Chapter 31

1K 31 2
                                    

It's been a month simula nung nililigawan ako ni Tyrenn. Hatid sundo niya ako palagi. Nasanay na rin ako sa araw araw na sigawan at tilian ng mga studyante kapag pumapasok kami sa school. Alam na rin ng buong campus na nililigawan ako ni Tyrenn. Nung una maraming nagalit sa akin, may naglagay pa ng basura sa locker ko. May naglagay ng bubble gum sa upuan ko buti nalang talaga napansin ko. May time pa na may nagtapon sa akin ng itlog habang pababa kami ng hagdan kasama ko si Klea non. Nakakainis yung pinaggagawa nila!

How could they do those things?

Pero nandiyan naman si Tyrenn para bantayan ako at syempre ang buong membro ng bulletproof. Pinaalis lang naman nila dito sa Academy ang mga gumawa sakin non. Hindi na rin ako tumutol kasi di ko naman sila kayang pigilan.

"Uy bes punta tayo sa gymnasium" napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Ano namang gagawin natin don?" bigla namang dumating si Hannah at naupo sa tabi ko. Nandito kasi kami ngayon sa Canteen at nakain ng lunch. Kami lang dalawa ni Klea ang nagsabay kumain ng lunch nagpaalam kasi sila Tyrenn at mga kaibigan niya kanina na may gagawin daw sila.

"Basta sis sige na pumayag ka na punta na tayo ron" pangungulit ni Hannah.

"Ayaw ko nga! Babalik na ako sa room pagkatapos nito tsaka mag rereview pa ko. Bes may long quiz tayo mamaya remember?" napangiwi naman silang dalawa sa sinabi ko.

"Aish kahit huwag ka ng magreview matalino ka naman na eh. Kahit pa hindi ka mag review masasagot mo pa rin yun tsaka maaga pa naman mamaya pa yung start ng class" sabi ni Klea.

"Oo nga naman sis" pagsang ayon ni Hannah, napailing nalang ako.

Hays pinagkakaisahan ba ko ng dalawang toh? Nakakapagod kayang maglakad hindi ba alam nila yon?

"Tara na, I'm sure you will like it. Alam ko na yang nasa isip mo tinatamad ka na namang maglakad ano? tss tara na huwag ng kill joy" may choice pa ba ako?

Kahit nakakapagod maglakad sumama na rin ako at nagtungo kami sa gymnasium. Teka bakit ang tahimik naman? Wala naman atang tao rito eh.

"Sigurado kayo? Wala naman atang tao rito eh" sabi ko habang nakatingin sa malaking pintuan papasok sa gymnasium.

Lumipas ang segundo nagtaka naman ako ng wala akong makuhang sagot paglingon ko wala na sila. Saan naman kaya yon? Hays nakakainis! Pinilit nila akong magpunta rito tapos iiwan nalang nila ako bigla? Tss very wrong!

Kung anong trip nila sa buhay tse bahala sila! Argh! Makabalik na nga lang sa room namin. Maglalakad na sana ako paalis ng may biglang humawak sa kamay ko at may nagpiring sa akin. Agad akong nagpumigalas. Biglaan at masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ko na nagawang lingonin pa kung sino ang humawak sa kamay ko.

"Who the hell are you?? Let me go ahh! ano ba nasasaktan ako!" ang higpit ng pagkakahawak sa kamay ko.

"Shut up!" boses babae ang narinig kong sumagot.

"Sino ka? saan mo ako dadalhin??" may narinig akong bumukas na pinto tapos naglakad kami papasok. Kung hindi ako nagkakamali pintuan toh papasok sa gymnasium.

Pinaupo niya ako tapos naramdaman kong kumawala ang may hawak sa kamay ko kaya agad ko namang ginamit ang pagkakataon na yun para tanggalin ang nakapiring sa akin. Nakarinig ako ng pagtugtog ng kanta. Minulat ko ang aking mga mata at inis na lumingon lingon sa paligid. Napaawang ang aking bibig nang makita ko ang buong membro ng bulletproof sa stage.

Boy with love by BTS has been played. Unang kumanta si Zarren.

Modeun ge gunggeumhae How's your day
Oh, tell me (oh yeah oh yeah, ah yeah ah yeah)
Mwoga neol haengbokhage haneunji
Oh, text me (oh yeah oh yeah, oh yeah oh yeah)

I'm Inlove With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now