Kabanata 5

17 1 0
                                    

Sinundan niya ang pinsan na pupunta ngayon kila Manang Rita. "Ahh insan, sandali." Napatigil naman sa paglalakad si Enzo at napalingon sa pi nsan. "Sino yong magandang dalaga na nasa bahay nyo? Narinig ko kay Tita Linda na girlfriend mo raw?" Nagtatakang tanong ni Thomas. Napailing iling nalang si Lorenzo at napangisi. "Tsk. Ang totoo niyan hindi ko naman talaga yon girlfriend. Tsaka kahit wala na kami ni Erika hindi ko parin kayang humanap ng iba at ipagpalit siya agad." Tugon ni Lorenzo sa pinsan.

Napatango-tango naman si Thomas. "Eh? Sino nga yon? Tsaka bakit nasa bahay nyo siya?" Sunod sunod na tanong niya kay Lorenzo. "Abbygaille Reyes daw pangalan niya. Taga Manila at hindi ko rin alam kung bakit nandito siya. Nakatabi ko siya sa Bus papunta dito sa Bicol pero pagbaba namain sa Legazpi, ayon nanakawan siya. Nawalan ng pera at cellphone na pangunahing kailangan niya lalo na't hindi siya tagarito. Baka sobrang nag-aalala na ang mga magulang niya sakaniya." Paliwanag niya sa pinsan na ngayon at tatango tango naman. "Kaya pinatuloy ko na muna sa bahay hanggat wala pang pera para palang makabalik sa Manila. Tsk. Tsk. Tsk." Pailing iling na saad ni Lorenzo habang nakikinig parin si Thomas sakaniya.

Patuloy lang sila sa paglalakad ang dalawang mag-pinsan. Napatigil si Thomas saka tinanong si Lorenzo. "Teka nga lang. Bakit nga pala kayo nag-break ni Erika? Eh hindi mo pa siya napapakilala kay Tita Linda eh. Kwento mo naman sakin." Pangungulit pa ni Thomas. Nilingon naman siya ni Lorenzo na nauuna maglakad sakaniya.

"Mahabang kwento. Nagresign na rin ako sa trabaho ko sa Manila para lang sakaniya pero pagbalik ko, ayon wala na." Malungkot na tugon ni Lorenzo kay Thomas na ngayon ay gulat sa sinabi niya. "P-panong wala? Tsaka bat ka naman pala nagresign sa trabaho mo dun sa Manila e ang ayos ayos ng trabaho mo." Saad ni Thomas at hinabol ang pinsan sa paglalakad.

"Hindi na kailangan. Matagal ko na rin na hindi nakakasama sila Nay at Tay pati narin si Erika. Namimiss ko na nga din si Ate Nicole na hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi dito. Pinipigilan na naman siguro ng asawa nyang masungit. Tsk!" Sabi ni Lorenzo na ngayon ay parang wala na sa mood na nagkukwento sa pinsan.

"Eh nasaan na ngayon si Erika? Ano naman ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay?" Tanong na naman ni Thomas sa pinsan. Napalingon si Lorenzo sakaniya saka nagsalita. "Syempre nasa bahay nila. Nakipag-break siya sakin dahil sabi niya ayaw daw niya ng long distance kami. Kaya ayon umuwi ako pero nong araw na mismo na dumating ako, nakipag-break na agad siya." Paliwanag ni Lorenzo sa pinsan niyang matanong. Napatango-tango naman si Thomas saka sila nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay nila Manang Rita. "Manang Rita? Makikiigib po ulit ah." Pagpapaalam ni Lorenzo sa matanda na ngayon ay nagdidilig ng halaman nila sa gilid ng bakuran sila. Walang gripo sa may bahay sila Lorenzo kung kaya't nakikiigib siya sa bahay nila Manang Rita na may balon at gripo pa.

Pabalik na sila sa bahay nila Lorenzo. Tinulungan na din si Thomas sa pagbibitbit ng tubig ang pinsan na ngayon ay parehong may dalang balde ng tubig. "Sa tingin mo? May chance pa kaya na magkabalikan kami ni Erika?" Tanong ni Lorenzo kay Thomas na nauuna maglakad sa kanila. Nahinto naman si Thomas at lumingon sakaniya. "Depende kung susuyuin mo siya araw-araw at ipakita mo na kahit papaano ay may oras ka pa rin naibibigay sakaniya kahit di ka man niya pansinin sa ngayon." Tugon ni Thomas sabay baba ng baldeng may tubig.

Nahinto rin si Lorenzo sa tapat ng pinsan. "Paano naman?" Tanong niya sa pinsan. Napaisip naman si Thomas saka tumingin sakaniya. "Pano kung ligawan mo ulit siya. Haranahin mo tulad ng dati. Nainlove lang naman ang Erika na yon sayo dahil sa pagsali mo sa singing contest eh." Tugon niya kay Lorenzo na ngayon ay napakunot noo.

Alam naman niyang nafall si Erika sakaniya dahil dinadaan daan niya lang sa biro at harana ang dalaga kung kaya't nakuha niya ang matamis nitong OO noon. Kaya napapaisip siya ngayon at mapipilitang sumali nalang sa singing contest sa nalalapit na pista.


I Love You for 60 secondsWhere stories live. Discover now