Chapter 10 ✔

13.7K 283 64
                                    



***

"Alam nating lahat na, Hindi nawala ang nararamdaman nya para kay Hazelle."


"Alam ko naman yun eh, Alam ko." Sagot ko kay Raphael.

"Alam ko, pero anong magagawa ko? Nasasaktan ako." Sabi ko pa ulit tsaka ako humagulgol sa dibdib nya, Ang sakit.

Ang sakit isipin na kahit kelan hindi nya ko minahal ng higit kay Hazelle. Minahal nya ko pero hindi katulad ng pagmamahal nya kay Hazelle.

"Kath..."

"Siguro nga hindi kami para sa isa't-isa." Sabi ko tapos kumawala na ko sa pagkakayakap ko kay Raphael.

"Siguro nga tama ka, Kailangan ko na syang kalimutan." Sabi ko tapos nagpakawala ako ng ngiti.

"Siguro nga, panahon na para pakawalan ko sya." Sabi ko ulit tsaka ako nagsimulang naglakad palayo kay Raphael.

Tama naman diba? dahil sakin kaya nagkakaganito, Dahil sakin kaya nahihirapan si Kevin, Kung matututo lang akong pakawalan sya, edi wala ng problema. Tama.. Kung noon palang pinakawalan ko na sya, edi sana wala ng nahihirapan.

Bigla akong napahawak sa ulo ko dahil biglang umikot yung paligid ko at biglang lumabo.

Masyado ng magulo, Marami na masyadong nasasaktan, Kung pinakawalan ko si Kevin noon pa man, Hindi na masisira ang barkada, Kung natututo lang kagad ako, Sana buo pa sila ngayon, edi sana.. Hindi na kailangan pang magsinungaling kay Hazelle. Edi sana.. Wala ng naiipit pa, Edi sana.. Maayos ang lahat. Ang tanga-tanga ko kasi. Ang bobo-bobo ko kasi, bakit ko ba kasi pinagsisiksikan ang sarili ko? Bakit ba kasi pinapahirapan ko pa sila? Kung kaya ko naman gumawa ng paraan para maging magaan to sa lahat.

Masyado ko na silang pinapahirapan, Ayoko ng ganito.

"Kath--"

"Kevin.. Let's make this relationship real." Kung di lang ako naging selfish noon.

Pero, ginawa ko naman yun para sakanya eh, pero bakit ako yung nasasaktan, Tinulungan ko lang sya, Bakit ako yung masama?

"Kevin.. Bakit? Akala ko ba.. Akala ko ba ayos na tayo?! Bumalik ako dito para sayo, tapos ganito?!"

"Kath.. I'm sorry.."


"I hate you!" Kung di lang ako pumunta sa bar nung panahon na yun, Kung di lang sana ko umuwi ulit sa Pilipinas nung mga panahon na yun, Edi sana.. Nagkatuluyan na sila ni Hazelle.

Kung hindi lang ako nasaktan, at kung napigilan ko pa ang sarili ko, Edi sana..

Walang nahihirapan ngayon!


Kasalanan ko to, Oo tama, Kasalanan ko to, Wala ng ibang sisihin pa, Kundi AKO lang.

"Hindi naman kasalanan na magmahal diba Raphael? Pero bakit nung ako yung nagmahal, parang ang laki-laking kasalanan ng nagawa


Naglakad pa ko palayo, pero bigla na lang talagang huminto yung paligid ko at napapikit ako.

"KATHERINEEEE!"



Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon