Kabanata 9

16 1 0
                                    

"Oh enzoy! Buti naman dumating ka! Kanina ka pa namin hihintay e." Panimula ni Thomas sabay akbay sa pinsan na kararating lang. Sinalubong na rin siya ng dalawa na si Dave at Ben.

Mga walang damit ito pang-itaas dahil pinagpapawisan sila dahil sa init ng panahon. "Teka! Sandali! K-kasama mo ba ang babaeng yon?" Tanong ni Dave habang nakatingin ito sa likuran ni Lorenzo. Napalingon siya kay Abby sa di kalayuan at nakaupo sa gilid na ngayon ay palingon lingon sa buong court.

Tumango nalang si Lorenzo kay Dave bilang tugon. Napansin ni Lorenzo na parang kumislap ang mata nito habang nakatingin sa dalaga. Napakunot noo naman si Lorenzo saka nagsalita. "She's engaged to someone, Sir Dave Gomez!" Seryosong saad ni Lorenzo. Sabay sabay namang napatingin sakaniya si Ben, Thomas, at Dave na di maipinta ang mukha.

"Talaga?" Sabay sabay din na tanong ng tatlo. "Oo nga. Engaged na siya." Tugon ulit ni Lorenzo sakanila. "Teka nga! Kaano-ano mo ba siya? Bat kasama mo yan dito?" Nagtatakang tanong ni Dave sakaniya.

"Mahabang kwento, Sir Dave." Tugon ulit si Lorenzo sakaniya saka kinuha ang bola. "Ganda sana pare." Bulong naman si Ben kay Dave na ngayon ay nakatingin parin kay Abby sa di kalayuan sa kanila.

"Hoy Insan! Bat mo pala isinama yang babae na yan?" Tanong ni Thomas habang inilapit niya ang mukha sa tenga ng pinsan. Napalingon naman sakaniya ito at napangiti.

"Gustong sumama e. Pampalubag loob lang dahil nagalit yan sakin kagabi dahil sa nawala ko ang singsing niya." Tugon ni Lorenzo na ikinagulat naman ni Thomas.

Ilang sandali pa ay nag-umpisa na sila maglaro. Nagsisigawan ang ibang nanonood doon lalo na kapag nakakapagshoot ng bola sa ring ang ibang players.

Nanatiling nakaupo lang si Abby sa gilid at tahimik na nanonood sa laro. Pumapalakpak rin siya sa tuwing nakakapagshoot ng bola si Lorenzo pero napapalingon nalang sya dahil sa nagsisisigaw na mga grupo ng babae at bakla sa bandang kanan niya.

Naiinis na si Abby sa mga tilian ng mga malalanding bakla sa at babae sa tabi niya kaya naisipan niyang tumayo at maglakad lakad sa paligid ng court.

Napatingin siya sa nagtitinda ng kwek-kwek, isaw at siomai sa kabilang daan. Napalingon siya kay Lorenzo na naglalaro parin ngayon ng basketball.

Napatingin muna siya sa hawak niyang bag na may laman na isang boteng tubig na iinomin sana ni Lorenzo pagkatapos ng laro at nakita siya ng 80 pesos doon sabay ngiti.

Nagugutom na rin siya kung kaya't tumawid siya sa kabilang daan at nagpalingon lingon muna. "Ahm, Manang? Ano po to? Tsaka magkano po ba yan?" Tanong ni Abby sabay Matandang babae na nasa edad 48 na ito sabay turo sa kwek-kwek.

Napatingin naman sakaniya ang matanda saka nagsalita. "Piso-isa lang yan hija." Napatango tango naman si Abby habang pinagmamasdan ang kwek-kwek, isaw at siomai na nasa harapan niya.

"Hija? Ngayon lang kita nakita rito. Taga saan ka ba?" Tanong ulit ng matandang babae na nakatingin ulit sakaniya. Napangiti naman si Abby ng konti saka nagsalita. "Taga Manila po ako. N-nagbabakasyon lang ho hehe." Sabay ngisi ng pilit. Napatango tango naman ang matanda at nagpatuloy sa pagpapaypay sa iniihaw niya.

Magsasalita sana si Abby para bumili na ng kwek-kwet at siomai nang biglang may isang boses na nagsalita mula sa kaniyang likuran. "Ayyy! Bongga! Gayunon na daraga ini! Ngilala mo ini Aling Susan?"(Ayyy! Bongga! Kay gandang dalaga to. Kakilala mo ba siya Aling Susan?) Tanong ng isang bakla na ngayon ay nakaturo kay Abby at parang namangha na makita siya.

Napalingon naman ang matandang babae na Aling Susan pala ang pangalan. "Ay dae man. Bakon man daw siya tagadigdi. Taga Manila daw siya."(Ay hindi naman. Hindi raw siya taga dito. Taga Manila daw siya.) Tugon naman ni Aling Susan sa bakla.

I Love You for 60 secondsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu