" Hello, " sabi niya, " Merry Christmas Yoongi-oppa. " Oh my golly. Bigla na lang ako kinilig, I was--tumatalon bigla yung puso ko ng tawagin niya akong 'oppa'. Iba yung feeling pag siya natawag sa'kin ng oppa. Hahaha.

" M-merry christmas, Lena. Ah, para sa'yo. " sabi ko at inabot sa'kanya yung regalo na binili ko para sakanya. Special 'yan. Tinanggap naman niya 'yun at napaka-lapad ng ngiti niya. Omfg. Kinikilig ako. Asdfghjkl

" Okay, kids! Hindi niyo na na-greet ng ayos ang mga daddy ni Heejung. " sabi ni Lena, nagsitayuan naman yung mga bata at sabay-sabay na nag-greet. " Annyeonghaseyo! Welcome to Grade One Lotus! "

So Lotus ang section name nila? Okay. Humilera naman kaming pito dito at gagawin namin 'yung formal greeting namin.

" deul sset! Annyeonghaseyo, Bang! Tan Sonyeondan ibnida! "

" Ah, Ms. Lena, since we came here, we brought food. " sabi ni Jungkook habang inaabot yung pagkain na dinala namin, niluto 'yan ni Jin-hyung. " Ako nagluto niyan. " sabi ni Jin-hyung.

" Uwah! Kamsahamnida Jin-oppa/hyung! " sigaw ng mga bata. Ngumiti na lang si Jin-hyung at nag-thumbs up. " Enjoy niya ha? Yay! "

" Kids, do you want to play first or exchanging of gifts muna? "

" GAMES! " sigaw nila, at parang narinig ko 'yung boses ni Taehyung? Napalingon ako kay Taehyung at sumisigaw at nagkakandatalon-talon.

" Hyung, estudyante ka? " tanong ni Jungkook habang naka-akbay kay Taehyung. Si Taehyung naman nag-acting na parang bata. Tss.

Napansin ko naman si Rapmon na nakatutok sa cellphone niya, tinignan niya ako at bumulong, " Suga-hyung, mauuna na kami umalis, may gagawin pa kami. Isasama ko si Hope, Jimin at Jin. Kayo nila V at Jungkook  ang maiwan ha? "

" H-ha? "

" Kids! Mauuna na kami nila Jimin, J-Hope at Jin ha? May gagawin kami eh. Maiiwan naman sila Suga, Taehyung at Jungkook. Enjoy the party okay? Merry Christmas to all! " sabi ni Rapmon at hinila palabas yung tatlong isasama niya kung saan mang lugar 'yan na wala akong pakialam kasi nandito naman si Lena. Juice ko, anong konek.

" Awww. Okay oppa! Annyeong! " sabi nung mga bata sakanilang tatlo, pagtapos lumabas nung tatlo nag-simula na 'yung party ng mga bata. Nandito lang kami't nanonood sa mga ginagawa nila. At dahil masyadong alien si Taehyung, sumasali siya sa mga laro ng nga bata. Hays. Utak mo Taehyung nahuli sa pagtanda. Juice ko.

" Wah! V-hyung! Move! " sigaw nung batang lalake at mahinang tinulak palayo si Taehyung kasi muntikan nang madapa 'yung bata kasi harang si alien eh.

" Ahehe, sorry Seokhyun. " sabi ni Taehyung tapos lumayo ng unti. Haha, ang laking harang kasi ng alien na 'to. " Yah! Taehyung-ah! " tawag ko, tumingin naman siya sa'kin at sumenyas ako na lumapit siya dito.

" Wae? " tanong niya ng makalapit na siya, binatukan ko siya ng mahina at pinaupo sa tabi ko. " Alam mo Taehyung, masyado ka nang matanda para sumali sa laro ng mga Grade one. Kung may under-aged, pwes ikaw over-aged ka na diyan. Move on din, Tae. "

" Hyung, grabe ka naman, nakikisali lang ako sa saya nila. Ang boring kayang umupo lang sa tabi at manuod. Have fun! Minsan lang 'to! " sabi ni Taehyung at bumalik doon. Hays, hayaan na lang natin 'yan. Bata lang 'yan eh.

Teka wait. Nasaan si Ilong? Parang, hindi ko mahagilap yung napakalaki niyang ilong ah? " Ya, Taehyung-ah! Si Jungkook? " tanong ko, nag-shrug lang siya at naglaro ulit. Eh? Saang sulok ng eskwelahan pumunta 'yon?

Bangtan DaddiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora