EPILOGUS

919 95 40
                                    

"Man is the cruelist animal."

---Friedrich Nietzsche

---

3:00 a.m.

Napabuntong-hininga ang dalaga nang makita ang oras sa kanyang relo. Sa gilid ng kanyang mga mata, tinitingnan pa rin ng "dating warden" ang kanyang identification card. Malamang napulot ito ng matanda kanina nang inaasikaso nila si Asmodeus. Sa maliwanag na pasilyong binibigyang-liwanag ng fluorescent lights, binasag ng lalaki ang katahimikan.

"Hindi ito gumana."

Pagak na natawa ang dalaga at inilahad ang kamay. She never liked people touching her personal belongings. Then again, kailangan niyang mag-ingat sa kanyang ikinikilos. Baka makarating pa ito sa nakatataas.

Still, when she spoke, her voice was laced with such danger that even a real asylum patient would cower in fear, "Hindi talaga gagana 'yan. That's a fake ID card created by our skilled propsmen."

"Is that so? It looks very realistic. Mukhang malaki talaga ang budget niyo sa proyektong ito, Isabelle."

Marahang tumango ang kasalukuyang warden at binawi ang pekeng ID niya. Sandali niyang tiningnan ang naka-imprintang pangalan rito. Nakakatawang isipin na ang tunay niyang pangalan ang pinalagay nila. 'Kahit sino, mapapaniwalang isa talaga akong nurse sa asylum na ito.' Faded black letters spelled out her name, beside an old photograph taken a few years ago.

MARIA ISABELLE NATIVIDAD

Ang kasalukuyang warden ng Eastwood Asylum.

Huminga siya nang malalim at ibinulsa ang kanyang ID. Kasabay nito, umalingawngaw ang tunog ng mga takong sa pasilyo. Hindi na siya nabigla nang lumapit sa kanya ang isang dalagang nakasuot ng uniporme niya. She even wore Isabelle's nameplate. Nang nasa harapan na siya nito, bahagyang yumuko ang bagong-dating bago nagsalita.

"Warden Isabelle, pinapalinis na po namin sa janitors ang banyo at kusina. Sa kabila ng ilang 'casualties', mukhang makakaabot naman tayo sa schedule." The random girl smiled. Nakapaglinis na rin ito ng mukha. Hindi man niya ito madalas aminin, pero hanga na talaga si Isabelle sa nagagawa ng special effects make-up artists nila. Not that Asmodeus needs a lot of convincing that this girl was her, of course. Madilim kanina sa banyo kaya hindi na nito natitigang maigi ang mukha ng dalaga.

The only indication he got was the nameplate.

"Good job. Tell them to clean the yard, too. Exaggerated masyado ang dami ng dummies na inilagay nila roon. At pakibalik na rin ang nameplate at uniporme ko."

"Yes, ma'am!"

The girl saluted and walked away.

'Hindi mo talaga aakalaing isang magaling na artista ang babaeng ito,' kumento ni Warden Isabelle habang pinagmamasdang maglakad papalayo ang babaeng naging "double" niya kanina. 

Huminga siya nang malalim at tumango sa mga gwardiyang kanina pa naghihintay sa kanyang hudyat. Pare-parehas silang malalagot kapag nahuli sila sa schedule na ibinigay "niya" sa kanila. They all know what will happen soon.

Mabilis nilang binuksan ang silid ni Asmodeus.

Pinanood lang ni Isabelle ang paghila nila sa katawan ng lalaking nakasiksik na naman sa ilalim ng kanyang kama. Walang malay. Marahas siyang ihiniga ng mga ito at pinalitan ng malinis na damit. Dumating naman ang ibang nurse para linisan ang kanyang mga sugat. Sinipat ng warden ang paligid at siniguradong nasa ayos ang lahat. Her eyes fell on the CCTV cameras they installed in the four corners of his room, red lights stared at her.

✔Welcome to the Asylum Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang