Kabanata 2

24 1 0
                                    

Nasa isang restaurant sya ngayon at nakaupo na siya habang hinihintay na dumating si Jeric. Kinakabahan parin siya sa gagawin niya dahil batid niyang maraming taong makakakita sa gagawin niya mamaya.

Nakahanda na rin ang singsing na nasa maliit na bag nya ngayon. Nakasuot siya ngayon ng Red Dress na kita ang likod dahilan para mangibabaw ang kinis at maputi nitong balat. Nakaipit din ang buhok niya pataas dahilan para kitang-kitang ang nakakaakit nitong leeg at balikat. Kapansin-pansin din ang magandang hubog nitong katawan dahil sa suot niyang sobrang lapat sa kaniya.

Ilang sandali pa ay dumating na si Jeric na parang nagmamadali. Hindi niya alam kung magiging masaya ba sya o malulungkot sa nakita niyang reaction ng mahal niya.

Nang lumapit ang binata sakaniya at agad itong sinalubong ng halik sa pisnge. "Good evening, love. Sorry ngayon lang ako. May inayos lang ako sa office bago ako pumunta dito e." Pagpapaliwanag ni Jeric saka inalalayan si Abby na maupo ng maayos. Naupo na rin siya sa tapat rin ni Abby.

"Oh, by the way. How are you? Kelan daw uuwi sila Tito Lazaro?" Tanong ni Jeric kay Abby. Nakayuko lang si Abby na para bang nahihiyang bata sa harap ng binata. "Love? A-abby? Are you ok?" Tanong ulit ni Jeric dahilan para matauhan si Abby.

"H-huh? Ahhh. A-ano? Ahh. O-of course, I'm good. How about you? And how about your work?" Sunod sunod na tanong ni Abby Napangiti naman si Jeric. "Ok lang naman din. Medyo busy parin ako dahil ayaw ko mapabayaan tong trabaho ko dahil super mahalaga to para sa akin." Tugon naman ni Jeric sakaniya.

Biglang nalang kumirot ang puso ni Abby sa mga narinig nya mula sa bibig mismo ni Jeric. Napatunayan na talaga niya ngayon na hindi siya mahalaga sa taong kaharap niya ngayon dahil kahit kailan ay hindi man lang talaga siya nabibigyang pansin o atensyon na gusto niya simula pa nong una. Na mas inuuna pa nito ang ibang bagay kesa sa sarili niyang nararamdaman.

Napalunok muna siya bago magsalita. "Ahm.. H-how about us?" Tanong ni Abby na ikinakunot naman ng noo ni Jeric. "W-what do you mean? Bat mo naman itatanong yan eh alam mo namang ayos lang tayo diba? Hindi naman tayo nag-aaway. Tsaka tayo parin naman hanggang ngayon." Tugon ni Jeric habang nagtititigan sila sa mata. Hindi na makapagsalita si Abby dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Napayuko nalang siya at umiwas ng tingin kay Jeric.

Hindi pa nga nangangalahagting oras ay biglang nag-ring ang phone ni Jeric. Kinuha niya ang phone niya at bago niya ito sagutin ay humingi muna siya ng excuse kay Abby. Tumango nalang si Abby saka tumayo si Jeric at lumayo layo ng onti sa dalaga.

Ilang sandali pa ay bumalik na ulit si Jeric sa pwesto ni Abby nang matapos ang pakikipag-usap niya through phone. Nagmamadali itong tumungo kay Abby. "Love? Sorry but I have to go. Nagkaproblema na naman kasi sa office. Next time nalang huh? I love you." Sabay halik sa pisnge ni Abby at dali-daling lumabas ng resto.

Naiwan naman si Abby sa inuupuan niya. Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha niya na kanina pa naiipon sa mga mata niya. Nasasaktan siya dahil ramdam niya ang pag-iwan sakaniya sa gitna ng labanan at mas inuna pa ni Jeric ang iba kesa sakanya.

Tulala siyang nakahiga ngayon sa kama habang hawak ang phone niya. Mahal niya si Jeric pero parang di naman nagwowork yung relationship nila. Natauhan nalang siya nang biglang nag-ring ang phone niya. Tiningnan niya ito saka sinagot.

"Hello?" -Abby

"Hello Abbygaille? Kamusta pala yong plano mo? Ano? Nag-work ba?" -Pia

"Hindi." Abby

"Hala? Anyare? Hindi sya pumayag?" -Pia

"Mali." -Abby

I Love You for 60 secondsWhere stories live. Discover now