CHAPTER FIVE (TEASING YOU II )

18 4 0
                                    

ICE POV

Continuation........

Tawang tawa akong lumakad palayo ng music room at iniwang namumula sa galit yung maputing lalaki.. Tsssk kitang kita sa pagmumukha nya na naiinis sya kase yung mukha nyang maputi unti unting pumula lol... Malapit na sana akong maiyak sa sobrang ganda ng boses ko 😏😏 kaso naramdaman ko na may mga matang nakatunghay saken.. Malakas pa rin pala ang pakiramdam ko tsss "wala ka paring kupas" kausap ko sa sarili ko.. Mabuti na lang talaga at dumating yung lalaking yun kung hindi nalunod na naman ako sa sarili kong kalungkutan.. Binasag nya ang moment ko tssssh nakaka distract ang paraan nya ng pagtingin na animoy inaaral ang bawat sulok ng mukha ko.. Hindi ako asumera o anuman talagang malakas lang ang pakiramdam ko... Gusto kong matawa sa reaction nya nung mahuli ko syang nakatulala at kinakausap ang sarili nya.. Katawang lalaki pero ugaling babae...Iiling iling kong wika.. Pero salamat na lang sa kanya at di natuloy ang walang kwenta kong pag dadrama.. 😑😑😑

Pumasok na ako sa classroom at umupo sa upuan ko at saka pumikit.. Napadilat ako nung biglang may kumalabit saken.. Bumungad ang pagka lapad lapad na ngiti ni maih.. 😁😁😁
Tinulak ko sya ng bahagya saka umusod ng kunti palapit sa bintana.

"Tsssh" -ako

"Woi Icey bat antagal mo sa labas ha?"-maih

"Pake mo ba"- walang kwenta kong tugon.

"Nagtataka din kase ako halos 30mins kang wala, pasalamat ka at vacant pa naten kundi yari ka"- maih

"Tsssh pake mo ba kase"- ako....

"Alam mo kase my dearest friend may napansin lang ako.. Sa dinami dami ng tao dito sa class naten kayong dalawa lang ni Mr. Labanos ang wala dito... Ya know I smell something" - mahabang paliwanag nya..

"Hanep! At yan talaga ang napansin mo"- ako...

"Aba oo naman nuh.. duhh kanina pa kita inaantay pero wala namuti ang mata ko tapos nung tignan ko yang the arina boys kulang sila"- maih

"So inisip mong magkasama kame?" - inis kong wika... Antaba taba talaga ng utak ng isang to.

"Yes nemen.... Hahahaha bakit possible naman yun diba hahahahahahahaha"- sabe nya habang malakas na tumatawa.. Nakakahiya ang taena..

"Pwes nagkakamali ka"- malumanay kong sagot..

"So san ka nga nanggaling?"- pag-uusisa nya pa

"Sa music room"- ako

"Saan?"- maih

"Sa music room"- ulit ko

"Anong ginawa mo dun?"- maih 🤨

"Kinausap yung mga gamit dun"- ako😑

"Pakyu ka ice!"- maih

"Anlakas ng boses mo"- singhal ko...

"King ina mo kase sumagot ka ng maayos duhhh"- inis na wika nya

"Ano bang ginagawa sa music room tsssk"- ako

"Alam mo straight to the point kase masyado ka kasing pabitin letse ka"- maih

"Tinipa ko yung piano"- ako

"Ayon... So ano ?"- maih

"Maayos naman"- ako

"Ay bwesit alam kong maayos mga gamit doon Ice nuh duhhh ano nangyare i mean!"- maih 🤨

"Ano ba gusto mo marinig na kumanta ako tapos sinabihan ako ng mga gamit doon na wow ang galing mo kumanta. Taenang yan"- ako

"Hahahahahahaha gaga bala ka nga dyan.. pakyu ka ansarap mo kausap talaga"- maih..

Sabay tayo nya at balik sa upuan nya.. Malapit na kase mag last subject....

Sya namang pasok nung lalaking maputi..

