"Kaya ka siguro iniwan ng Mama mo kasi wala kang kwenta. Kahit na ang pag-aayos ng bulaklak di pa magawa." Ani niya sa akin na talagang tumago sa puso ko. Para bang may kung anong galit na lumukob mula sa puso.

Tatanggapin ko naman kahit ano pang masasakit na salita ang ibato niya sa akin. Pero ang idamay sa Ina sa usapan ay hindi na nakakatuwa.

Masama ko siyang tiningnan. Sa sobrang galit ko dito dahil sa kanyang sinabi ay walang pagdadalawang isip kung binato ang plato sa kanyang pagmumukha. Gusto kung masaktan siya sa ginawa para maramdaman niya kung gaano kasakit ang salitang binato niya sa akin.

"A-alam kung hindi maayos ang pakikitungo ko sa inyo. Pero wala po kayong karapatan na idamay ang Ina ko sa bangayan natin. Respetuhin mo naman siya kahit nasa kabilang buhay na." Mahabang turan ko dito. Nakita ko ang pag lambot ng expression niya dahil sa sinabi ko. Di ko rin namalayan na sunud-sunod na palang tumutulo ang luha mula sa aking mga mata.

Mabilis akong suminghot at saka pinahid ang luha ko sa pisngi. Akmang lalapitan sana ako nito. Pero kaagad akong umiwas at umalis sa harapan niya.

Isang malaking pagkakamali talaga ang kalabanin niya. Dapat sana ay nanatili nalang akong tihimik at hindi ko na hinayaan na umusbong ang pagkapilyo ko. Tama nga si Ina dapat piling tao lang talaga ang nakakaalam sa totoo kung ugali.

Matalas talaga ang tabil ng dila ko minsan. Palaban ako at mahilig sumagot kapag kinakailangan.


Napadpad ako sa North Wing ng palasyo kung saan tanaw ko ang kabilang bansa ang South Coastal. I sighed at saka nagpunta sa maliit na balcony at umupo sa isang upuan na meron dito. Ayoko talagang nag-iisa ako dahil pakiramdam ko ako nalang talaga na mag-isa sa mundo kahit totoo naman.

Kung anong meron ako ngayon ay maaring mawala ito sa akin ng parang bula lang. Kaya as much as possible ay ayaw kung masyadong ma attached sa kabaitan na binibigay sa akin ng mahal na Reyna dahil baka masaktan lang ako sa huli. Na maiiwan din ako ng mag-isa.

"You're here."

Napatayo ako ng dahil sa gulat ng may magsalita sa likod ko. It was Prince Carter. Bakas sa mukha niya ang pag-alala at parang hinihingal pa siya. Did he run?

"A-anong ginawa mo dito?" Kinakabahan kung tanong.

I heard him sighed at dahan dahang lumapit sa akin. "I know I hurt you with my words earlier. H-hindi ko sinadya. I'm sorry." Ani nito sa akin at kaagad naman itong nag-iwas ng tingin.

Tsk!

May humihingi pa ng patawad ng hindi makatingin sa mata ng nagawa nila ng kasalanan. Para naman hindi sincere.

"Hindi ka naman yata sincere." Sabi ko dito.

Bumaling naman siya sa akin "N-no. I'm sincere. Really! I'm sorry, alright?" Sabi pa niya pero pagkatapos ay nag-iwas na naman ng tingin.

"Bakit hindi ka makatingin sa akin? Napipilitan ka lang naman. Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko dito. Pero imbes na ito ay umalis ay umupo pa ito sa kabilang upuan.

Napasimangot akong napaupo sa upuan ko. Bahala siya diyan. Hindi ko pa rin tinatanggap ang 'apology' kasi parang labas sa ilong naman iyon.

"I'm really sorry, Sua. I mean it." He spoke. Napatingin naman ako sa kanya pero halos mahigit ko ang aking hininga ng makitang nakatitig pala siya sa akin. Nagkasalubong ang mata naming dalawa.

Ilang segundo kaming nagkatitigan at ako na mismo ang umiyas ng tingin dahil sa sobrang pagtambol ng puso ko. Parang sasabor ito at rinig na rinig ko pa ang tibok ng puso ko.

"O-okay. Apology accepted." I said at napalunok ng ilang beses. Kinakabahan ako na baka naririnig niya ang pagtambol ng puso ko.

"Hmm. Thanks! Friends?" Prince Carter said. Nagulat dahil nandito na pala siya sa harapan ko mismo habang nakalahad ang kamay.

"Sure ka bang hindi muna ako susungitan at aawayin?" Tanong ko dito.

Prince Carter laughed at me at saka ginulo ang buhok ko. "I should be the one to say that. Ikaw lang naman iyong masungit sa ating dalawa." Sabi pa niya.

Napanguso ako.

"Alam kung masungit ako, pero kasalanan mo din naman 'yon." Sabi ko pa. Naalala ko naman ang ginawa kung pagsumbong sa kanya sa mahal na Reyna na kasinungalingan. "Yung tungkol pala kahapon. Sorry din. Ikaw kasi eh." Paghingi ko ng tawad sabay paninisi dito.

Carter just smiled at me. "Alam mo ba kung anong nakuha kay Ina? Damn! He just put be grounded because of you. Now, I'm not allowed to leave the palace without you beside me."

"So, kaya ka nag sorry para samahan kita sa pagla lakwatsa mo? Binabawi ko na pala. Hindi kita pinapatawad." Ani ko dito.

May hidden agenda naman pala kaya gustong makipagbati.

"It's not like that. What I said earlier was below the belt. At isa pa hindi mo ba gustong mamasyal?" Segunda niya.

Mamasyal.

Parang matagal tagal na rin ng hindi ako nakapasyal simula noong nakaratay na si Ina ay nakatutok nalang ako sa pag-aalaga dito paghahanap ng hanap buhay.

"So, do wanna come with me? I can tour you around kahit saan mo gusto." Sabi niya pa.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko basta nalang ako tumango sa alok niya sa akin.

Prince Carter smiled at me bago niya ako hinila at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

 At simula sa araw na ito naging comportable na kami sa isa't-isa. Nandoon pa rin naman iyong bangayan namin sagotan at kung ano-anu pa. Pero parang wala nalang iyon sa amin. Parang normal lang sa aming dalawa iyon. Which is sobrang gaan ng loob ko kasi ako lang ang taong mimura ang mahal nilang Prinsipe. 

I feel like I'm special. 

Hanggang sa tumuntong kami sa tamang edad.

Prince Carter was now a 19 Years old habang ako naman ay 17 Years old na. 

Maayos naman ang lahat. Maging ang samahan at pakikitungo namin sa isa't-isa.

Not until he introduced his first girlfriend to me. 

________________________________________________

Yeey! 

Please vote and comment. Ciao! 

Oo nga pala sa mga nagtatanong. Yes, I'm reading BL Manhwa, Yaoi BL stories at kung anu-ano pa na palabas na related to BL. Baklang tunay tayo eh haha! 

Recommend naman kayo ng magandang panuorin ko babasahin dyan hihi! 

Omegaverse Series 3: Let me go, AlphaWhere stories live. Discover now