Chapter 14

1.9K 61 3
                                    

Tyrra's  P. O. V :

Puro pagpapakilala lang ang naganap ngayong hapon. Hindi tulad nung umaga na may kaunting discussion.

Nabanggit din samin ng advisor namin na may magaganap daw na 'Asias Academy Night'  this coming friday night.

Kinakabahan na nga ako sa mangyayari eh, haysst.

Hindi naman na nabanggit ni ma'am kung anong mangyayari pero ang sabi niya ay pag uusapan nalang daw yun bukas dahil magdidiscuss pa daw sila about don.

Nung uwian na ay sabay sabay naman kaming naglakad ni Klea papunta sa parking area. Tinawagan ko na din si manong driver na magpapasundo na kami. Sa di kalayuan ay nakita ko naman ang mga mean girls kasama si Hyrra.

'Tsk bakit ba ko pinupunterya neto? Lintek na babaeng yan! Inaano ba yan ha?!'

"Ayy ba naman yan! Sila na naman? ano bang problema ng mga yan at ang hilig hilig nilang mangharang? tss" singhal ni Klea.

"Para silang mga basura na kung saan saan pakalat kalat, ano ba yan!" dagdag pa niya.

"Bakit ba kasi nila ko pinupunterya? Wala naman akong ginagawa sa kanila" naiinis na sabi ko.

"Tch siguro inggit lang yan. Inggit lang yan sa beauty mo hahaha nasobrahan ka kasi sa ganda bes haha ano ba yan!"

"Ehh pinagsasabi mo diyan?" nakangiwing sabi ko.

"Ahh basta ramdam ko lang, naiinggit lang yan sayo haha" natatawang sabi niya.

"Hahaha hanep naman sa lakas ng pakiramdam mo ah?!" natatawang sabi ko.

"Sa ganda ko ba namang toh? hehe ayy ayan na pala sila tsk!" biglang inis na sabi niya.

"Oh looks who's here?!" sarkastikong sabi ni Hyrra.

"And looks who's here? psh. You know what? your like a trash, scattered like everywhere ha!" sarkastikong sagot naman ni Klea.

'Minsan talaga may pagka maldita din tong bestfriend ko haha pero mabait naman talaga siya at the meantime. Huwag mo lang talaga siyang gagalitin'  Okay back to the scene.

"What are you doing here anyway?" malumanay na sabi ko, nagtawanan naman sila.

'Seriously, now what's funny?'

"Hoyy mga baliw! tigil tigilan niyo nga kami ha. Tabi nga diyan tse! aksaya kayo ng oras" sabi ni Klea at hinila ako.

Akmang lalampasan na sana namin sila nang biglang higitin ni Hyrra ang braso ko kaya naman inis kong nilingon ang kamay niyang yun.

"Bitiwan mo nga ko!" singhal ko sa kanya at inis na hinablot ang braso ko.

"Hey where are you two going? I'm not done talking to you yet. Tatalikuran niyo ko? alam niyo bang nakakabastos yun ha?" sarkastikong sabi niya pa.

"Bored ka na naman ba?" inis na tanong ko.

"Hahahahahaha!" tawanan ng mga kasama niya.

"Ha, you think so?" sarkastiko pa ring sabi niya.

"Tch kung nabobored ka na naman sa buhay mo wala na ko don atsaka kung bored ka huwag mo akong paglaruan para lang mawala yang boredom mo!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Oh really? pano ba yan, nag eenjoy ako sayo eh hahaha sorry not sorry. Bitch!"

"Wow? at ako pa talaga ang bitch niyan ha? puro ka nalang 'bitch bitch'  diyan, best of word mo ba yan?" naiinis na sabi ko sa kanya.

"'Bitch'  lang naman kasi ang kaya niyang sabihin tch!" sarkastiko namang sabi ni Klea.

"W-what? how dare you bi--t---"

"'Bitch'  na naman?" sarkastikong sabi ni Klea na natawa pa ng peke. Kahit ako natawa rin 'hahahaha'.

"Shut up! so what do you care ha?! You. Don't. Fucking. Care!" hindi ko nalang siya pinansin at tatalikod na sana ako ng biglang.

"Aahhhh----arayy!" sigaw ko nang biglaan niyang hablutin ang mahaba kong buhok.

