Chapter 30✔

11K 214 43
                                    






**



"Minsan kong minahal ang Hazelle na yun."

"Araaaay!" Reklamo ko, hinawakan ko yung balakang ko dahil nahulog ako sa kama! Ang sakit! Takte naman kasi! Ayaw mawala sa isip ko nung mga sinabi kanina ni Raphael eh!

Hindi tuloy ako makatulog! Bwisit!

"Help me to get her back. Please.."

Tumayo na ko tsaka ako tumingin sa napakalaking salamin na nasa tapat ko ngayon.

"Sino ba ko dati? Iba na ba ko sa dating Hazelle na sinasabi niya? Minsan nya kong minahal?"

I shook my head irritatingly!

Ayaw! Walang pumapasok sa isip ko! Bakit ganito?! Waaaa!

Kinuha ko yung unan ko at hinampas yung kama ko.

Padabog akong umupo sa sahig at tinignan ang mga paa ko.

Hazelle Kyoubayashi Maries Sato.

Oo alam ko ang pangalan ko, pero kahit ako.

Hindi ko na kilala ang babaeng 'yan.


Ako ba talaga si Hazelle? Utang na loob naman!

"Gusto ko ng makaalala!!!" Sigaw ko, yumuko na lang ako. Nababaliw na ko.

Vincent, Johnny, Irene. Mga pangalan na naalala ko pero hindi malinaw.

"Kapatid? Asawa? Boyfriend? Kaibigan? Fiancée?" Fck this Hazelle!

Kapag gusto kong makaalala walang lumalabas! Pero kapag ayaw ko, bigla-biglang may ewan na lalabas sa isip ko!

Takteng amnesia 'to! Bakit ba nauso 'to? Bakit ba may amnesia ako?

Nag-ring yung cellphone ko. Kinapa ko yun tsaka ko tinignan kung sino.

Unregistered Number calling..

Sinong hinayupak nanaman 'to? Pasado alas-dos na ah!

"Sino ka?!" Sigaw ko agad.

[Ay takte Kyou! Makasigaw ka naman!] Sigaw din nya.

"Eh sino ka ba?"

[Si Darwin 'to, Sorry sa istorbo, pero si Raph kasi eh.] Sabi nya na parang hindi alam kung anong gagawin.

"Anong nangyari kay Raph?!" Agad akong napatayo.

[Lasing kasi, eh ikaw lang naman kilala ko na nandito sa contacts nya. Pwede ka pa bang lumabas?] Tanong nya.

"Ehh?"

[Tsk, ganito na lang, tumawag ka na kakilala mo na andito si Raphael, takteng gago 'to! Iinom hindi kaya! Sige sala-]

"Teka! Nasan kayo?" Tanong ko.

[Sa SHINning Night.] Sagot nya.

"I'll be there! Wag kayong aalis dyan! Papatayin ko kayo!" Sigaw ko.

Agad akong nagpalit tsaka ako tumakbo palabas, nakasalubong ko si Jill na nagkukusot ng mata.

"Please naman Hazelle, kanina ka pa sumisigaw ah, bakit ka ba.. Teka, san ka pupunta?" Tanong nya.

Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Where stories live. Discover now