♡ChApTeR~46♡

480 35 4
                                    

♡REID AIDAN POV.♡

KAUSAP ko ngayun si papa sa kuwarto nila ni Mama... tungkol sa darating na birthday ni Mckenzie...

"Paano yan Aidan? Yung kotseng gusto nating bilhin para kay Mckenzie ay baka hindi natin mabili.. wala pa tayong pera anak" bakas ang lungkot na nararamdaman ni Papa..

Ito yung kotseng nakita namin nung nakaraang linggo lamang... para sana kay Mckenzie pero parang hindi namin mabibili...

"Ang mga kotse ay mahihigit sa kalahating milyon o mas hihigit pa.. dati ay kayang kaya kung bilhin yun dahil may trabaho pa ako pero ngayun baon na tayong ng utang" naiiling nyang sabi..

"Pah?.. pwede tayong mag bigay ng ibang regalo kay Mckenzie kahit ano tatanggapin nya yun ...pah.. kilala natin si Mckenzie hindi siya mapili .." usal ko naman..

Problemado kami dahil baon na talaga kami sa utang.. nagtitinda si mama sa harap ng bahay namin ng BBQ at iba pa pero hindi paren sapat para mabayaran ang iba naming utang dahil pang kain lang namin ay kulang na kulang na ...

Si Mckenzie naman ay ginagawa nya rin ang lahat gaya ko..

Ako kasi ay hindi ako pwedeng mag extra ng trabaho dahil doktor ako.. 24 hours akong nasa loob ng hospital at minsan lang ang day off ko dahil maraming pasyente..

Ayaw ko man payagan si Mckenzie na maging katulong ni Sean ay pumayag na ako para sa ikabubuti narin namin yun at isa pa ay kilala ko naman na ang binatang yun alam kung kayang kaya nya yun...

"Tyaka pala pah..." usal ko nanaman "hindi ba kilala mo yung binatang kaklase ni Jam? Na si Sean?" Tanong ko..

"Oo" sagot ni papa...

"Kinuha nyang katulong si Jam at ang sabi ni Jam ay every week makakasuweldo siya..."

"Ano? Bat naman katulong?" Takang tanong ni Dad..

"Kasi pah walang kasama si Sean sa bahay nila maliban sa mga katulong nya... walang mag aasikaso sa tulad nyang anak mayaman"

"Wala siyang kasama? Edi dadalawa lang sila doon sa bahay nya? Baka naman kung an---"

"Pah.. kilala ko yung Sean na yun.. at alam kung nakausap nyu narin yun dati.. isa syang cold na binata walang paki sa lahat ng bagay... at wala rin siyang pakialam sa mga ganyan pah" pigil kung sabi sa kanya..

"Siguraduhin mo lang Aidan ah"

"Alam mo pah? Napapansin ko... may gusto si Jam sa Sean na yun" natatawa kung sabi...

"Ano kamo?" Nang gagaliiting sabi ni papa..

"Bakit pah? Dalaga na si Mckenzie nuh. At alam nya na ang tama at mali" ngumiti ako ng nakakaluko sa kanya...

"Kahit pa ano.. pwede syang magka boyfriend basta sabihin nya saamin"

Yan tayo pah eh

"Paano pah? Okay na ah? Kahit ano nalang ang i regalo natin sa kanya. Tiyak magugustuhan nya yun.. mauunawaan nya naman ang sitwasyon natin ngayun pah eh" sambit ko habang nakangiti sa kanya...

Tinapik nya ang balikat ko sabay tango...

"I'm Hereeeeeeeeeeew!!!!" Malakas na sigaw mula sa baba...

"Pah oh! Ang ingay ni Jam" turo ko sa pinto.. natawa naman siya kaya natawa narin ako...

"Andyan kana pala?..." usal ko habang pababa ng hagdan

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin