CHAPTER THIRTEEN ( CONFUSED )

11 2 0
                                    

LEIGHTON'S POV

Naiinis ako ng hindi ko maintindihan simula nung pangyayari sa gym kanina habang nagbibigayan ng uniform at id's.. Kitang kita ko kung paano bully-hin nung mag kapatid na Hattie at Haven yung babaeng wierdo syempre pinanood ko lang sila, away ng mga babae yun eh... Tssssh nakakatuwang panoorin na nagbago ang reaction ni weirdo sa ginawa ni Hattie sa kanya.. From poker face to irritable face hah!! Kaya naman palang magka emosyon ang mukha bat di madalas ginagawa... Weirdo nga talaga.... Tssssssh ang kinaiinis ko ay yung sagot nyang "Isaksak sa lalamunan nyo".... Tssssh nakaka buset ang babaeng yun... Anong karapatan nyang sabihin yun sa mga yun eh di naman nya ako pag aari... "Ginagawa mo na namang big deal austin"sabi ng isang bahagi ng utak ko... "Basta naiinis ako sa sinabi nya wala kang pake" sagot ng isa... Para na akong tangang nakikipag away sa sarili ko....

Nakaupo na ako dito sa room at nag aantay na kame ng susunod na klase.. Si zano busy sa binabasa nya tsssssh feeling genius ang loko, si shiro busy kakabutingting ng cellphone nya adik ang bwesit... Ako eto nakikipag away sa sarili ko... Pinagmasdan ko ang upuan sa tabi ko na walang nakaupo... "Hindi ba yun papasok?"tanong ko sa sarili ko... Panay panay ang pagsulyap ko sa pintuan bawat pumapasok ay napapalingon ako... Tssssshhh ano bang nangyayari sayo austin, nababaliw kana ata talaga.. nadidinig ko din na nagtatawan tong bakla naming kaklase, si rayne at yung kaibigan ng weirdo.. Maingay ang bwesit di man lang napansin na wala yung kaibigan nya... Isa pang weirdo tsssk tsssk tsssk napapailing akong sumusulyap sa kanya tapos babalik ang paningin ko sa pintuan na halatang may inaantay.. Gusto kong pigilan ang ulo ko sa kakalingon pero parang may sariling utak na nagkukusang tumingin sa pinto kada may papasok... Tsssssshhhh.....

Maya maya pa pumasok na si sir sa room at nagsibalikan na ang mga kaklase ko sa kanya kanyang upuan... "Nag absent nga talaga" mahinang bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa upuan sa tabi ko... Psssshhh...
Nagsimula na ding magturo si sir at dahil calculus ang subject syempre naeenjoy ko ito kung meron mang paborito ko ay mga numbers iyon 😁😁😁....





FAST FORWARD.....

Mabilis na natapos ang klase namin kaya nagsipag ayos na ng gamit ang lahat... Tumayo na din ako at bago ko pa namalayan ang sarili ko nakatayo na ako sa harap nitong kaibigan nung weirdong babae..... Nasapo ko ang noo ko ng tumingin sya saken...

"Yes? May kailangan ka labanos?"- nakataas ang kilay na wika nya.....

"Ah--hhh eh--hh a-no, ano kasi"- uutal utal kong sabi... Mukha na talaga akong tanga..

"Anong ano? Deretsuhin mo kase nakakaloka ka duhh"- maarte nyang wika...

"Tsssssh wag na nga!"- inis na singhal ko.. aalis na sana ako ng magsalita sya...

"Kung si Ice ang itatanong mo sumama ang pakiramdam nya dahil sa mga fans mo na kamukha ni joker"- mahabang wika nya habang nag aayos ng gamit nya...

"Ano naman ngayon sakin, wala akong paki sa kaibigan mong weirdo"- akmang tatalikod ako ng pigilan nya ang balikat ko saka tinapik tapik iyon..

"Wag kang mag alala papasok na yun bukas, haha kung ako sayo wag kang masyadong halata tol"- tatawa tawang wika nya sabay alis....

Bwesit bwesit talaga... Bat kase naisipan ko pang lumapit sa isang yun.. Pareho silang magkaibigan mga abnormal 😖😖😖

"Austin!!!!"- tawag saken ni shiro ... Inaantay na pala nila ako ni zano... Tsssssh patakbo ako lumapit sa kanila...

"Tara na"- yaya ko sa kanila.. Naglakad na kame pababa sa hallway...

"Kanina kapa distracted bro."- wika ni zano

"Oo nga tol kanina kapa namin napapansin na ang lalim ng iniisip"- shiro

HER STORY Where stories live. Discover now