QUINQUE

581 78 4
                                    

---

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---

"YOUR fifteen minutes is over, Asmodeus."

Kamuntikan na akong atakihin sa puso nang biglang nagsalita sa gilid ko si Nurse Isabelle. Walang-emosyon niyang ibinalik sa kanyang bulsa ang pocket watch at ibinaling ang mga mata sa'kin. The blackholes of her eyes stared back at me as if they were attempting to pull me in. Soon, she started walking towards the male nurse who carried my wheelchair, expecting me to follow her.

'She can really be creepy sometimes.'

Pasimple kong itinago ang hawak kong journal at umaasang hindi niya ito napansin. Tumayo ako at pinagpag ang narumihan kong damit. Nang silipin ko sina Albert at Richard, lalo lang akong naguluhan nang mapansing nawala na sila. Kinakabahan ko silang hinanap sa bakuran. Bakit parang ako na lang mag-isa ang nandito? O baka naman napa-paranoid na ako?

O baka naman ako lang talagang mag-isa ang nandito mula pa kanina?

No, that's just crazy.

Sumulyap ako sa bintana kung saan nakadungaw kanina ang warden. To my surprise, she was still standing there behind the foggy old window. Hindi niya pa rin inaalis ang mga mata niya sa akin. The longer I stare at her, the longer I feel like I am staring back at an abyss.

Kabado akong yumuko at sumunod na lang kay Nurse Isabelle.

Now I know why the other patients are so terrified of the warden.

Nang makalapit na ako sa dalawang nurse, marahang iminuwestra ng lalaki ang wheelchair. Hindi pa rin siya nagsasalita. Minsan pakiramdam ko nang-aasar na lang siya sa'kin at ipinapamukhang pasyente lang ako rito sa asylum.

"Hindi ko kailangan ng wheelchair," pagrerebelde kong sabi.

Napasimangot si Nurse Isabelle. Maya-maya pa, nagkatinginan sila ng lalaking nurse at marahan siyang tumango. Bago pa man ako makapaglakad papalayo, nabigla na lang ako nang hinawakan ako sa braso ng lalaking nurse. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Halos mapasigaw na ako sa sakit. "W-WHAT THE FUCK?! BITIWAN MO AKO!" His fingernails almost pierced my flesh as I struggled under his iron grip.

In a split second, he grinned like a madman and brutally kicked my leg with so much force, I heard a cracking sound...

"GAAAH!"

Tuluyan na akong napadaing sa sakit nang maramdaman kong nabali ang buto ko sa binti. Nanghihina akong napaluhod habang iniinda ito. Nanginginig na ang mga kalamnan ko dahil sa tindi ng sakit at halos matuliro na ako nang mapagtanto kong hindi ko na maigalaw ang kaliwang binti ko. It twisted in an odd angle and I can even see a bit of my bone there. It sickly reminded me of those bloody horror movies.

Naupo sa tabi ko si Nurse Isabelle at pekeng ngumiti sa akin.

"Now you need a wheelchair."

I think my jaw literally dropped.

✔Welcome to the Asylum Where stories live. Discover now