CHAPTER NINE (PARTNER?)

11 2 0
                                    

LEIGTON'S POV

"GOODMORNING HANDSOME LEIGHTON" Masayang sigaw ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.. Pssssh ang gwapo gwapo ko talaga walang kupas. Tssk tsssk tsssk. Masaya akong natulog kagabi kahit hindi masyadong maganda ang araw ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang pangit na exenang yun kahapon. Umiling iling ako ng paulit ulit para alisin sa isip ko yung panget na pagmumukha nung babaeng yelo 😁😁😁. Ngayon ang araw ng pagbawi ko sa aking Angela myloves.. Yieee wala pa kinikilig na ako, ma imagine ko pa lang ang maamo nyang mukha para na akong dinuduyan sa alapaap. "Napakaswerte mo Leighton Austin". Tatawa tawa kong wika sa sarili ko.. Napatalon ako sa gulat ng pag gawi ko sa likuran ko ay andun ang kapatid kong ubod ng arte na si Lindsay.

"Psssh ano ginagawa mo dito?"- ako na nakakunot ang noo sa kanya..

"Kanina kapa pinapatawag ni mommy sa baba antagal tagal mo daw bumangon. Your so mabagal talaga kuya"- lindsay habang niroroll ang eyeballs nya..

"Tssk ang aga aga pa eh 6am pa lang kaya"- ako

"Whatever.. just hurry and cut your daydreaming my big brother. Kung di ka lang gwapo iisipin kong your gay."- maarteng wika nya.

"Aba't! , Matutu ka ngang kumatok bago pumasok sa may kwarto ng may kwarto"- inis kong singhal sa kanya.

"Tse! Just hurry up okay. I'm hungry!!!!!!"- Sigaw nya habang pabagsak na isinara ang pinto ng kwarto ko...

Lokong yun pumapasok basta basta sa kwarto ng may kwarto.. Lindsay is my little sister.. 2 yrs ang pagitan ng edad namin pero kung kausapin nya ako ay parang magkaedad lang kami. Psssh maarteng bata.. Lumaki kami ni Lindsay na si mommy ang laging kasama because dad is always busy.. Family business, lagi syang kasama ni lolo sa mga business trip kaya ang madalas na kasama namin ay si mom , but mom is a doctor so minsan talaga wala kaming kasama ni Lindsay kundi si Nanay  Yoly at Tatay Ben na nagsilbing tagapagalaga namin, kahit kasambahay sila dito ang turing namin sa kanila ay pangalawang magulang. We both understand na para samin din naman ang ginagawa ni mom and dad at kahit busy sila sinisiguro naman nila na andyan sila sa mga okasyon sa buhay namin na talagang importante... I'm very lucky to have a beautiful family...

"KUYA!!!" Dinig na dinig ko ang sigaw ni Lindsay sa labas ng pinto ko.. nilock ko na kase ang pintuan ng kwarto ko baka bigla na namang pumasok ang batang yun.

"I'm coming!"- balik sigaw ko..
Binilisan ko na ang pagligo at pag susuot ng damit na babagay sakin tssssk sinuklay ko na lang ng kamay ko ang bagsak na bagsak kong buhok.. Iba talaga pag gwapo kahit di magsuklay gwapo pa din 😁😁😁... Pababa na ako at papunta na sa dining room ng marinig ko ang boses ni lindsay at mommy.

"Alam mo mommy feeling ko bakla si kuya"- si lindsay...

"Lindsay don't say that to your kuya"- si mom...

"Eh kasi mommy nakita ko si kuya nag iimagine sa harap ng mirror nya sa room nya"- maarteng wika ni lindsay.

"Your kuya is not a gay baby. Finish your food na"- si mommy

Sabay pasok ko sa dining area.

"Huy lindsay di bakla ang kuya mo. Sa gwapo kong to magiging bakla ako sayang ang lahi"- ako

"Austin wag mo ng patulan ang kapatid mo"- pananaway ni mommy saka isinandok ako ng breakfast.

"Thanks mom."- ako

"Late kana daw nakauwe kagabi sabe ni manang"- si mommy

"May tinapos lang kami mom"- pagdadahilan ko..

"Basta wag mong dalasan ang pagpapagabi okay?"- mom

"Yes mom 😊"- ako

"Bilisan nyo ng dalawa at malelate kayo sa school. Austin magdahan dahan ka sa pagmamaneho di kumo may license kana eh di ka mag iingat"- pagbibilin ni mom.

HER STORY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon