Bestfriend 23 [Ex]

114 5 1
                                    

Bestfriend 23 [Ex]

Kenji's POV

It wasn't really mom who called me. It was my ex. Hindi ko naman masabi kay Diane dahil ayaw ko na magselos siya. Siya 'yung ex-girlfriend kong cheerleader sa school. We dated for 3 months pero wala eh. I needed to give her up. Kung hindi, baka hindi na niya nakamit ang nga medals niya ngayon.


"What's up, Jess?" Tanong ko sa kay Jessica, ang ex-girlfriend ko.

"How are you, my dear?" Base sa boses niya sa kabilang linya ay mukhang nakainom. Hays, ano na naman ang problema nito ni Jess?

I sighed. "Nasaan ka, Jess? Nakainom ka ba?"

"Just a little, my darling." Tapos tumawa siya sa kabilang linya.

"Jess, tumigil ka na sa paginom mo. Pupuntahan na kita. Nasaan ka ba?" Tanong kong muli sa kanya.

"Wow, now you care again for me. I should drink more so you'll come back to me and we will be happy again." Tumawa ulit siya sa kabilang linya. 'Yung tawa niya may halong bitterness.

Hindi pa rin ba kami tapos sa issue na 'to?

"Let's talk later, Jess. Sabihin mo muna kung nasaan ka."

"You wanna join me? Oh, cool. I think I'm in Loyala Bar. I don't know." Sheez, medyo malayo siya from here.

Binilisan ko na lang ang pagsakay ko ng taxi. Baka may ano pang mangyari kay Jess sa bar na 'yon.


To: My everything

Babe, sorry, hindi na ako nakapagpaalam. Emergency lang. Kailangan ako ni Mama ngayon eh.


From: My everything

Hala, paano ako uuwi?


Hays. Sabi na magiging problema 'to eh. Bakit ko ba sinagot 'yung call niya? Dapat hindi ko na lang sinagot pero naging magkaibigan muna kasi kami bago nangyari ang lahat kaya concerned pa rin naman ako sa kanya.


To: Genius

Louie, pakihatid naman pauwi si Diane. May kailangan kasi akong gawin eh. Salamat, pre!


From: Genius

Okay.


To: My everything

Sinabihan ko na si Louie na ihatid ka sa bahay mo. Huwag ka mag-alala, iingatan ka no'n. Text mo ako kapag nakauwi ka na. I love you.


From: My everything

Sige, ingat ka ha. Balitaan mo ako kung anong meron. Love you more.


Nagmamadali na ako kaso lang medyo traffic. Hindi ako mapakali sa upuan ko. Tingin ako ng tingin kung nasa Loyola Bar na ba ako.

"Kuya, wala na bang ibang daan? Nagmamadali lang po." Sabi ko sa driver.

"Hijo, ito na 'yung alternative way na sinasabi mo kaso traffic pa rin talaga eh." Tumigin siya sa front mirror niya.

Hey! Bestfriend?Where stories live. Discover now