Onse

6 1 0
                                    

Kimienly Zen P.O.V

Hindi talaga maganda ang gising ko. Siguro dahil sa kulang ng tulog. Ginising na nga ako ni Kesh. Malalate na kasi kami. Sumasabay lang kasi sila sa akin dahil hindi pa napadala yung mga kotse nila dito. Pero sinabihan ko na lang si Inang na ibigay sa kanila ang isang susi ng sasakyan ko. Kaya nauna na silang pumunta sa eskwelahan. Wala talaga ako sa mood ngayon. Wala nga akong balak pumasok. Pero kailangan baka kasi maka abot pa eto ky papa. Mahilig pa naman magsumbong si ate. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na ano para kumain. Wala na aiguro aila kuya at ate dahil may pasok din sila pareha ang aga pa ng sched ng dalawa kaya madalang na lang kami magkita kita kahit nasa iisang bahay kami.

Oh iha kain ka na! Sabi ni Inang Dhelia sa akin. Kasambahay at nagpalaki sa aming tatlo.

Opo Inang. Di naman ako malalate neto no. Bahala na nga basta kakain na muna ako. Yan si Inang Dhelia simula ng magkamulat ako siya na yata ang kasama naming magkakapatid. Kaya malapit ang loob ko dyan. Wala siyang pamilya at kami lang ang tinuring niyang pamilya. Maski nga si mama si Inang ang inaasahan na mag alaga sa amin dahil busy siya sa botique niya kung saan saan. Si papa busy din sa company niya. Kaya madalang kaming magkakasama samang pamilya.

Habang kumakain ako naiisip ko na naman si Xion. Grabe parang ayaw niya ng umalis sa aking isipan. Napangiti naman ako sa aking naiisip ganon talaga siguro kung mahal mo yung tao. Kaya nagmadali na akong tapusin yung pagkain ko. At nagpaalam na kay Inang.

Inang aalis na ako kayo na pong bahala dito sa bahay a. Sabi ko sa kanya at nagmano.

Mag iingat ka iha. Mag aral ng mabuti. Sabi din niya sa akin.

Opo Inang! Sinserong sabi ko.

Dumeretso naman ako sa garahe at sumakay sa aking kotse na bigay ni papa sa akin noong mag 17 ako.
Pinaharurot ko naman ito papuntang paaralan. Ilang minuto din ang ginigol ko sa daan para maabot ang paaralan. Nagmadali naman akong lumabas at nilock yung kotse ko. Lakad takbo yung ginawa ko para maka abot sa classroom ng biglang nag vibrate yung cellphone ko. Agad ko naman itong tiningnan. Laking gulat ko ng makita yung nagpost sa instagram. Si Xion yun kaya dali dali kung tiningnan tung post niya. Kung kanina nagulat ako ngayon naman gulat na gulat.

"My source of happiness." Basa ko sa caption neto na may❣️ puso pa talaga. Biglang may kung ano sa aking sarili na nag shuttered. Ayaw ko ng ganito feelings. Ang sakit sobrang sakit. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Bumuntong hininga ako at naglakad papuntang bench para umupo saglit.

Walang pumasok sa aking isipan kung ano ang aking gagawin. Kaya sinalampak ko na yung headset ko sa aking taenga at hinilig ang aking ulo sa bench na aking inuupuan para piliting mag isip.

Ilang sandali din ang tinagal ko dun saka ako tumayo para pumunta sa classroom. Nakaheadset pa rin ako ng dumating ako sa pintuan ng aming classroom. Tinupak ako kaya sinipa ko yung pinto. Hindi naman ganon kalakas pero kumilabog pa. Wala akong balak tingnan yung mga kaklase ko o di kaya yung mga kaibigan ko. Wala na kasi talaga ako sa mood. Kaya naglalakad na akong papuntang upuan ko.

Are you okay bitch! Bulong sa akin ni Kriz. Hindi ako nagsalita sa kanya kaya umayos na siya ng upo. Pumasok na yung guro namin kaya tinanggal ko na yung headset ko at nakinig. Pero hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ng guro namin tungkol sa science. Hate ko pa naman na subject na to. Dahil siguro lutang ako kaya hindi pumapasok sa aking utak ang sinasabi ng guro.

Hanggang sa sinabihan ako ni Kesh kung meron ba ako ngayon. Kaya pala kasi nilagyan nong asungot na Damolag/Mr. G.G.S.S na yon. Nagkasagutan pa kami kanina. Tapos nagkakatinginan pa kami ni Zach. Kasi nga dapat intindihan ko siya pero sumosobra ang gago kaya galit na galit ako kanina. Dumeretso ako sa kotse ko kasi wala akong bagay na nilagay sa locker ko dito. Baka kasi mawala pa. Nagpalit ako ng pantalon kasi ang laki talaga ng pagkakahulma ng ketchup na nilagay ni Damolag. Pagkatapos non di na ako bumalik sa classroom baka kasi madamay pa yung ibang kaklase ko dahil sa tupak ko sa ulo. Dumeretso na lang ako sa garden kase yun lang ang alam kung tahimik na lugar para mag isip. Sinalampak ko yung headset ko at umupo sa damuhan sa ilalim ng isang malaking puno malapit sa mga bulaklak. Amoy na amoy ko ng bango ng mga naggagandahang bulaklak dito sa garden. Pinikit ko pa ang aking mata at hinilig ang aking ulo sa puno. Nag iisip isip ako tungkol kay Xion at kay Damolag. Ilang oras din akong nakatulala ng biglang may lumabas na salita sa aking bibig.

Half Of MeWhere stories live. Discover now