CHAPTER EIGHTEEN (FLASHBACK )

18 2 0
                                    

After 3 weeks.........................

AUSTIN POV

Maaga akong nagising dahil maaga kaming aalis ngayon.... May camping ang seniors at soon to be seniors.... Halos mag iisang buwan na noong magsimula ang klase.. at 3 weeks ko ng pinipigilan ang sarili ko na lalong mapalapit kay Ice.. tsssssk "Paano mo gagawin yun austin eh magkapartner kayo sa subject na music psssh".... Ewan ko ba pero simula nung araw na niligtas nya ang kapatid ko at si tatay ben, nung inihatid ko sya sa bahay nila ay hindi na sya mawala wala sa isip ko... Kahit ako naguguluhan na sa sarili ko, at nitong mga nakaraang tatlong linggo pilit ko syang iniiwasan... Kahit si shiro at zano nagtataka sa mga kinikilos ko.... Tsssssk.. Simula noong araw na yun nagkaroon ng malaking parte sa pagkatao ko na gustong makilala si Ice.. yung ang pinipigilan ko..... Hanggat kaya ko....

Maayos na ang kalagayan ni tatay ben ngayon at lindsay... Mabuti na lang at hindi malala ang tinamo nyang bali sa balikat at dahil naging OA si mommy nung araw na yun sinabi nya kay daddy at lolo ang nangyare kaya may isang bodyguard na kasama si lindsay lage at tatay ben na syang lalong ikinainis ng kapatid ko hahaha... Nagpapasalamat ako ng sobra kay Ice dahil kung wala sya doon baka hindi na namin kasama si tatay ben at lindsay, who knows kung ano ang kayang gawin ng mga siraulo na yun.. At tulad nga ng sinabi ni ice di na nagpakita ang mga lokong yun.... Nung gabing yun sinabi ko sa sarili ko na gusto ko syang mas makilala... Alam ko paulit ulit ako pero yun talaga ang gusto ko kaya lang natatakot ako na baka pag mas makilala ko sya ay lumalim pa ang kagustuhan ko at mauwe sa........ Psssssshhh.......

Ginulo ko ang buhok ko ule dahil sa mga iniisip ko.. "isip nga lang ba austin? Eh ano yung inarte mo sa ospital noong araw na dumalaw si ice" Kontra ng kabilang isip ko.. Anak ng naisingit pa talaga yun ni ayaw ko na nga yung maalala.........

Flashback........................

Mag iisang linggo na si tatay ben na naka admit dito sa ospital na pinagdalhan sa kanya.. Hindi na nagabala si mom na ilipat sya sa kabilang ospital dahil parehong maganda naman ang serbisyo dito at sa AMH... Public hospital to pero daig pa ang private sa ganda ng serbisyo at ang pinaka gusto ko ay yung inuuna ang buhay kesa sa pera, naisip ko sana lahat ng ospital ganito..

Naging routine na namin ni lindsay na pagkatapos ng school ay dederetso dito sa ospital para bantayan saglit si tatay ben. Nakakapasok na si lindsay at kinuhanan sya si mom ng bodyguard.. wala din namang magawa si lindsay kahit sabihin nyang di na kailangan dahil utos ni lolo at daddy na nasa Canada para sa business..
Nagbabantay kame ngayon dito ni shiro, zano at lindsay, syempre kasama namin si nanay yoly.... Napukaw ako sa pag iisip ng magsalita si nanay yoly...

"Austin nak, pwede bang iwan ko muna kayo sandali at uuwi muna ako para manguha ng extrang gamit ng tatay mo"- nay yoly..

"Sige po nay , ako na po bahala kay tatay ben"- sagot ko...

Kasalukuyang nagpapahinga si tatay ben at mahimbing ang tulog...

"Dito muna kayo mga anak ha at ako'y uuwe muna bibili na lang ako ng meryenda pagbalik ko"- paalam ni nay yoly, saka lumabas ng kwarto ni tatay ben...

"Ingat po!"- pahabol ni shiro at zano....

"Wag kayong maingay!!"- sita ko sa kanila...

"Ang sungit mo namang nurse"- biro ni shiro..

"Pffft"- zano at lindsay..

"Tangne mo shiro"- ako sabay balik sa pagbabalat ng orange para pag nagising ni tatay ben may kakainin sya...

"Lindsay, bumaba ka nga sa cafeteria ng ospital paubos na kase tubig ni tatay ben"- utos ko kay lindsay...

"Tssssssh ikaw na lang kuya"- reklamo nya..

HER STORY Where stories live. Discover now