Chapter 42

603 17 9
                                    

My parents wanted me study abroad so I did. I know they just want what's best for me. I was heartbroken back then, and I was hurt so bad.

Nang umalis ako walang gabi na hindi ako umiyak. I would smile all day but when night comes I would cry myself to sleep. Parang naging routine ko na nga yon. Ang ngumiti sa umaga at umiyak sa gabi.

I always think of him and it pains me everytime. Minsan nga hindi ko maiwasang tanongin ang sarili ko.

Kailan kaya mawawala tong sakit na nararamdaman ko? Nakakapagod na kasing masaktan. Nakakapagod ng umiyak gabi gabi.

But.

Iniisip ko nalang na magiging maayos rin ako. It's okay to cry. Crying doesn't mean you're weak. For me, crying makes me even stronger everyday.

Kung kailangan kong umiyak gabi gabi mawala lang yung sakit na nararamdaman ko gagawin ko. Kahit umiyak ako gabi gabi ayos lang. Iniisip ko nalang na mawawala rin tong sakit na nararamdaman ko.

Maybe not now but soon.

Nag isip ako ng mga bagay na makakapaglibang sa akin. Pumasok ulit ako ng modeling,  it was hard dahil nag aaral rin ako pero nagawa ko namang ipagsabay.

Nakipagkaibigan ako, noong una ay tahimik lang ako at walang kinakausap pero naisip ko na dapat makipagkaibigan rin ako para naman may makausap ako.

"Make friends girl! Enjoy, you need that" yon ang sabi ni Klea at Hannah sa akin.

Nag uusap pa rin naman kami pero minsan na lang dahil may kanya kanya naman kaming buhay at nagiging busy din naman sila tulad ko.

"Hay ang gwapo ng ex mo ha!" sabi ni Erisse habang nakatingin sa phone niya. Nandito kami ngayon sa condo ni Erisse, nakwento ko kasi sa kanila si Tyrenn.

"Super! Jowain ko kaya yan? Fafi!" napairap nalang ako.

"Baklang to! Manahimik ka nga Kaiden. Baka sabunotan ka niyan ni Tyrra naku ka pagtutulongan ka talaga namin" natawa ako nang makita kong agad na lumayo sa amin si Kai.

"Ay huwag naman, maawa kayo sa beauty ko! Ang ganda ng buhok ko tapos sasabunotan niyo lang?" bahagya pa niyang sinuklay ang buhok niya. Inismiram lamang siya ni Erisse.

"Hindi ko siya ex okay? Alam niyo namang hindi naging kami" sabi ko.

"Ah walang label" napaismid ako sa sinabi ni Kai.

Actually, kung titingnan mo si Kaiden. Hindi mo talaga mahahalata na bakla siya. Lalaking lalaki naman siya kung pomorma. Idagdag niyo pa ang kagwapohan niyang pinagkakaguluhan rin.

"Siya pa rin talaga eh no?" I can't help but to smile.

After all these years, still him. Masasabi kong nakapag move on na ako sa nangyari noon pero sa kanya? I never did. I never even tried to. Kasi kahit anong gawin ko, siya pa rin talaga. Hindi ko talaga siya magawang kalimutan.

"Ang sabi mo dati na siyang playboy diba? When you came, he change. But then you left and now he's back to being a playboy again. Ang dami niyang nakaka issue na babae ha grabe mga model pa talaga" napapailing na sabi ni Erisse.

"Hindi naman yan seryoso. Sayo lang ata nagseryoso si fafi Tyrenn" tumango naman si Erisse bilang pag sang ayon sa sinabi ni Kai.

"Tama ka diyan bakla!" at nag appear pa silang dalawa.

"Pansin ko lang, parang trip ni Tyrenn yung mga model no? " makahulugang sabi ni Erisse. Hinablot ko naman ang buhok niya at sinamaan siya ng tingin.

"Aray! I'm just saying bakit ba?" natatawang sabi ni Erisse.

"By the way guys" napatingin naman silang dalawa nang magsalita ako.

I'm Inlove With The Campus HeartthrobOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz