Chapter 40✔

11.6K 240 79
                                    

**

Nagising ako na parang ang sakit ng katawan ko, bumangon ako at napahawak sa ulo ko.

"Ouch." Agad kong sabi, para kong may hang-over, pero may napansin ako sa ulo ko, bakit may benda?

"You're awake?" Sabi nang isang tao na kakapasok lang sa kwarto, napaatras ako sa nakita ko, halos malaglag yung panga ko.

"What? Stop staring me like that." Sabi nya sakin, napailing ako, nung tumingin ulit ako sakanya, napangiti na lang ako.

Mali..

"Darwin.." Sabi ko. Inilapag nya yung planggana sa side table, isinandal nya ko sa headboard.

"Stay still." Utos nya, tinanggal nya yung benda sa ulo ko, may inalis rin sya sa may bandang noo ko.

"Ouch!" Sigaw ko.

"Sorry, teka, dumikit yung gasa sa sugat mo eh." Sabi nya ulit, tumingin lang ako sakanya habang hinihipan nya yung sugat ko at nililinis.

"Aray! Dahan-dahan!" Sigaw ko, tumawa naman sya tsaka nag-sorry ulit.

"You looked like him." Sabi ko. Ngumiti sya, a faintly smile.

"I know." Sabi nya.

"Were you connected to eac--"

"We're not." Agad nyang sabi sakin. I dropped the subject.

"Paano mo ko nakita?" Tanong ko.

"Simula nung nakipagkita ka kay Bea, nakasunod na ko sayo, kaya alam ko kung saan ka nagsususuot, gusto kitang pigilan nung pumunta ka sa bahay ng asawa mo, pero hindi ko na ginawa." Sabi nya.

Asawa?

"Asawa? May asawa ako?" Tanong ko sakanya, kumunot yung noo nya na tumingin sakin.

"Kyou.."

"I'm married?!" Tanong ko ulit. Hindi sya sumasagot. Nilagyan nya na lang nang gasa yung noo ko.

"Ingat sa pagkilos, nung nag-collapsed ka kasi, tumama yung noo mo sa bato kaya nagkasugat." Sabi nya, tumayo na sya dala-dala yung planggana.

"Darwin Shin.." Tawag ko, huminto sya sa paglalakad.

"You remember my last name." Sabi nya habang nakatalikod.

"Darwin.." Tawag ko ulit, pinilit kong tumayo, gusto ko syang lapitan pero yung aura nya parang sinasabi na wag akong lumapit.

Pinanood ko syang maglakad palabas ng kwarto na yun.

"You hurt my friend."

"I know."

"Why?!"

"I don't know."

"Darwin!!"

"Nalaman kong malapit sya kay Kevin, I thought I can get my revenge if I hurt her."

"Darwin, STOP FOOLING AROUND!" Tumingin sya sakin at ngumiti.

"They hurt me first, Kyou. You know that."

Napaupo ako sa kama sa mga naalala ko. Hinayaan kong tumulo yung luha ko. Konektado pala silang lahat sa isa't-isa.

Mga alaalang nakalimutan ko noon, bumabalik sila ngayon, mga alaalang nawala sakin at hindi ko na hinanap pa, mga alaala na nawala nung muntik ko ng patayin yung sarili ko.

Mga sikreto na kaming dalawa lang ang nakakaalam.

Mga masasakit na alaala na nabaon sa limot.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora