Chapter 33✔

11.6K 233 77
                                    

"Can you find me?"

**

"Ano!?"

[Hazelle, wala sya sakanila.]

"Teka! Paanong nangyari yun?! Kausap ko lang sya kanina!"Sigaw ko, nanginginig ako.

Kinakabahan ako, naiiyak ako. Nasaktan ba sya sa pagbaba ko ng cellphone?

"Find him." Biglang nagsalita si Raphael.

"Raph.."

"Halata sa muka mo ang takot, hanapin mo na sya."

[Hazelle, nasaan na siya?] Sa tanong nyang yun tumulo ang luha ko sa takot.

This is not him! Hindi sya ganito.

Depende na lang kung..

Nasasaktan sya.

"I'll find him! I promise you! Hahanapin ko si Kevin!" Sigaw ko tsaka ako tumakbo palabas ng condo ni Raphael.

Kevin, don't run away.

~Raphael's POV!~



"Hazelle." Bulong ko paglabas nya ng pintuan.

Nagulo ko ba yung utak mo? Nasaktan ko ba si Kevin?

Tumingala ako at pumikit.

I just want to come back, sa panahon na ayos ang lahat.

Tumayo ako, naglakad ako papuntang terrace at nakita ko si Hazelle na tumatakbo palabas ng building.

"Isang anghel, anghel na mahal ng lahat, anghel na nagiging dahilan ng sakit ng nasa paligid, What will happen to you if you remember?"

Nanghihina ako sa tanong ko, umiling ako. Ayoko. Hindi ako papayag na pati sya mawala samin.

Masyado ng masakit.

"Makakaalala sya, pero.. hindi kakayanin ng katawan nya."

"How? Paanong nangyari yun? May sakit ba siya?"

"Wala Hijo, pero mahina na ang katawan nya, hindi madadaan 'to sa gamot."

"Naging doctor pa kayo!"

"I'm sorry."

Alam mo narin ba 'to Kevin?

Sating lahat, ikaw ang naipit, sating lahat, sa tingin ko, ikaw ang nangangailangan ng suporta. Sating lahat, ikaw ang masasaktan ng sobra.

Dahil sating lahat, ikaw ang maraming sinuko.

Kevin, I won't blame you. Just hang in there. If Hazelle can't do it, I wish you can.

Wala ng mangyayari kung pati ikaw susuko. Wala ng mangyayari.

Kevin, please..

Continue loving her.

~Hazelle's POV!~

Kusang gumagalaw yung mga paa ko, dinala nya ko sa isang lugar,

I found him.

"Kevin." Tawag ko.

Napatakip ako sa bibig ng makita ko si Kevin, nakapikit sya pero kita mo sa muka nya na pagod na sya.

Dahan-dahan akong lumapit sakanya.

"Kevin.." Tawag ko, paghawak ko ng muka nya tumulo yung luha ko. "Anong nangyare sayo?" Tanong ko.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Where stories live. Discover now