"Bes!!! Hoyy bruha bitawan mo siyang bwesit ka!!! arrggh--- ano ba! bitawan mo nga ako!!! arrrayyyyy ano baaaa!" sigaw naman ni Klea, gusto ko siyang lingonin pero hindi ko magawa dahil sa pagkakahablot ni Hyrra sa buhok ko.

"Shut up arggh--- you're too noisy oh my gosh! So irritating ggrrr" dinig kong sabi ng isa sa mga kasama ni Hyrra.

"Aaahhhh----" sigaw ko pa nang halos mapatingala na ko sa taas dahil sa pagkakahablot niya sa buhok ko.

"Huwag mo sabe akong talikuran diba? Mahirap ba yung intindihin ha? Or baka naman gusto mo pang i translate ko in english-- ha?" sigaw niya sa mismong tenga ko, napapikit nalang ako sa sobrang lakas.

"Arrgghhh--- H-hyr---raaaaa! b-bitawan m-mo k-ko arghh--" sigaw ko nalang.

'Argghh-- ang sakit sakit ng pagkakasabunot niya, kainis! Parang matatanggal na yata ang utak ko neto'

"Aaaahhhh---" sigaw ko pa.

"Ayan ganyan nga! Sige sumigaw ka pa ng sumigaw hahahaha. Hindi kita bibitawan hanggang sa magmakaawa ka na sakin" nakangisi niyang sabi.

'Gusto ko na talagang maiyak sa sakit ng pagkakasabunot niya tsskk! Ano ba kasing nagawa ko at ginaganito niya ko huhu ang sakit!!!'  hanggang sa may naramdaman akong tubig na tumulo galing sa mata ko. Ramdam ko na talaga ang pangingilid ng luha ko.

"An-no b-bang--- n-nagawa k-ooo aahhh-- I-inaano ba k-kit-ta!" sigaw ko na naman.

"BITAWAN NIYO KO SABEEEEEE EHHH!!!!" malakas na sigaw ni Klea.

"Gawwwdd your too loud argghh yan---" at may narinig akong bumagsak sa lupa.

"Arayyyy!" dinig kong sigaw ni Klea.

"Guurlllsss!" pang aagaw atensyon ni Hyrra sa mga kasama niya.

"Yeeesss?"

"Hawakan niyo toh!" sigaw pa ni Hyrra na idinuro pa ko.

"Suuuuurrreee do"

"Arrr--raay ano baaa bitiwan niyo ko!" pagpupumigalas ko nang hawakan nila ako sa magkabilang braso.

"Bitiwaaann niyoooo siyaaa!" sigaw ni Klea.

"The hell?! Ang ingay ingay mo! Hawakan niyo rin yan daliiii!" utos ni Hyrra sa mga kasama niya, nasunod naman ang mga toh.

"Inaano ba kita ha?" tanong ko sa kanya.

"Well hahaha huwag mo nalang alamin!" sabi niya atsaka***.

***PAAAAKK***

"Aaaaahhhh!" napasigaw nalang ako sa sakit na pagkakasampal niya.

"Does it hurt? hmnn?" nakangising sabi niya.

Kanina pa kami dito ahh? bakit mukhang wala namang tao na dumadaan? 'wala ba talagang tutulong samin?'

"I'm asking you, does it hurt?" pag uulit niya.

"Siguro?! Hindi mo pa ba naranasang masampal? Oo masakit!" sarkastikong sabi ko at pilit pinapatapang ang boses.

"Aahh gusto mo pa?" nakangising tanong niya.

"Huwag!" pigil ni Klea, inis naman siyang nilingon ni Hyrra at tiningnan ng masama.

"Ingay please?! haysst tsk saktan niyo yan!" utos niya pa sa mga kasama niya tapos humarap naman siya sakin at***

***PAAAAAKK*** sinampal niya ko ulit. Napatabinge pa ko sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya.

'Feeling ko parang nadudugo na ang pisnge ko sa sakit!'

Hinawakan niya ko sa baba atsaka hinarap ulit sa kanya.

"Ohh ano?" nakangising sabi niya, hindi naman ako kumibo.

"Gusto mo pa?" tanong niya atsaka akmang sasampalin pa ko nang may biglang sumigaw***

"Stop!!!"  kilala ko ang boses na yun. Boses ni....
_

Thank You for reading! Please don't hestitate to Vote and Comment!

Votes and Comments are highly appreciated. lovelots!

I'm Inlove With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now