Nakasimangot sya habang nakatingin sa pwesto ko... Sinamaan ko sya ng tingin saka pumikit ule.. Nahimigan kong naguusap sila ng mga ka tropa nyang mapuputi din lol..

"Hoy leighton saan ka galing"- yung mukhang japanese...

"Your face look shit tol"- yung chinese guy

"Tssssk magtigil nga kayong dalawa nababadtrip ako"- si puti

"Hahaha lagi naman eh.. bat ba ansungit mo na naman?" - japanese boy..

" BWESIT KASI MAY EPAL AKONG NADAANAN SA MUSIC ROOM!" - malakas na wika ni puti..
Kaya alam ko na narinig yun ng buong klase at ng intrimitida kong kaibigan... Tssssskkk..

"Ano epal?"- japanese boy

"Who?"- chinese boy

"Basta... Pangit na epal"- si puti...

Wow wagas makalait tol... "King ina mo boy puti"... Pagmumura ko sa utak ko.. tsss kailangan sabihing panget napaka isip bata... Palibhasa napahiya kanina.. maya maya may naramdaman akong tumabi saken...

"Woi Ice may di ka sinasabe saken"

Sino pa ba yan syempre si maih... Tsssk

"Di mo ba talaga ako titigilan?"- ako

"Pano di ka nag kukwento"- reklamo nya..

"Lumayas ka nga sa harap ko nananakit ulo ko sayo."- ako

"Basta mamaya ha"- maih

"Tss. Layas"- ako

"Huy upuan ko yan!" At biglang dumating si boy puti... Taena mas sasakit ata ulo ko..

"May nagsabi bang inaagaw ko duhhh!" - mataray na wika ni maih.. Pinatulan pa talaga nya...

"Alis!"- masungit na wika ni puti

"Duhhh ayan na ohh isaksak mo sa lalamunan mo"- sabay tayo ni maih...

"Abnormal!!!"- ganti ni puti..

"Boy arina!!!"- maih... 😝😝😝

Tsssssk saka nya dinilaan si boy puti na naiwang nakamulagat ang mata... Tsssk tsssk tsssk iba talaga pag pinanganak na gwapo kahit papangitin ang mukha gwapo pa din... Di ko sya pinupuri nagsasabe lang ako ng totoo...
Nakangisi akong pumikit ule...

"Anong ngini ngisi ngisi mo dyan ha?"- inis na tanong nya... Hanep akala ko tapos na eh....

"Wala."- ako...

"Pinagtatawanan mo ba ako?"- puti

"Tsssk pwede ba"- ako...

"Nakakainis ka ang yabang yabang mo kababae mong tao.. Babae ang mukha mo pero mas magaspang pa sa lalaki ang ugali mo"- lintanya nya...

"Ayaw mo yun bagay tayo"- pang aasar ko... Ewan ko ba kung bakit pinapatulan ko ang kaabnuyan ng isang to..

"ANO! YUCK Over my dead body!" - wika nya na parang nandidiri pa..

"Tsssh OA"- Ako...

OA ang taena eh...

"Weirdo!"- puti

"Pikon"- ako....

"Wag mo na nga ako kausapin! Letse ka"- puti...

Di ko na sya sinagot at umiinit na din ulo ko... Lakas ng shapak ng isang to... Sya tong kausap ng kausap saken tapos ako ang sisisihin.. Siraulo ang put* .....

"Easy Ice napapaligiran ka ng mga taong kulang kulang.. kalma lang"

Pag kukumbinsi ko sa sarili ko.... Mukhang tama nga si maih hindi magiging madali ang gagawin naming pag aaral dito sa ACADEMIA... Tssssssk nagdilang demonyo yung magaling kong kaibigan.. Mukhang kailangan kong magbaon lagi ng madaming madaming pasensya para makontrol ang sarili ko.... Wew Goodluck sayo self... Natatawang kausap ko sa sarili ko.... Saka umayos sa pagkakaupo dahil dumating na ang guro namin sa huling subject.....








HER STORY Where stories live. Discover now