Lima

10 2 0
                                    

First Day of School


June 01 2019

Macnion Gem Reyes P.O.V.

Nagmamadali na akong kumilos dahil 20 minutes na lang late na ako.

Kung bakit ba kasi hindi ako ginising ni mommy. Yan tuloy nagmamadali na ako. Gigil kung sabi sa kawalan.

Lagot din yang si ate Lovely na yan di man lang nagsoundtrip tuloy hindi ako nagising. Dinamay ko talaga si ate kasi routine niya kasing magsoundtrip sa umaga bakit hindi ngayon.

Bw*s*t din na alarm clock yan e weak na pala kaya di tumunog. Wrong timing talaga silang lahat... Bumaba na ako ng hagdan na inaayos pa din ang belt ko. Nagmamadali na ako tapos makikita ko pa si mommy na tawa tawang tumingin sa akin. Anong akala niya sa mukha ko ngayon nakakatawa.

Hyst grabe ka talaga mommy! Sabi ko sa isip ko

O here you are my Prince! Ba't ka nagmamadali late ka na ba anak? Tawa ng tawa niya pang sabi. Pinandilatan ko na talaga siya dahil sa inis ko kung bakit di niya ako ginising. Malalate na ako nito.

Ayan kasi yung sinasabi ko sa inyo dapat responsable na kayo. Ayaw niyo na nga tawaging baby e. Kaya bahala na kayo! Nakapout niyang sabi. Pero ako ito kumukuha na lang ng sandwich dahil malalate na ako sa school na para bang hindi ko yun narinig ang kaniyang mga sinasabing pangaral sa akin.

Mom! Alis na ako. Humalik na ako sa pisngi niya at umalis na ko ron. Wala si Dad dahil panigurado nandoon na siguro sa company niya. Kaya kay mommy na ako nagpaalam.

Amping prince! Pasigaw na sabi ni mommy sa akin.

Sumakay na ako sa kotse ko dahil may license na naman na ako. Si daddy kasi ang gumawa ng paraan para magkalicense ako kahit hindi pa ako 18. Ano pa nga ba ang magagawa ko e pera yung pinapagalaw niya kaya madali lang. Nakarating din ako mga ilang minuto din ang lumipas papuntang academy. Pagmamay ari ito ng Reyes pero may mga stockholder eto. Sa tagal kung nag aral dito di ko pa nakikilala ang nagtulong tulong para mapatayo tong school nato. Nilock ko muna yung kotse ko at agad na tumakbo patungong quadrangle dahil panigurado nandoon na ang Guidance Counsilor na mismong Lola ko. Ayaw pa naman non na nalalate ako baka kako daw maspoil ako kung hahayaan niya ako dahil apo ako ng may ari. Gaya ng sabi ko late n talaga ako kasi pang lima na yung binasa ni lola na schools regulation and policy. Kaya nagdahan dahan na lang ako sa paglalakad para di niya ako mapansin na late ako sa unang araw ng klase. Pagkarating ko sa linya. Oo nakalinya talaga sila para daw may disiplina ang mga estudyante. Kasi daw sa panahon na umusbong ang makabagong teknolohiya saka naman na daw nawalan ng disiplina ang mga batang 20's. Di ko sila masisisi dahil makikita mo talaga ang kaibahan sa 90's people kayaa sa millenials ngayon.

Oy dude! Bat late ka ha? Ani ni Zach na nasa unahan ko. Nakalinya din. Walang excuse si lola

Nalate ng gising e. Di ako ginising ni mommy.

Ang sabihin mo di na naman nag alarm kaya ganyan? Singit din ni Roi na parang nag aasar sa tono ng kanyang pananalita. Natinag ako ng biglang lakasan ni lola ang kanyang boses.

Ten, transferees can wear their uniform after two weeks. So that means you are free to wear anything right now. Ang dami pang sinabi ni lola bago niya kami papapuntahin sa kanya kanyang classroom. Syempre kasama ko na naman ang mga kaibigan ko, classmates kasi kami ngayon kahit dati naman classmates kami. Pagkapasok namin sa classroom maingay pa dahil wala pang teacher. May nagbulong bulungan pa nga nong pumasok kami. Hindi na namin pinansin ganun naman na kasi sila palagi. Wala ng nagbago. Umupo na kami sa hulihang upuan dahil may tatlong magkadikit dikit na upuan kaya minabuti na naming magkatabi. Hindi kasi talaga kami mapaghiwalay. May tatlong vacant seat sa unahan namin at may nakasulat sa tatlo na

Half Of MeWhere stories live. Discover now