Kabanata 11

16 1 0
                                    

Nagsimba sila Nay Linda, Tay Pedro, Lorenzo at Abby. Tapos na rin ang misa at nasa labas sila ngayon ng simbahan upang bumili ng kandila at magsindi dahil kaarawan na ngayon ni Nay Linda. Nagsesenyasan naman ang dalawa dahil balak nilang mauna sa bahay para isurpise ang matanda.

Nasa edad 57 na si Nay Linda pero malakas parin ang pangangatawan nito. Lumapit si Abby kay Nay Linda. "Nay Linda? Medyo nahihilo po ako e. Gusto ko na po sana umuwi." Pag-aacting ni Abby habang hawak hawak ang ulo para palabasin na masakit ang ulo niya.

Agad naman siyang inalalayan ni Nay Linda. "Ganon ba? Eh magsisindi pa kasi ako ng kandila. Ang mabuti niyan umuwi na kayo ni Lorenzo at magsasama nalang kami ng Tatay Pedro nyo." Saad ni Nay Linda na may halong pag-aalala.

Tinawag ni Nay Linda si Lorenzo na ngayon ay bumibili ng kandali kasama si Tay Pedro. "Anak? Enzoy? Samahan mo ng umuwi si Abby dahil masama daw ang makiramdam niya."

Lumapit naman agad si Lorenzo at iniabot ang binili niyang kandila. Sumunod naman si Tay Pedro saka tumabi kay Nay Linda. "Magpahinga ka na anak huh?" Saad ni Nay Linda kay Abby sabay haplos sa ulo.

Napatango naman si Abby bilang tugon. Nagmano muna si Lorenzo at Abby sa dalawang matanda saka umalis doon.

Nag-aabang na sila ng masasakyan pauwi. Sumilong muna sila sa isang makulimlim na lugar dahil tirik ang araw at sobrang init ng singaw sa kalsada.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Erika kasama ang Daddy at Kuya nitong si Dave na pababa na ngayon ng simbahan. Tatalikod sana siya pero huli na dahil nakita na agad siya si Dave saka ito tinawag.

Napapikit nalang siya sa kaba at dahan dahan na lumingon sa kaibigan. Napalingon din si Abby sa lalaking tumawag kay Lorenzo.

Lumapit si Dave kay Lorenzo sabay akbay sa kaibigan. "Enzoy! Bayaw! Haha nagsimba ka rin pala." Panimula nito habang nakangisi. Napangiti nalang ng konti si Lorenzo sakaniya.

Napalingon naman si Dave sa gilid ni Lorenzo kung saan nakatayo si Abby. "Oh pamilyar ang dalagang to. Siya ba ang kasama mo magsimba?" Nagtatakang tanong ni Dave kay Lorenzo. Napalingon naman si Lorenzo kay Abby saka tumango ng dalawang beses kay Dave.

"Nagsimba rin si Nay Linda at Tay Pedro kasama rin kami. Birthday kasi ngayon si Nay." Tugon ni Lorenzo kay Dave. Napalingon naman sakaniya ito saka nagsalita. "Ibati mo nalang ako kay Nay Linda huh. Sabihin mo next time nalang ang regalo." Sabay ngisi ni Dave at napatapik tapik sa balikat ni Lorenzo.

Ilang sandali pa dumating na rin si Erika upang tawagin ang Kuya nitong si Dave na ngayon ay nakikipag-usap sa ex-boyfriend niyang si Lorenzo. Napayuko nalang si Lorenzo dahil hindi niya pa kayang makipagtitigan kay Erika. "Kuya? Aalis na daw tayo sabi ni Dad." Mahinhin nitong saad kay Dave.

Nanatili namang tahimik si Abby sa gilid at pinagmamasdan ang tatlo na nag-uusap. "Sige, mamaya na. Saglit lang to Rika." Tugon naman ni Dave sa kapatid.

Ngumiti naman ng konti si Erika saka tumango. Napalingon naman si Erika sa gilid ni Lorenzo kung saan nakatayo si Abby. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa na para bang nagpapahiwatig sa tanong niyang And who are you?

Napatingin naman sakaniya si Abby saka tinaasan ng kilay si Erika dahil sa tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa bagay na ikinainis niya. Natauhan nalang sila nang magsalita si Dave. "Ipakilala mo naman ako sa kasama mo Enzoy!" Saad nito sabay tapik sa balikat ni Lorenzo.

Gulat namang napatingin si Lorenzo kay Dave at napalingon kay Abby at Erika na ngayon ay nagtititigan din. Napalunok muna siya bago nagsalita.

"Ahmm.. ehem. S-si Dave nga pala. Ahhh Abby? Si Dave. Dave? Si Abby k-kaibigan ko?" Saad ni Lorenzo na may halong pagaalinlangan sa sinabi niya.

I Love You for 60 secondsWhere stories live. Discover now