VIGINTI UNUM

400 61 17
                                    

---

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

---

SALVATION took the form of an identification card.

A gate pass.

Nang tuluyan nang maiproseso ng utak ko ang bagay na ito, mabilis kong sinubukang tumayo para makuha ang tanging bagay makapagpapalaya sa'kin sa asylum. 'Makakalabas na ako! M-Makakatakas na ako rito,' paulit-ulit na sigaw ng boses sa isipan ko. Hindi ko na namalayang tuluyan nang bumigay ang mga binti ko dala ng panghihina. I cursed under my breath when I realized how weak my body was.

Ilang araw na nga pala akong hindi kumakain. Bukod dito, sariwa pa rin ang sakit ng katawang nararamdaman ko.

'This is your only chance to escape, Asmodeus... Hindi ka pwedeng sumuko ngayon!'

Kaya sa kabila ng panghihina at sakit ng katawan, marahan akong gumapang papalapit sa pinto. Sa gitna ng kadilimang bumabalot sa silid, nakatuon lang ang atensyon ko sa bagay na 'yon. May boses na namang bumubulong sa isip ko na kung hindi ako magmamadali, mauunahan ako ng mga nilalang na nakapaligid sa'kin.

I can't let that happen.

From the corner of my tired eyes, I saw my childhood demons watching me as I struggle to reached for it.

Makakatakas na ako. Makakatakas na---

"Shit!"

Malakas akong napamura nang maramdaman kong may humawak sa binti ko. Isang malamig at pamilyar na pakiramdam ang nakapagpanindig ng balahibo ko. Something was under my bed. It wanted me to drag me into the abyss. I felt terrified with this presence. Dahan-dahan nito akong kinaladkad pabalik roon...

"B-BITIWAN MO AKO!"

Natataranta akong nagpumiglas sa mahigpit nitong pagkakahawak. Kumakayod na ang mga kuko ko sa sahig. Muli ko na namang naalala ang panahong kinakaladkad ako ng mga magulang ko papasok sa impyerno naming tahanan. Muli na namang bumalik ang mga alaalang gusto ko nang ibaon sa limot. Nanginginig na ang mga kamay ko sa takot. Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit iba ang kutob ko sa kung anumang halimaw ang naroon sa ilalim ng kama?

"BITIWAN MO AKO!"

'N-No...please... A-Ayoko pang mamatay...'

I stretched out my hand to reach for my salvation.

"BITIWAN MO AKO! HINDI AKO NASISIRAAN NG BAIT!"

The hallucinations got worse.

The world warped before my eyes, as I struggled to free myself. Rinig ko ang mahinang pintig ng puso ko, na para bang anumang oras mula ngayon, posible itong tumigil.

Pero sa isang kisapmata, bumalik sa normal ang lahat. Hinihingal kong pinagmasdan ang hawak kong ID at kabadong sumulyap sa direksyon ng kama ko. Para bang walang humila sa'kin kani-kanina lang. Napalunok ako. Nanghihinang kong inabot ang saklay kong nakasandal sa isang gilid.

✔Welcome to the Asylum Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum