CHAPTER SEVENTEEN ( LONG NIGHT IV )

20 2 2
                                    

MAIH' S POV

Para akong tangang nakangisi ngayon dito sa pintuan ng bahay habang pinagmamasdan si Ice na tanawin si labanos na umalis...Duhhh pano ko nalamang si labanos ang kasama nya malamang sa puti nyang yun magliliwanag sya sa dilim... Hahahahaha char lang... Syempre nakita ko at alam ko ang kanyang sasakyan nuh, matalas ata ang memorya ko.... DUHHH...

Pag uwe ko dito sa bahay kanina nakakaloka walang tao!!!! Ang buong akala ko ay nagpahinga tong magaling kong kaibigan matapos pumunta sa paborito nyang tambayan ang KIL ERRS bar like duhhhh pero ayun at pagbukas ko ng pinto wala nganga ako lang pala ang tao...

BTW di talaga ako natulog agad dahil syempre curious ako kung anong klaseng ka weirduhan na naman ang nasagupa ng mala Bonifacio kong kaibigan.... Araw araw exciting ang buhay nitong babae na to eh, kaya eto ako sa may pintuan nakatayo at naka cross arms habang hinintay syang pumasok... Syempre nung nakita kong lumingon sya sa gawi ko na nakakahanga dahil naramdaman nya talaga na may nakatingin sa kanya.. IKAW NA ICE!!! hahahhahahaha nagkunware akong walang pakialam sa kanya.... Naglakad na sya papasok ng bakuran then sa bahay... Nakaupo na ako sa sofa at inaantay syang tuluyang makapasok sa bahay... Hahahahaha "ayan na maih kunti na lang" parang tangang kausap ko sa sarili ko.. Walang pakialamanan bat ba... Maya maya pa ay naupo na sya sa katapat kong sofa at isinandal ang ulo nya at pumikit... Pagod na pagod ang loka, ano namang kayang ginawa nila ni labanos... Hahaha oh wag madumi ang utak nyo duhhhhh.. okay this is it magtatanong na talaga ako.....

"Anong tinitingin tingin mo dyan?"- magtatanong na sana ako kaso biglang nakaramdam tong yelo kong kaibigan...

"Haha taray lakas ng pakiramdam"- ako

"Kanina mo pa ako tinititigan sa labas"- 😑 sya syempre habang idinilat ang mata at tumingin saken..

"Hahahaha kala ko nakalusot ako like duhh icey... Alam mo naman kung ano itatanong ko diba.. Naglakwatsa kaba kasama si austin?"- curious kong tanong..

"Malamang hindi"- maikli nyang tugon..

"Eh baket anong oras kanang umuwe ngayon duh wag ako icey ha"- ako

"Galing ako kay benneth nakipagkwentuhan lang"- sya

"Ulol!!! Sinong niloko mo nakipagkwentuhan sa lugar na yun? Naku naku icey wag ka saken umarte na nagpakabait ka sa bar nun.. I'm 100% sure na may naganap na mainit na sagupaan ng mga atapang atao dun hahahahahahaha"- mahaba kong wika habang tumatawa...

"Alam mo naman pala bat nagtatanong kapa"- sarkastikong wika nya...

"Alam ko yung sa bar but ang di ko alam eh bakit magkasama kayo ni labanos? Ano?"- ako na naghihintay ng sagot nya... Im so excited hahahaha....

"Wala may nangyari lang"- sya

"Ay punyeta ka!! Pabitin ka naman sabihin mo na kase nakakainis ka"- ako

"Parehong pareho kayo ng kapatid mong chismosa"- sya

"Likeee duhhh lamang ako ng ganda at ka sexy han dun nuh... Sabihin mo na kase"- pamimilit ko...

"Pauwe na kase ako naabutan ko yung kapatid nyang pinagtitripan nung mga siga dyan sa kabilang kalye.... Binugbug pa ang kasama nung bata na driver yata nila kaya tinulungan ko, kunting skills lang naman ang kailangan ipagkakait ko pa tsssssk. Dinala ko sa ospital yung pinagtripan nila tas nalaman ko na lang na kapatid ni austin yung babae"- naka poker face nyang kwento..

