Bestfriend 11 [Angel?]

293 7 0
                                    

Bestfriend 11 [Angel?]

Charm's POV

Puti.

Kanina lang black ha. Ngayon puti na.

Napakaliwanag naman dito.

Kanina lang brown out dito ngayon naman, napakailaw na dito.

Tumingin ako sa paligid.

Oh my gosh!! Nasa ospital ba ako?

Biglang may pumasok na babae. Nurse.

"Ay, buti naman po gising na po kayo. Tawagan ko lang po 'yung nagdala sa'yo dito." Sabi ng nurse.

What?

Gising?

Nagdala?

Bakit may nurse?

'Yung dilim ba kanina, nahimatay na ba ako no'n?

Hala!

'Yung nanay ko!

'Yung phone ko.

Napakapa ako sa bulsa ko. Hindi na 'yung damit ko kanian suot ko. Naka gown na ako ng ospital.

Hala!

Baka ninakawan na ako nagdala sa akin dito. Wala akong pambayad.

Biglang may pumasok na lalaki.

"Thank God you're already awake." Tapos lumapit sa akin 'yung lalaki.

Ito siguro nagnakaw ng phone ko!

"Bastos kang lalaki. Bakit iba na damit ko?! Nasaan 'yung cellphone ko?! Tutulong ka na nga lang, magnanakaw ka pa. Ang kapal ng mukha mo." Sabi ko habang pinagpapapalo ko ang braso niya. Tapos umiiwas naman siya.

"Teka, Miss. Mali ka ng iniisip." Tapos nakita ko sa kamay niya ang phone ko.

"Anong mali ako ng iniisip? Ayan nfa phone ko, hawak mo. Siguro ibebenta mo 'yan no. Ang kapal mo ng mukha mo." Sabi ko sa kanya.

"Mali ka ng iniisip. Tinutulungan lang kita."

"Tinutunlungan? Nako, alam ko mga galawan mo."

Tapos biglang pumasok si Mama.

"Mama, itong masamang lalaking 'to. Ninanakaw phobe ko tapos napakabastos pa." Sumbong ko kay Mama.

Tapos biglang nagsalita si Mama at tumingin sa lalaking magnanakaw. "Ikaw ba si Daryl?"

What?!

Kilala ito ni Mama?

"Ah, yes po. Ako nga po si Daryl." Tapos nagsmile siya kay Mama.

"Mama. Bad boy 'yan." Sabi ko.

"Anak, siya ang nagdala sa'yo dito kasi nahimatay ka raw habang naglalakad ka."

"Magnanakaw siya, kinuha niya phone ko." Turo ko sa kamay niya na hawak ang phone ko.

"Ahhh. Kasi tinawagan niya ako na nahimatay ka nga raw. Buti na lang at tinawagan niya ako kasi hindi ko pa malalaman na nahimatay ka dito. Sabi ko naman sa'yo samahan na kita eh." Explain ni Mama.

"Thank you nga pala, Daryl." Tapos yumakap si Mama kay Daryl.

"Ito na po phone ni Charm." Abot ni Daryl kay Mama.

"Nako, salamat talaga ha. Napakatigas kasi ng ulo ng anak ko."

"Sige po, mauna na po ako." Pagpaalam ni Daryl. Tapos tumingin siya sa akin.

Hey! Bestfriend?Where stories live. Discover now