DUODEVIGINTI

367 60 8
                                    

---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---

"P-PAPA... Tama na po... N-Nasasaktan na po ak---AAAAAAH!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang niyang hinampas ang tubo sa bibig ko. It almost smashed all my teeth. Alam kong pumutok ang labi ko dahil sa dami ng dugong tumulo sa sahig, tuluyan nang tinakpan ang naunang mantsa roon. Habang nakayuko ako at umiiyak, nakatulala na lang ako sa mga patak ng dugo sa tahanan namin.

Some drops were days old. Some were just a few minutes fresh...

All of them came from a painful experience.

Humagulgol lang ako ng iyak at pilit lumalayo sa sarili kong ama. Nasanay na ako sa mga "pagdidisiplina" niya, pero may ilang pagkakataong hindi na nakakayanan ng katawan ko. I was just a kid. I didn't know any better. Ni hindi ko nga alam kung kailan nagsimula ang ganitong mga pangyayari sa loob ng apat na sulok ng maliit naming bahay.

I'm surprised the police never interfered.

"Bakit ba hindi ka na lang mamatay? Tangina, palamunin ka lang dito sa bahay eh. Ayan 'yong kutsilyo. Pakamatay ka na lang!"

Nanghihina akong umiling. Alam kong magagalit na naman si mama dahil namantsahan na naman ang puti kong uniporme. Nang dumako ang mga mata ko sa orasan, napansin kong huli na pala ako.

I was an elementary at that time. Alanganin na rin akong maka-graduate.

"M-Male-late na po ako, papa... Kailangan ko na p-pong umalis."

Tumalim ang kanyang mga mata at muli na naman niyang pinulot ang malaking tubo. Natataranta akong gumapang papalayo sa kanya at sinubukang lumabas ng bahay nang bigla niya hinila ang bag na nakasukbit sa likod ko. Walang-awa niya akong kinaladkad pabalik.

"ANO? MAGSUSUMBONG KA? IPAPAKULONG MO AKO?! DEMONYO KA TALAGANG BATA KA!"

I screamed when the pipe smashed my head again.

Paulit-ulit.

Hinayaan ko na lang. Ang sabi ni mama, normal lang na disiplinahin ako ni papa, lalo na kapag "nakahithit" na naman siya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin 'non noong mga panahong iyon, pero malakas ang kutob kong may kinalaman ito sa mga kending tinatago niya sa cabinet namin.

*

Inside the chest freezer, I tried to keep myself from losing consciousness.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nanginginig sa lamig. Natatakot na ako sa dilim, at pakiramdam ko hindi na ako babalikan nina papa. Nanghihina at kumakalam na ang sikmura ko. Wala na akong ibang magawa kundi yakapin ang putol na braso. Aasa na lang akong may makahanap man lang sa bangkay ko mamaya.

Hindi ko alam kung naroon pa sa labas ng bahay namin ang mga diyablong tinatakasan ni papa.

Iniisip ko na lang na mabait talaga ang papa ko. Mahal niya ako. Gusto niya akong iligtas sa mga diyablo kaya itinago niya ako rito sa chest freezer ng kapitbahay namin.

✔Welcome to the Asylum Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon