Chapter 2 ✔

19.3K 444 111
                                    

**

Tumayo na ko ulit at pumasok sa opisina ni Johnny na matagal ng hindi pinapagalaw.

Naglakad ako papunta sa swivel nya. Hinawakan ko 'yun pero parang automatic na tumulo 'yung mga luha ko.

"Johnny.." Bulong ko. Pumikit ako dahil naiimagine ko nanaman siya. Pakiramdam ko nasa upuan sya at hawak 'yung kamay ko. Pakiramdam ko nandito parin sya. Tell me... Paano ko makakalimutan si Johnny kung hanggang ngayon hindi ko parin matanggap!?

Kung hanggang ngayon, pakiramdam ko panaginip parin?! Paano!? Hirap na hirap na ko! Ayoko na!

"Bakit ba kasi umalis ka pa?" Tanong ko bago ako mapaluhod at sinubsob 'yung muka sa upuan.

"Raphael.."

"Everything's gonna be alright."

"Pero iniwan nya ko."

"Lahat tayo iniwan nya Hazelle. Lahat tayo nasasaktan. Tumigil ka na sa pagiyak oh."

"Diba kapag umiiyak ako, dadating sya? Yayakapin niya ko? Papatahanin nya ko? Raphael-"

"Hazelle please.. Tama na.. Stop hurting yourself."

Pakiramdam ko bumibigat ng todo 'yung ulo ko nung tumayo ako. Binuksan ko 'yung drawer sa table ni Johnny at tumulo ng tumulo 'yung luha ko nung nakita ko dun 'yung wedding picture namin. Itinago ko 'yung picture namin na 'to. Hindi ko kasi kayang tignan kaya sobra akong nasasaktan ngayong nakita ko ulit.

Naghanap pa ko ng ibang gamit sa drawer nya pero natigilan ako nung may nakita akong isang sobrang lumang picture. Napaatras ako nung nakita ko 'yun. Napakapit ako sa lamesa dahil pakiramdam ko matutumba ako.

This cannot be. It cannot be!

Tumulo ng sunud-sunod 'yung luha ko dahil sa picture na 'yun. Pumikit ako dahil may bigla akong naalala.

"Totoo ba!?"

"Hazelle-"

"Kapatid mo si... Oh my! Paano nangyari 'yun?!"

"Wag mong sasabihin kahit kanino!"

"HINDI ako tanga para ipagsabi!"

"Bakit ba kasi.. Bakit ba kasi pinakielaman mo 'yung gamit ko?! First year highschool ka palang pero pinapakielaman mo na mga gamit ko-"

"Sino pa yung dalawa mong kapatid maliban sakanya?! Sino 'tong dalawang 'tong na nasa picture?! Sabihin mo sakin kung sino!"

"WALA KA SA LUGAR PARA MANGIELAM SA BUHAY KO KYOU!"

"Hindi. Kailangan mo silang makita! Kailangan mong magpakita-" Lumapit sya sakin at hinawakan ako ng mahigpit.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Where stories live. Discover now