♡ChApTeR~61♡ (Dance Party)

432 28 0
                                    

♡SEAN THEO POV.♡

INIS KUNG PINAGMASDAN sina Mckenzie at Ram na nagsasayaw na ngayun sa gitna. Ewan ko kung bakit kailangan ko maramdaman ang ganito pag nakikita ko sila.. natatawa pa si Mckenzie satuwing kakausapin sya ni Ram..

Para pa syang hiyang hiya ..halata namang hindi!(-_-).. gusto ko man sabihin yun pero sa pag iwas ng tingin ko ay nakita ko si Alexa sa gilid kung saan ganun nalang ang kasama tumingin kay Mckenzie..

Napaisip naman ako..

Nung nakaraan ay nasabi saaken ni Mckenzie na pinasok nya ang bahay nila Alexa.. hindi kaya nakita sya?

Ah! God! Antanga nya!

Naka gown sya ng itim rin gaya ni Mckenzie.. magka kruss ang dalawang braso at parang papatay ng tao habang nakatingin sa kanya...nahagip rin ng mata ko si Khen na masama rin ang tingin kay Ram..

Tsk! Ano bang problema ng mga tuh? Puro samaan lang ng tingin?

Tiim bagang nakatingin sina Alexa at Khen kina Mckenzie at kay Ram..

Kung ako ang tatanungin ay malayo si Alexa at Khen.. pero iisa lang ang mababasa mo sa mukha nila... galit!..nasasapo ko ang mukha ko dahil hindi ko naman alam ang laman ng isip nila na kung saan ay marami silang tinatago na hindi namin alam kahit na sino ay walang nakakaalam..

Tama nga si Mckenzie! Pag tinitigan mo ang mga mata nila ay galit at poot ang makikita mo at parang may itinatagong sekretong ayaw mabunyag!...

Napag isipan kung isali sa suspek si Khen sa pag kidnap kila Mckenzie at Dianne...

Hindi ko rin kilala ang taong yan! Pero susubaybayan ko ang pag kilos nya.. maging ang mga nakapalibot sa kaniya..

Napag usapan namin ni Mckenzie na magtulungan para mahanap ang may sala kaso sya pa ang may maraming iniintindi at iniisip dahil may gusto pa siyang ibunyag sa katauhan ni Alexa na pag hihigantihan nya rin.. tsk! Pati yun iniintindi nya pa...gusto ko man siyang patigilin nalang ang mga plano niya kay Alexa pero parang wala na syang balak umatras pa dahil naumpisahan nya na... kailangan pa daw nyang malaman kung sino ang taong nasa ikalimang palapag!..

Bakit ba hindi nya iniisip na ang taong pinag hihinalaan ko ay kasama nya at nakikipag tawanan pa?

Una ko talagang napag hinalaan si Ram dahil siya naman ang nagbibigay ng sulat.. kaya nga sya ang una naming suspek sa naganap..bukod kasi roon ay parang inis na inis sya sa mga dumarating na buwan..parang may planong hindi nagawang magtagumpay dahil may humadlang! Sino ka nga ba? Ramsich Vhandaree.. mga kinikilos nyang kakaiba ay nakikita ko. Ang pagtawag nya ng telepono ay malayo saamin.. Pag nagagawa kung maghanap ng tiyempo ay pinag seselos ko siya gamit si Mckenzie na umobra namang siyang ikinaselos nya at ikinatalim ng mga titig nya... Nung nakaraan lang din ay pinag aagawan si Mckenzie... Nang makatalikod kami at lumingon ako ay sobrang sama na ng tingin nya at nakakuyom ang mga kamao nya.bakit nga ba Ram?. Dahil ba sa gusto mo siya? Paano pag sinabi kung a----

"Sean!!" Inis na sigaw ni Dianne dahilan para matuliro ako..

"Ha?" Tanging sambit ko nasapo nya ang noo at napailing iling ng ilang beses habang nakapikit. Hindi ko alam na naglalayag na pala ang utak ko sa kung saan saang sulok..

Napagtanto ko ring andito na pala sa tabi ko si Mckenzie at kunot na kunot na ang noo nya...

"Ayus ka lang ba?" Bulong ni Mckenzie...

"Ha? Oo!" Tumango pa ako ..

"Gusto mo bang itimpla kita ng kape?" Tanong nya...

"Tsk! Wag na" umiling pa ako...

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now