CHAPTER TWENTY ONE ( FLASHBACK III )

14 2 0
                                    

Continuation....................

ICE POV

Umayos ako ng upo matapos magkapag isip isip...... Masama talaga ang pakiramdam ko hindi ko alam kung dahil sa panahon ito o dahil sa tinamo kong malalim na sugat noon... Tsssssk lumalamig na naman kase ang panahon kaya parang sumasakit na naman ang likod ko dahil sa bagay na nakakabit sa loob ng spinal cord ko... "Tsssssk tiisin mo ice, yan ang dulot sayo ng mga taong pinagkatiwalaan mo pero sila ding nagkalulo sayo" wika ko sa isip ko, napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa dibdib ko, muling nagbalik saken ang katotohanan na lalong nagpasama sa sitwasyon ko ngayon....

FLASHBACK............

Narito ako ngayon sa bar ni benneth at tumutungga ng vodka... Hmmmm walang pinagbago ang lasa masarap pa din..

Napapabuntung hininga ako sa bawat lagok ko ng alak.. hindi ko alam kung ano pa ba ang pwede kong gawin para matapos na lahat lahat ng gusto kong gawin at magkaroon na ako ng normal at maayos na buhay..... Gusto ko na kung anong meron ako ngayon.. kahit mahirap ay masaya ako pero batid ko sa sarili ko na di ako matatahimik hanggat di ko nalalaman ang nakaraan, nakaraang nakadagan sa dibdib ko hanggang ngayon.. " pag nalaman mo ice ano na gaganti ka?" Tanong na nabuo sa isip ko... Ang gusto ko lang ay malaman kung sino sino ang nasa likod ng naganap na trahedya noon sa akin saka ko na iisipin kung gaganti ba ako o hindi ... Ang alam ko lang narito pa din ang galit at sakit na iniwan saken ng pangyayaring yun....

Simula nung araw na iminulat ko ang mga mata ko matapos ang mahabang pagkakatulog ay ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ule ako magpapadalos dalos sa lahat ng gagawin ko... Masyado pa din kase akong bata noon, madaling magtiwala at maniwala... Pero ngayon iba na , ibang iba na........

"Laurent"- tawag saken ng pamilyar na tinig.. nag angat ako ng ulo at sumalubong saken ang mukha ni Bexley na seryosong nakatingin saken...

"Anong kailangan mo?"- walang gana kong tanong..

"May gusto akong sabihin"- nakayuko nyang wika..

"Sabihin mo na"- walang kwenta kong tugon...

Umupo sya at sandaling huminga ng malalim...

"Aaminin ko na mali ako ng ginawa ng araw na yun.. sa maniwala ka at sa hindi ang tanging ka trayduran lang na nagawa ko sayo ay yung ituro kita sa kanila pero bukod doon wala na akong kinalaman sa lahat ng ginawa nya"- si bexley na nakayuko at parang hirap na hirap magsalita...

"Anong ibig mong sabihin?"- ako sabay lagok ng alak

"Pumunta sya saken nung araw na yun tinanong ka nya sa akin kaya sinabi ko kung saan ka naglalagi hindi ko alam na ganun ang balak nyang gawin. Nagulat na lang ako ng bumalik sya sa condo ko at sabihing patay kana. Wala akong alam sa mga ginawa nila yun ang totoo ice"- si bexley

"Sinong sila?"- patay malisya kong sagot....

"Si........... S- ---- si Ridge"- mahina nyang tugon..

Biglang nanginig ang mga kamay ko at hindi ko naituloy ang pag inom sana ng alak , naibagsak ko sa mesa ang bote ng napakalakas dahilan para mabasag ito at mapatingin saken lahat ng nandoon..

"Laurent! Anong nangyayare dito?"- tanong ni benneth na patakbong lumapit saken...

Hindi ko sya pinansin at tumingin ako ng deretso kay Bexley....

"Si Ridge? Sigurado kaba sa mga sinasabe mo ha?"- gigil na tanong ko

"Siguradong sigurado ako. Alam ko na posibleng hindi mo ako paniwalaan pero yun ang totoo, walang dahilan para magsinungaling pa ako sayo. Matapos kitang makita uli dito noong isang linggo"- mahabang wika nya

HER STORY Where stories live. Discover now