Chapter 1

6K 119 4
                                    

Where it all started

"Hi there my bestfriend" nakangiting sabi ni Klea.

"Oh hello, what's up?" sabi ko.

"Well? I was thinking to go to the mall. You know, to buy some stuffs and ofcourse to have a date with you. What do you think?"

"That's a good idea. Since pasokan na rin natin bukas, let's go" masaya kong sabi.

She's Klea Jasmine Santiago, my bestfriend. Isang maganda at mabait kong kaibigan.

Pagkapasok pa lang namin sa mall ay ramdam ko na agad ang mga matang nakatingin samin. Well nothing's new and anyways I'm already used to it.

"Goodmorning ma'am!" bati ng isang saleslady nang makapasok kami sa isang fashion botique.

"Goodmorning" I replied.

Nag ikot ikot muna kami hanggang sa may napili kami at binayaran ito sa counter.

"Keep the change" nakangiting sabi ko.

"Thank you so much ma'am. I hope you like it in here and come back again next time." nakangiting sabi ng cashier.
_

Ang sinunod naming pinamili ay mga school needs and then nagpunta kami sa food court para kumain.

"What's your order ma'am?"

"Ahm 2 boxes of pizza, 2 large fries sour and cheese flavor, 1 small bucket of chicken, 2 strawberry shaved ice and then dessert? black sambo that option A"

"That's all your order ma'am?"

"Yes that's it thank you" naupo muna kami sa pang dalawahang upuan habang naghihintay sa order namin.

"Here's your order ma'am" sabi ng isang waiter at inilapag yung mga inorder namin.

"Thank you"

"You're welcome ma'am" aniya tapos umalis na. Nagsimula na kaming kumain.

"Hmm ang sarap, mauubos ko talaga toh for sure" sabi ni Klea habang kumakain. Hindi ko napigilang matawa.

"Ikaw pa eh ang takaw mo kaya" natatawang sabi ko, sinamaan naman niya ko ng tingin.

"Oh ano? totoo naman ah matakaw ka naman talaga. I'm just stating the fact here" napasimangot siya.

"Oo na matakaw na ko pero atleast may katawang maipagyayabang ako noh! Over my hot gorgeous body" pagmamalaki niya.

Oo nga kahit gaano pa katakaw itong bestfriend ko hindi ko pa rin talaga mapigilang humanga sa pangangatawan niya. I must admit my bestfriend is one gorgeous woman.

"Hay naku bess hindi na talaga ako magtataka kung isang araw bigla ka nalang tumaba"

"You wish! That won't ever happen" natatawang aniya natawa na rin ako.

"Okay sabi mo eh" sabi ko at inubos ang natitirang pizza.

"Ikaw nga diyan bess eh. Buti talaga at hindi ka tumaba noh?" natatawa niyang sabi.

"Syempre ako pa. Over my hot gorgeous body"

"Bestfriends" sabay naming sabi at nag appear. At dahil hindi namin maubos ang fries nagtake out nalang kami at lumabas na ng mall.

"Magpunta kaya tayo ng park? Tagal na nating hindi nakakapunta don eh" sabi ko.

"Oo nga mabuti pa magpunta tayo ngayon"

"Yeah" sabi ko at pumasok na kami sa sasakyan.

"Let's go kuya" sabi ko kay manong driver.

"Yes ma'am" sabi nito at nagmamaneho na. Habang nasa biyahe napag usapan namin ni Klea ang tungkol sa first day of school namin bilang fourth year high school sa Asias Academy.

"Ihinto mo muna ang sakyanan kuya" at gaya ng sabi ko agad niyang inihinto ang sasakyan.

Napatingin ako sa labas "Tara?" sabi ko kay Klea na tumango naman bilang pagsang ayon.

Habang naglalakad kami, daldal lang siya ng daldal at ako naman nakikinig lang sa kanya habang kumakain ng fries at sumisipsip ng hawak kong strawberry shaved ice.

"Sa pagkakaalam ko sa Asias Academy nag aaral ang mga membro ng bulletproof" pagkukwento niya.

"And so?" sabi ko at kumain ng fries.

"Fourth year na sina Tyrenn at Zarren habang third year naman sina Chris at Ethan ngayong pasokan" napa ahh nalang ako.

"Girls nandito daw sila Tyrenn"

"Oh my geez asan? tara puntahan na natin"

Tama ba ko ng pagkakarinig? Nandito ang bulletproof?

"Bes narinig mo yon?" tanong ko kay Klea.

"Ano yon bes?" mukhang di niya ata narinig or baka naman mali lang ako ng pagkarinig.

"Wala ang ganda ko kamu" sabi ko nalang.

"Hayy naku ang hangin mo bes ah" natawa nalang ako.

"Kyaaaaaaaaahhh"

"Waaaaaaaah"

"Ang gagwapo niyo poooo"

"Ano naman yon?" tanong ni Klea nang makarinig kami ng sigawan.

'Sila kaya yon?' sambit ko sa isipan. 'Eh pake ko naman? Like duh!'

"Hayaan mo na, hindi ka pa nasanay eh palagi namang may nagsisigawan dito" sabi ko nalang.

"Umupo nga muna tayo" sabi ni Klea sabay turo sa may bench na nakapwesto sa ilalim ng puno.

"Sige mauna ka muna may titingnan lang ako saglit" sabi ko at tumango naman siya kahit na may pagtataka ay nauna na siya.

Ano kaya yung pinagkakaguluhan nila don? Curiosity kills talaga ha. Ang ingay naman kasi ehh, binalewala ko nalang yun at tumakbo na ko papunta kay Klea pero sa di inaasahan ay may nakabangga ako na...
_

Hello, thanks for reading. Please don't hestitate to vote, comment, share and follow me too thank you!

I'm Inlove With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now