Upat

13 3 0
                                    

Kimienly Zen Alcantara P.O.V

Lumipas ang limang araw simula ng dumating kami dito sa bohol. Ang ganda ng view dito hindi siya ganon kaingay at saka hindi ganun ka polluted kaysa sa manila na natuluyan namin noong isang araw bago kami pumunta dito.  Nakapag lilibot na rin kami sa lugar dito lang din malapit sa amin. Subdivision din kasi yung lugar gaya ng tinitirhan namin sa US di na ako magtataka kung ang mga tao ay responsible gaya ng sa US. Ang purpose kasi ng mga taong nasa subdivision ay ang mapanatilihin ang ganda at linis ng subdivision. Then the next day of staying here ay nagpa enroll na ako sa isang pribadong paaralan. Gusto ko sana sa public school kaso ayaw naman ni papa. Gusto ko kasing masubukan yung simple lang yun bang walang kinalaman sa yaman.

Ano kayang magandang gawin ngayon? Bored na kasi ako sa kwarto ko e? Sabi ko sa sarili ko na nakaharap sa human size na salamin.

Hmm! What if pupunta ako ng mall mamimili ng gamit total sa lunes ay klase na naman! Ah sige yun na lang para makagala din ako. pagkatapos kung magmuni muni ay kumuha na ako ng tuwalya sa cabinet ko tapos pumasok na din sa banyo para makaligo tapos magtoothbrush na din. Pagkatapos kung gawin yun ay humarap na muna ako sa salamin dito sa aking kwarto at naglagay ng cream sa mukha. Tapos light blush on at tinuyo ko na yung buhok ko. Sunod kung ginawa ay nagsuot ng simpleng white shirt na may markang USA din sa pang ibaba ay nag jeans lang ako. Tapos purple rubber shoes tapos umalis na ako ng bahay.

(Sa mall)

Naglibot libot pa ako bago ako pumasok sa national bookstore dito. Binili ko na yung kakailanganin ko tapos lumabas din. Pumasok ako sa isang restaurant na eat all you can ang sabi. Di nga ako nagkamali ng pinasok dahil nandito lahat ang pinag mamayabang nilang masasarap na native pinoy dishes. Gaya ng native adobong manok, bola bolang puso ng saging, lumpiang gulay atp. Hindi siya kagaya ng ibang restaurant na iseserve nila ang pagkain ni norder dito kasi ikaw ang kukuha ng iyong kakainin tapos lumapit ka lang sa kanila pagkatapos mo para bayaran yung kinain mo. May nakasulat pa sa dingding na " Kay nisalig man kamo sa among resto maong nisalig sa mi ninyo mga hinigugma kung customer."  ( You trust our resto thats why we trust you back our beloved customer.)  Bilib ako sa restaurant na to dahil responsable yung mga costumers nila kukuha sila ng pagkain pagkatapos kainin ay babayaran din ganon sila ka honest. Pagka upo ko sa isahang upuan na dala ang aking pagkain na nagustuhan ay saka ko pa lang nilibot ng tingin ang restaurant at masasabi kung ang ganda ang ambiance tapos relaxing din. Hindi mo rin mararamdaman ang init dahil well ventilated yung area. Kung sa labas ka  naman tiitngin ay makikita mo ang nakapalibot na mga punong kahoy at higit sa lahat may mga langgam na lumilipad galing sa isang puno papunta sa kabila puno.

Wow! Ang ganda. Parang paradise lang ah. bulalas ko pa dahil sa pagkamangha ko sa lugar. Natinag ako sa paglilibot ng tingin sa lugar ng may magsalita.

Ah! miss? Sabi ng isang estranghero sa akin. Kulay kayumaggi ang balat niya pero ramdam ko yung appeal niya kahit di ko pa siya kilala.

Yes! What is it mister? Sincere kung sabi sa kanya..

Unsaon na lang ni ron english mn diay ni   si gwapa? Bulong niyang sabi pero dinig kung naman ang kaniyang sinasabi at higit sa lahat naiintindihan ko din siya. Sinabi niya kasing paano  daw niya ako kakausapin e nag eenglish ako sa kanya. Din gwapa is a term in bisaya describes beautiful sabi sa akin ng tutor ko dati. Kailangan kasi naming aralin ang lenggwaheng english, tagalog, at bisaya. Kaya noong nakita ako ng mga bitches ay na aliw din sila kaya gaya ko nagpaturo din sila pero pure talaga silang american citizen ky kung magsalita ng tagalog ay may accent. Nakakatuwa ngang pakinggan. Ako kasi ay may dual citizenship dahil si papa ay pinoy pero pinanganak akong US kaya di ko din naranasan mamuhay dito sa Pilipinas. Pero proud ako na pinoy na ako.

Half Of MeWhere stories live. Discover now