Kabanata 1

33 1 0
                                    

"Bakit hindi ka pa nya niyayaya na magpakasal?" Tanong ni Sophia kay Abby. Nasa isang restaurant sila ngayon dahil sa pagcecelebrate ni Sophia dahil sa engaged na siya.

Wala namang imik si Abby habang kumakain. Iniisip nya parin kung may kulang ba sakanya dahil hanggang ngayon ay in a relationship parin sila ng long time boyfriend nyang si Jeric.

"Alam mo girl? Kung ako sayo? Ako nalang ang magfi-first move para taong mahal ko. Wag mo pairalin pride mo. Baka magsisi ka sa huli." Wika naman ni Sophia habang kumakain.

Napansin din nya na hindi parin nagsasalita si Abby kanina pa kung kaya't kinalabit na nya ito. "Hoy, Ok ka lang ba talaga?" Tanong nya ulit sa kaibigan dahilan para matauhan si Abby.

"Huh? Ano? Alin?" Gulat na tanong ni Abby kay Sophia. Napakunot naman ng noo ni Pia dahil sa naging reaction ng kaniyang kaibigan. "Ang sabi ko kung ok ka lang ba?" Tanong nya ulit dito. Tumingin si Abby kay Pia at tumango tango at pilit na ngiti ang binitawan nya sa kaniyang labi.

Napabuntong hininga nalang siya saka nagpatuloy sa pagkain. Lumapit sakanya ni Sophia at niyakap ang kaibigan. "Kung ano man ang problemang kinakaharap mo ngayon, malalagpasan mo rin yan. Tiwala lang Abby, andito lang ako." Sabay hagod sa likod nito kahit hindi naman umiiyak si Abby.

Kumawala na sila pagkakayakap dahil biglang nag-ring ang phone ni Pia. Kinuha nya ito saka sinagot. Itinuon nalang ni Abby ang atensyon niya sa pagkain. Maya-maya nang matapos ang pag-uusap ni Sophia sa tumawag sakanya ay agad na itong nagpaalam.

"Sorry, Abby. I have to go. Mauna na ako sayo huh. Thank you pala sa time mo. Iloveyou friend."sabay kuha ng mga gamit nya at nakipagbeso beso muna kay Abby bago tuluyang umalis doon.

Mas lalong naging malungkot si Abby. Lahat nalang ng taong mahal nya ay hindi sya nabibigyan ng sapat na atensyon kung kaya't lagi siyang nag-iisa. Hindi na niya tinapos ang kinakain niya at lumabas na restaurant na yon.

"Ma'am nakahanda na po ang pagkain sa mesa. Hinihintay ka na po ng Dad nyo na bumaba at makisalo sakanila." Sabi ng isang matanda na panay katok sa kaniyang pinto. Bumangon si Abby sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.

"Manang, pakisabi na masama ang pakiramdam ko. Hindi na muna po ako sasabay sakanilang kumain." Matamlay na tugon naman nya sa matanda.

"Pero, Ma'am Abby nandito po si Sir Jeric. Nasa baba po sya naghihintay po sainyo. At gusto ng Dad mo na salo-salo kayong kumain ngayong gabi." Saad naman ng matanda. Namilog mga mata ni Abby ng marinig yon. Hindi siya makapaniwala na pupuntahan siya ngayon ni Jeric kahit na super busy nito sa work bilang isang CEO sa isang malaking kompanya.

"Sige po Ma'am, bababa na po ako at may inuutos pa sa akin si Sir Lazaro." Pagpapaalam ng Matanda na si Manang Rosaria. Hindi naman makapaniwala ni Abby sa mga naring nya.

Nang matauhan siya dali-dali niyang sinara ang pinto at kinabahan ng sobra. Agad siyang tumungo sa harap ng salamin at nag-ayos ng itsura. Dali-dali rin siyang nagbihis ng damit na pormal tingnan upang maging presentable ang kaniyang dating sa harap ni Jeric.

Pagbaba niya ng hagdan at tumungo sa dining area laking pagkadismaya nalang niya ng wala siyang makitang Jeric na nakaupo doon. Nasa pinaka-center nakaupo ang kaniyang Dad na si Lazaro. Nasa bandang kaliwa naman niya si Trixie. Nasa tabi rin ni Trixie si Kevin.

Sabay-sabay silang napatingin kay Abby na ngayon ay bihis na bihis na para bang may pupuntahan. "Oh anak? Nahuli ka na. Kakaalis lang ni Jeric, nagmamadali na nga kanina at nagkaroon daw ng emergency about sa work nya. Halika na at maupo ka na nang makakain ka na ng dinner, anak."

Hindi nya maintindihan kung bakit mas mahalaga pa ang work ni Jeric kesa kaniyang nararamdaman. Nasasabik na rin siyang makausap at makayakap ito pero parang hindi sila pinagtatagpo o pinaglalapit ng tadhana. Almost 4 years na silang ganito pero kinakaya niya parin dahil tapat ang kaniyang pag-ibig sa lalaking matagal na niyang kasintahan.

I Love You for 60 secondsWhere stories live. Discover now