♡ChApTeR~70♡ (KISS)

571 35 1
                                    


♡SEAN THEO POV.♡

MATAPOS ANG KLASE namin ay si Mckenzie na ang nagpaharurot ng kotse.. hindi ko alam kung saan tuh pero ang alam ko ay yung ipapakita nyang lugar...

Nagtataka ako dahil masukal ang daan..
Pulos puno ang makikita mo..

Umabot pa ng ilang minuto ay huminto siya..

"Anong meron dito.?" Tanong ko sa magubat na kinatatayuan namin..

"Halika" hinila nya ako at kung saan saan pa kami nag susuot ..

Maya maya pa nagulat ako ng may makitang mahabang bridge.

Wow..

Yumuko ako para tignan si Mckenzie sobrang ganda ng kanyang ngiti...sana hindi na mawala yang ngiting yan..marahan nyang hinila ulit ang kamay ko at dumaan doon... nang makatawid kami ay isang madahon at masukal na ang nadatnan namin..

Maya maya pa ay may tinatanggal syang lumot sa kung anong nililinis nya.. dun ko lang napagtantong may malaking bato..

Maya maya pa ay yung gilid nya na ang ang nililinis nya at bumulagta ang madahong hagdan..

Ang mga dahon ay sobrang tuyot na..

"Babe" sambit nya..kaya naman sumunod nalang ako sa kanya..

Mahabang hagdan rin ito..

"Wow" napanganga ako sa nakita ko pag karating namin sa taas..

Makikita mo ang magandang tanawin.. mga bahay,bukid,mga ibong lumilipad mga ulap na kulay asul at ang palubog ng araw...

"Dito ako pumunta nun babe." Nakangiting usal nya..

Mababasa talagang sobrang saya nya ngayun..

"Hindi ko inasahang pag balik ko dito ikaw na ang kasama ko" tumingala sya saaken para tignan ako..."Pag nawawala ako andito lang ako" doon ay umupo na sya...

Ginaya ko naman sya..

Napakaganda ng pag lubog ng araw.. nakaka gaan ng pakiramdam... gusto ko lagi ko nalang syang katabi...

Hanggang sa gumabi na nga...

Lalong gumanda ang nasa paligid namin.. sobrang dami na ang ilaw na nasa bahay....

Gumanda narin ang kalangitan na napuno na ng mga bituin.. lumiwanag ang kapaligiran dahil sa magandang buwan..
Halos lahat yan nakita ko dahil sa kagandahan neto..

Magkahawak kamay kaming nag lakad...

Maya maya pa ay nasa bahay na kami.

"Maliligo na muna ako babe" usal nya at dumeretso na agad sa banyo...

Naupo nalang ako sa sofa...

Kumuha ako ng tuwalya para maligo na lang sa baba...

♡MCKENZIE POV.♡

NANG MAKARATING KAMI sa bahay nila Sean ay pumasok na agad ako sa banyo para maligo..

Maya maya pa ay lumabas narin ako..

"Babe?" Tanong ko pa dahil patay na ang ilaw...

Tsk!

Inis kung binuksan ang ilaw.. at nag umpisang punasan ang buhok ko mula sa salamin..

Sando nalang ang suot ko at maikling short tulad ng dati...

"Matutulog kana?"
Napalingon ako sa likuran ko..

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now