Lumuhod ako sa harapan nya at inayos sya.

Bakas sa muka nya ang sakit at hirap. Umiling ako, hindi si Kevin 'to.

"Kevin.. wake up." Sabi ko.

Pumayat sya, ngayon ko lang napansin, lumaki ang eyebags nya. Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko.

"Kevin.. I'm here." Sabi ko.

Gumalaw yung kamay nya, at unti-unting dumilat yung mata nya.

"Kyou?" Oh My God! He's totally broke.

"Kevin. Why did you drunk all this?" Mahinahon kong tanong, tumabi ako sakanya habang hinahawi ang buhok nya.

Sumandal sya braso ko at hinawakan ako ng mahigpit.

"To let the pain go away." Sabi nya.

"Kevin.." Tawag ko, nagulat ako ng marinig ko ang mga hikbi nya. Niyakap nya ko ng mahigpit.

"It hurts, it really hurts, I don't want to lose you Kyou." Sabi nya.

"Kevin.."

"Am I not enough for you?" Nahirapan akong huminga sa tanong nya.

"Kyou.." Tawag nya sakin, iniwas ko ang tingin ko sakanya.

Hindi ko kayang tignan ang Kevin na nasa harapan ko ngayon. Ibang-iba sya sa Kevin na nakikita ko.

Ito ba sya kapag gabi?

Ganito ko na ba sya nasasaktan?

"I love you." Sabi ko. Naramdaman kong umiling sya.

"That's not the answer Kyou, minsan mahal natin ang isang tao, pero hindi parin sya sapat dito." Sabi nya.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko, ano bang dapat sabihin para mawala yung sakit na nararamdaman nya?

Kinuha ko yung isang bote sa lamesa at ininom ang laman nito. Nawawalan ako ng lakas.

Hinarap ko si Kevin, sinalubong ko ang mga tingin nya.

Biglang umangat sa ulo ko yung beer na nainom ko ng makita ko ang sakit sa mga mata nya.

Iniharap ko sya sakin.

"I'm sorry."Sabi ko, pero mukang mali yung sinabi ko dahil yumuko sya at nakita kong nanginginig ang balikat nya.

"I'm not eno-"

"NO! I'm sorry, It's just that..there's just..ah.. Kevin." Hindi ko masabi, at hindi ko rin alam kung anong gusto kong sabihin. "Sorry." Sabi ko.

Natawa sya sa sinabi ko.

"Minsan, saying sorry will hurt me more." Sabi nya sakin. Umiling ako.

"Hindi ko gustong saktan ka--"

"Sino bang may gustong makasakit Kyou?" Tanong nya.

"Kevin.."

"Sorry if I'm acting weird." Sabi nya, iniangat nya yung muka nya at ngumiti sakin.

"Kevin.."

"Sorry." Sabi nya,ngumiti sya pero kita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya, tumayo sya at napakahawak sa pader.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong nya.

"I don't know." Sabi ko.

"Pinaglalaruan nanaman tayo ng tadhana." Sabi nya, tumayo narin ako para makalevel nya.

"Kevin, ayos ka lang ba?" Tanong ko, lasing na lasing kasi sya.

"Sooner or later, makakaalala kana." Sabi nya. Hindi ako nagsalita.

May gusto syang sabihin sakin.

"Sooner or later, sasaktan mo nanaman ako." Sabi nya.

"Sooner or later, iiwan mo nanaman ako." Dagdag nya pa.

"Kevin, I don't know what you're talking about."

"Sooner or later, mababaliw nanaman ako sa sakit, kailangan ba talaga na masaktan ako ng ganito?" Napaupo sya sa upuan tsaka yumuko. Nanatili akong nakatayo at nakatingin lang sakanya.

"Kailangan ba lahat ng mamahalin ko, mawawala sakin? Kailangan bang parusahan ako ng ganito?" tanong nya pa.

"Kung ganun, edi sana hindi na lang ako nagmamahal, ang hirap kasi." Narinig kong pumiyok sya.

Gusto ko syang yakapin, gusto ko syang halikan, gusto kong sabihin ang mga bagay na gusto nya marinig, pero parang may isang malaking pader na nakahadlang samin.

He's close to me, pero parang ang layo-layo nya sakin.

Nandito ako pero parang hindi nya ko maramdaman

Kevin..

"Mahal na mahal kita Kyou, pero bakit.. bakit mo ko kailangan iwan ulit?" Nagulat ako sa sinabi nya, gusto ko magsalita, gusto ko magsalita! Bakit..

Bakit walang lumalabas sa bibig ko!?

"Mahal na mahal kita, pero talagang hindi tayo ang para sa isa't-isa." Sabi nya.

"Ya..yamete." Bulong ko, biglang lumabas sa bibig ko, parang may takot akong mapakinggan galing sakanya.

"Kyou.."

"Yamete, yamete." Bulong ko.

"I love you so much." Sabi nya. Tumingin sya sakin ng nakangiti. "Please.."

Nakita ko sa mga mata nya na nagmamakaawa sya.

"Don't leave me." Sabi nya.

"Ke..Ke.. Kevin, what are you doing?!" Gulat kong tanong sakanya dahil lumuhod sya sa harapan ko.

"Kyou.."

"Kevin stand up, don't kneel! Kevin!" Sigaw ko, pinilit ko syang itayo pero umiiling lang sya.

"Let me, Let me. Hayaan mo kong iparamdam sayo yung pagmamahal ko." Sabi nya. "Hayaan mo kong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal, hindi naman 'to aabot sa isang buwan, Please Kyou."

"KEVIN STAND UP!" Sigaw ko, nadudurog ang puso ko sa nakikita ko.

Bakit kailangan nyang magmakaawa sakin?

Bakit kailangan nyang lumuhod?!

Bakit kailangan nyang umiyak!?

Bakit sya nasasaktan?! Naguguluhan na ko.

"Kyou.. Please, promise me. Isang promise na lang.."

"Kevin,please.. Stand up." Sabi ko. "I can't watch you like this." Sabi ko pa.

"Pilitin mong wag makaalala sa loob ng 28 days, please Kyou. Pigilan mo." Sabi nya.

Lumuhod narin ako para makita sya. Iniangat ko yung muka nya at hinawakan ko sa magkabilang pisngi.

"May tinatago kaba sakin? You don't need to kneel. Kung gusto mo, hindi ko na aalalahanin pa lahat, just don't cry like this. Kevin. Nasasaktan ako." Sabi ko.

Ngumiti sya pero patuloy na tumutulo ang mga luha nya.

"Sana nga habang-buhay mo ng hindi maalala, pero it cannot be. Kahit anong gawing pagtatago namin, maalala mo parin." Sabi nya.

"Kevin, please--"

"Please Kyou, Hayaan mo kong ipadama sayo yung pagmamahal ko in 28 days, please. Let me. I'm begging you. Let me love you within 28 days. Please." Sabi nya.

"Please..."



Those were his last words bago sya mawalan ng malay.

Tinitigan ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon, hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa nakikita ko.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Where stories live. Discover now