CHAPTER SIXTEEN ( LONG NIGHT III )

22 2 2
                                    

LEIGHTON'S POV

Pagkatawag na pagkatawag saken ni Lindsay ay agad kong pinalipad ang kotse ko patungo sa ospital.. I know something is wrong sa boses pa lang ng kapatid ko .....Pag uwe ko sa bahay galing sa date namin ni Angela nagtaka ako kung bakit wala pa si Lindsay kaya tinawagan ko sya ng ilang ulit but she didn't answer kaya si tatay ben ang tinawagan ko pero hindi rin sinasagot kaya nagsimula na akong mag alala at eto nga naririto na ako sa ospital.. Mabilis akong pumasok ospital pagka parada ko sa kotse ko .. tumakbo ako papasok ng lobby at agad kong nakita si Lindsay sa first aid area na ginagamot ng isang nurse...

"LINDSAY!!"- malakas na tawag ko sa kanya...

"Kuya!!!!"- tumayo sya at yumakap saken ng makalapit ako sa kanya..

"What happened to you? Where is Tatay ben?"- sunod sunod na tanong ko...

Kinuwento sa akin lahat lahat ni Lindsay kung paanong hinarang sila ng limang lalaki at binugbog si tatay ben at kung paanong may isang babae na tumulong sa kanila... Tssssssshh gigil na gigil ako habang nagkukwento si Lindsay halatang halata na natrauma sya sa nangyari dahil nanginginig ang mga kamay nya... Naiinis ako sa mga taong gumawa neto kay tatay ben at lindsay di ako papayag na di nila pagbayaran to...

"Nasaan yung babaeng tumulong sa inyo?"- tanong ko kay lindsay..

"Pinuntahan si tatay ben kuya"- mahinang wika nya.

"Don't worry baby, kuya is here"- wika ko sa kanya at niyakap uli sya...

"I'm so scared kuya"- iyak nya ule.. hinagod hagod ko ang likod nya saka pinatahan syang umiyak..

"Okay na po sir"- sabi nung nurse na gumagamot sa kanya...

"Thank you!"- wika ko... Sa kabilang ospital dinala sila lindsay nung babae kaya di pa alam ni mom, kung sa Atienza Hospital sila dinala paniguradong lagot kami kay mommy.. tsssshhhh

"Kung wala si ate ice doon baka kung ano na ang ginawa nila samen"- muling wika ni lindsay..

"Ice?"- nagtatakang tanong ko... Tssssssk coincidence kapangalan nung weirdong babae...

"Oo kuya si ate ice yung tumulong samen.. Sobrang galing nya talaga kuya grabe may mga babae palang mahusay sa mga ganung situation nuh... i want to be like her"- wika ni lindsay na hangang hanga sa tinatawag nyang ice....

Napangiwi naman ako sa sinabi nya...

"Ayos kana ba?"- mamaya ay may nagsalita sa likuran ko.. muntik pa akong mapalundag sa gulat..

"Ate Ice!!"- tawag ni lindsay sa taong nasa likuran ko... Unti unti akong lumingon at halos malaglag ang panga ko ng makilala ko yung tinawag ni lindsay na ate ice... YUNG BABAENG WEIRDO... Sya ang nagligtas sa kanila???!!! Natutulalang sabi ng utak ko.. lumapit si lindsay sa kanya...

"Kuya she's ate ice"- pakilala ni lindsay sa kanya....

"Kilala ko sya"- wala sa sariling usal ko...

"Really?!"- nanlalaki ang mga mata ni lindsay na lumapit saken..

"Classmate ko"- wika ko....

"Omy!!! totoo ate ice?"- baling nya sa babaeng weirdo

"Hmmm"- maikling tugon nya..

"By the way ate ice my name is Lindsay Aurelia Atienza and this is my kuya Leighton Austin Atienza... Thank you very much sa pag save samin ate"- pakilala ni lindsay samen, saka sya yumakap kay ice at nagpasalamat.. tsssssssh...

"Austin?"- nagtatakang ulit nya sa pangalan ko...

"Baket?"- takang tanong ko...

"Austin pala pangalan mo"- wika nya na nakatingin saken.. muntanga ang bwesit...
Di nya pala alam pangalan ko tsssssh..

HER STORY Where stories live. Discover now