SEPTEM

491 65 1
                                    

---

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---

HINDI ko alam kung ilang minuto o oras na akong natitig sa kisame ng kwarto ko. Ang tanging indikasyon ng paglipas ng oras ay 'yong unti-unting pagdilim ng paligid. It was still the 10th day of April, and fortunately, nothing else happened.

'Anong birthday party kaya ang tinutukoy sa journal?'

Gustuhin ko mang alamin ang mga detalye ng tungkol sa tinawag niyang "Little Lucy", wala nang ibang nakasulat tungkol doon maliban sa isa rin siyang pasyente dito sa Eastwood Asylum. 'April 10... This means it's her birthday today.' Pero kahit anong isipin ko, parang ang imposibleng magkaroon ng birthday party dito sa asylum. Kung mayroon man, bakit walang alam tungkol dito sina Nurse Isabelle?

Little Lucy.

Nandito pa kaya siya?

Mahina akong natawa sa naisiip ko. Who throws a birthday party inside an asylum, anyway? Wala naman sigurong batang pasyente rito. Malamang nagdedeliryo lang 'yong may-ari ng journal na 'to nang isinulat niya ang entry na 'yon.

Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mahinang pagkatok sa pinto.

Kabado kong itinago sa ilalim ng unan ko ang journal at naupo sa gilid ng kama. Mahina akong napamura nang maramdaman ko na naman ang pagkirot ng binti ko. Limitado ko lang itong nagagalaw dahil sa cast, kaya hindi muna ako makakalakad nang maayos.

Knock! Knock! Knock!

"S-Sinong nandiyan?"

Alam kong hindi sina Nurse Isabelle ang nasa likod ng pinto. Sa hindi ko maintindihang dahilan, hindi na sila kumakatok tuwing pumapasok sila sa kwarto. Para bang gusto nila akong huliin. That's why keeping this fucking journal gets me paranoid.

Just then, I saw something being slipped under the door.

A piece of paper?

Noong una, nagdadalawang-isip pa ako kung pupulutin ko ito. Kalaunan, kinuha ang saklay na nakasandal sa gilid ng kama ko at hirap na naglakad papunta roon. Paika-ika kong nilapitan ang piraso ng papel at sinubukan itong pulutin. "Shit!" Nawalan ako ng balanse at natumba. Napasigaw ako sa sakit nang maipit ko ang nabali kong binti.

The intense pain shot through me as I struggled to reach the piece of paper.

Nang makuha ko na, hinihingal akong umupo sa sahig at nanghihinang binuklat ito. Isang ordinaryong puting papel lang ito, pero hindi ordinaryo ang mga letrang nakasulat dito. Written in black printed letters, I realized it wasn't just a ramdom note.

It was an invitation...

YOU ARE INVITED TO LITTLE LUCY'S 6TH BIRTHDAY PARTY!

Where :   Room 202,
                   Eastwood Asylum
When  :   10th of April,
                   12 Midnight

✔Welcome to the Asylum Where stories live. Discover now