello JamilaDominiqueDemes (Ate Nique 🤗🤗) good luck sa studies mo and to soon to be published works! Keep up the good work! 😘

Thank you all for following 😘😘😘
==================

Hello po 🤗🤗🤗
How was it?

Any comments?

Votes?

New friends? Hello! 👋

Thanks for reading! ❤️❤️❤️

Posted: June 11, 2020 9:04 pm

It's Way Too Early [COMPLETED]Where stories live. Discover now