"Ako rin" taas rin ng kamay ni Rafhael

"Nice! Yung mga natira ay sasama saaken para makumbinsi si Mckenzie........ Sean?..." tawag ng kuya ni Mckenzie kay Sean.. tumingin lang ito ng sobrang seryuso at tumango...

"Sana gumana.. para lahat tayo magsaya sa Boracay...malapit na kaya... bukas na ng gabi ang flight papunta doon" nakangusong sabi ni Dianne

"Kaya yan.. hanggang bukas" nakangiting sabi ko...

Matapos pa ang ilang pag uusap at pagbubuo namin ng plano ay nagsiuwian na kami dahil hapon narin at padilim na...

Ako na ang naghatid sa crush kung si Xyra...

Pagka----

Teka?? Anong crush??... crush ko ba siya?...... Di ah!

sa condo rin naman ni Mckenzie...

Matapos nun ay umuwi narin ako..

Nagbabad pa ako sa shower bago ko binagsak ang sarili ko sa kama ko...

Natulog ako habang nakahubad.. wala namang papasok eh.. alam nilang tulog na ako.. bukas nalang ako kakain..i'm full

Pero teka?... crush ko ba si Xyra?

Bakit hindi ko alam?
Mukhang hindi naman...

♡SEAN THEO POV.♡
(#Kinabukasan♡)

TINGIN ko kami talaga ang may kasalanan.. napikon ako kay Jack eh....

Sa ngayun ay pare parehas na kaming andito sa labas ng The Heiv. Buti nalang at nakatulog ako ng maayos kagabi...matapos ang plano namin kahapon...

Tulad nga ng plano ay kami ang pupunta at kakausap kay Mckenzie... bago ako pumasok ay lumingon muna ako sa mga pinag gagawa nila...

Mukhang tanga!

Itinali nila yung mga paa at kamay nung Security Guard tapos nilagyan ng tape yung bunganga...

Napailing nalang ako...

Pag tunton namin sa 7th floor kung nasan ang condo ni Mckenzie nagulat ako ng andun narin sina Felex....

"Alam mo Ms. Apple.. wag kang kabahan.. kakausapin lang namin si Mckenzie okay ba?" Usal ni Felex habang naka tape narin yung bibig nung Ms. Apple at nakatali na rin ang paa at kamay.. sunod sunod lang na tango ang naisagot nung babae..

"Kayang kaya naming bilhin ang building na tuh at kayang kaya ka naming bayaran higit pa sa inaakala mo kung pera lang ang kailangan mo... bibigyan ka namin.." tinig ulit ni Felex...

Kinindatan pa nya yung Ms. Apple.. tyaka ngumiti.. yun tuloy nahimatay...

"Dito nalang kami baka may security pa eh" ani nanaman ni Felex...

"Sige sige... salamat ah?" Usal ng Kuya ni Mckenzie

"Wala yun... tara" sambit na ni Felex at nilibot ang buong building...

Kami naman ay binubuksan yung pinto ni Mckenzie...

Maya maya pa ay bumukas na ito...

Gulat na gulat si Mckenzie na nakaupo sa kanyang sofa ako ang huling pumasok at nakapamulsa nalang akong sumunod sa kanila...

"Para sayo" usal ni Sheena at binigay ang mga binili nilang puro Cookies & Cream ang flavor...

Kinuha nya ito ng punong puno ng pagtataka

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now