Kabanata 8

13 1 0
                                    

Gabi na. Ang lahat ay nasa hapag kainan na. Walang kuryente sa bahay nila Lolo Jose kung kaya't ang tanging apoy sa gasera lang sa gitna ng pabilog na  mesa nila ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Tahimik lang silang kumakain na sobrang pamilyar kay Abby. Katabi ni Nay Linda sa kanan si Lolo Jose. Nasa tabi naman ni lolo Jose si Maiah, nasa tabi ni Maiah si Abby, at katabi rin ni Abby si Lorenzo.

Tanging ang pagbagsak ng baso sa mesa pati narin ang kutsara at tinidor na nagbabaggaan sa plato ang tanging ingay na maririnig. Maya-maya pa ay biglang nabasak ang katahimikan nang magsalita si Lolo Jose. "A-alam niyo ba? Maraming aswang ang umaaligid dito." Saad ni Lolo Jose at sabay sabay namang napalingon ang lahat maliban kay Nay Linda.

Namilog ang mga mata ni Abby dahil sa narinig niya. Nanatiling kumakain ng tahimik naman si Nay Linda na ngayon ay napangisi. "Hayaan nyo lang yang Lolo Jose niyo. May katandaan na kasi." Sabay pailing iling sa sarili habang nakangisi. Napalingon naman si Abby kay Nay Linda na may halong takot na nararamdaman. "Sa pagsapit ng hating gabi ay saka sila aatake at kakain ang mga laman loob ng tao." Dagdag pa ni Lolo Jose na ngayon ay seryosong nagkukwento.

Napalingon naman si Abby sakaniya at seryoso ding nakikinig. Napatingin naman si Maiah sakaniya saka bumulong. "Hayaan niyo lang po magkwento si Lolo ng mga katatakutan tuwing gabi. Paborito niya po kasi ang ganong kwento." Napalingon naman si Abby sakaniya saka kunot noo na tumango tango. Natawa naman si Lorenzo sa naging reaction ng katabi niyang dalaga na para bang batang nauuto sa mga  kwento ng matatanda.


Alas otso na ng gabi, lumabas si Abby para magpahangin-hangin. Naupo siya sa upuan na nasa balkonahe nila Lolo Jose. Gabi man ngunit maliwanag parin ang buong paligid dagil sa bilog na buwan na siyang nagbibigay liwanag.

Nakatingala siya sa kalangitan na punong puno ng mga nagkikislapang mga bituin na nakapalibot sa bilog na buwan. Umihip din ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa mga buong katawan niya dahilan para lamigin siya. Niyakap niya ang sarili habang nag-iisip.

Iniisip niya parin kung paano siya ngayon makakabalik sa Manila at mahanap si Jeric. Umaasa parin siya na siya ang papakasalan nito at tatanggihan ang pagpapakasal sa ibang babae. Napabuntong hininga naman siya habang pilit na ngumiti sa sarili.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng kaluskos sa paligid. Napalingon siya sa bandang gilid niya kung saan gumagalaw ang damo doon. Napatayo siya at lumapit ng kaonti doon. Hindi niya parin makita kung anong bagay ang gumalaw sa likod ng damong iyon. Maya-maya pa ay nawala na kaloskos sa damuhang iyon. Tumigil na rin ang paggalaw ng mga damo.

Kinilabutan siya lalo nang maalala ang mga sinabi ni Lolo Jose kanina habang kumakain sila. May mga aswang na umaaligid sa buong paligid dito sa lugar nila Lolo Jose. Lumingon siya sa may pintuan at napapaisip siya kung totoo ba ang sinabi ng matanda kanina.

Natauhan nalang siya nang bigla siyang makarinig ng huni ng ibon sa di kalayuan. At parang ibon na ang huni ay parang batang umiiyak. Lalo na mang makarinig siya ng mga yapak mula sa kaniyang likuran at ramdam niyang papalapit yon sa kinatatayuan niya na nagpatayo ng lahat ng palahibo niya.

Nakatikom na naman ang mga kamao niya habang nanginginig sa takot. Akmang lilingon na sana siya ngunit biglang siyang napatalon sa gulat nang makita si Lorenzo. "Bulaga!!! HAHAHA" panggugulat ng binata sa dalaga na ngayon ay nababalot na ng takot. Na-out balance si Abby kung kaya't agad sinalo ni Lorenzo at hinawakan ito sa likod at sinalo ng mga braso niya para sa pangsuporta para hindi tuluyang mahulog ang dalaga.

Pero ang malas lang dahil na-out balanace din siya dahil sa bigat pala ng dalaga. Napahawak din si Abby sa balikat ng binata kung kaya't nawalan si din to ng balanse para saluhin siya. Sabay silang bumagsak sa sahig ng balkonahe. Nakahiga si Abby habang nakapaibabaw naman si Lorenzo.

I Love You for 60 secondsWhere stories live. Discover now