"Omg kaloka naman pala ang mga taenang tambay dyan sa kanto nakakaloka sila mga walanghiya ang taena"- ako

"Buti kung tambay nga eh mga estudyante yun sa tingin ko di ko lang alam kung saang school.. Kapatid pa ni Wilson yung isa tssk tssk tssk.. Mga menor de edad pa lang gag* na"- sya

"SI WILSON YUNG TINALO MO DATI SA PUSTAAN?"- gulat na gulat na tanong ko..

"Oo.. tssk kelangan isigaw mo sa harap ko"- mataray na wika ni ice..

"Ay taena pag gag* ang kuya gag* din ang kapatid ganun"- ako na na nangingiwi..

"Pero teka so kapatid nga ni labanos ang tinulungan mo? Eh kamusta sya saka yung manong?"- ako

"Ayos naman yung kapatid nya.. Si manong may fracture ata sa balikat pinalo kase ng tubo nung mga siraulo"- ice

"Anak ng bwesit na mga yun mga walang galang tssssk"- ako

"Babalian ko na nga sana ng daliri yung isa kung di lang dumating yung paepal na si Wilson sinira pa ang linyahan ko ang taena"-ice

"Anak ka ng tipaklong nasa ganong sitwasyon kana yang kahanginan mo pa din ang umiiral.. Grabe bilib na bilib ako sayo..."- ako

"Tsssk para cool."- sya.

"Bwesit!!!! Oh eh maiba ako di ka ba nagtataka icey lagi kayo pinagtatagpo ng tadhana ni labanos"-pang aasar ko...

"Pwede ba maih wag madumi ang utak mo, nagkataon lang yun."- nakakunot noong wika nya...

"Hahahaha naisip ko lang naman na meant to be kayo ni austin isang labanos isang mustasa hahahaha taray bahay kubo ang teamsong nyo hahahahahahahahahaha" - tawang tawang wika ko...

"Austin pala pangalan nun"- maya maya ay wika nya..

"Oo austin wag mong sabihin na di mo pala alam ang pangalan nya eh nakailang introduce yourself tayo duhhh"- ako...

Walangya talaga tong kaibigan ko...

"Hindi nga.. kanina ko lang nalaman"- ice

"Ay taena ka talaga"- ako na di makapaniwala sa kaeng engan nya..

"Kaya pala masama ang tingin nya saken sa gym kanina, sya pala yung austin na pinagpuputok ng butchi nung dalawang mukhang clown"- parang timang na wika ni ice....

"Ay anubayan icey nakipagsagutan kanat lahat sa dalawang kamukha ni joker ni hindi mo pala kilala yung tinutukoy nila.. NAKAKALOKA KA TALAGA.. TO THE HIGHEST LEVEL ANG KA WEIRDUHAN MO!!"- sigaw ko sa kanya..

"Sa wala akong pakealam eh"- sya na nagpagpag ng sarili.. mukhang matutulog na ang reyna..

"Oh matutulog kana? Di kana ba kakain?"- ako

"Bukas na.. pagod na pagod ako gusto kong magpahinga."- ice ...

Tumayo na sya at naglakad patungo sa kwarto nya.. Mukhang napagod nga ang loka..

"Sige pahinga kana pala"- ako

"Ge. Una na ako matulog"- sya

"Okay goodnight Bonifacio"- pang aasar ko hahahahah..

"Ge lola bashang"- ganti...

"Pakyu ka ice"- ako....

Di na nya ako pinansin at dere deretso na sya sa kanyang silid.. Oh sya hayaan ng magpahinga ang aking kaibigang bruha... Tssssk ang isa sa ugali ni ice na ayaw na ayaw namin kapag wala syang pakialam.. Wala talaga syang pakialam.. Haayy kelan kaya may dadating na tao na babaguhin o pupukawin ang interes ng isang Maria Aichel Laurent Yu.. How i wish si labanos na yun 😂😂😂😂....

Kinuha ko ang phone ko at itinex ko ang bruhilda kong kakambal..

To panget;
HOY MIRIANA TENLEIGH KELAN KA UUWE DITO? IKAW NA BAHALA KAY ICE HA.

Yan ang laman ng txt ko.. di ko alam kung baket ganyan ang naisip kong itext but i feel something is going to happen to me...

Hindi ko na inantay magreply si Miriana at nag tungo na din ako sa aking silid para makapagpahinga na......

HER STORY Where stories live. Discover now