Chapter 27✔

11.4K 230 67
                                    



**

~Bea's POV!~

"Anong nangyari!?" Sigaw ni Kevin pagdating nya.

"I don't know, Kevin. wala akong alam." Sabi ko, nakatingin kami kay Hazelle na ngayon ay nagpapahinga.

"Bea.."

"Naalala nya ata yung nangyari dati." Sabi ko.

"Ano? Eh diba tinabunan na nila Saiyuki yun, diba nakalimutan na ng tuluyan ni Kyou yun?" Tanong nya na hindi makapaniwala.

Isa sa mga masakit na alaala nya ay nagbalik, ano ng gagawin namin?

"I'm fine." Tumingin kami kay Hazelle na nagising.

"Kyou.." Ngumiti si Hazelle, Ang sakit tignan ng mga ngiti nya.

"Kevin. Let's go home, I'm tired." Sabi pa ni Hazelle, inalalayan sya ni Kevin tumayo at kumapit sya dito, tumingin sya sakin habang nakangiti.

Hanggang kelan ko papanoorin ang mga ngiti nya? Ngiti na nanggagaling sa kasinungalingan?

"Arigatou Bea-chan." Sabi nya, hinalikan nya ko sa pisngi tsaka sila umalis.

Ang payat mo na Hazelle, sobrang nahihirapan ka na Hazelle.

Inilabas ko ang isang kwintas.

"Kapag ba binigay ko sayo 'to, maalala mo na lahat?" Umiling ako sa tanong ko.

How can you be such a fool Bea, papatayin mo ba si Hazelle? Wahahaha!

Anong kalokohan ang iniisip mo?

Konting tiis na lang, magiging maayos din ang lahat.

Konting tiis na lang.

**

~Hazelle's POV!~

"Ehh?! Anong sabi mo?" Tanong ko.

"Sorry Kyou, kailangan namin na pumunta sa Italy next month." Sabi ni Kevin sakin, tinitigan ko sya sa mga mata.

Natahimik ako sa sinabi nya, gustuhin ko man sumama di ako makasama.

"Ganun?" Sabi ko na lang, ininom ko yung juice ko at kinain ang cake.

"Are you mad?" Tanong nya tsaka nya hinawakan ang kamay ko.

"Why would I?" tanong ko sakanya, pero deep inside, gusto ko syang ipasok sa bag ko para wag syang umalis.

"2 months lang kami dun." Muntikan ko ng ibuga yung cake.

"2 MONTHS?!" Tanong ko sakanya, natawa sya sa expression ko.

"Oo, ano ka ba." Sabi nya, kumuha sya ng tissue at pinunasan yung side ng bibig ko.

"Ang tagal." bulong ko. Pero mukang narinig nya dahil tumawa sya ng malakas.

"AHAHAHAHA! meron pa tayong 30 days para magpakasaya!" Sabi nya sakin at ngumiti ng nakaka-seduce!

"Umayos ka, tutusukin kita." Sabi ko.

"Totoo naman eh, tara simulan natin!" Sigaw nya, bago pa ko makatanggi, hinatak na nya ko palabas ng coffee shop at isinakay sa kotse nya.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa lugar kung saan tayo lang." Sagot nya, sinimulan nyang paandarin yung kotse.

"Eh? San yun?" Tanong ko, hinawakan nya lang ang mga kamay ko na parang sinasabi na manahimik na lang ako.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Where stories live. Discover now