Bestfriend 30 [Ang Voice Record]

44 3 0
                                    

Bestfriend 30 [Ang Voice Record]

Charm's POV

Saturday today. And Saturday means work day sa cafe ng Tita.

Bago ako makapasok ay nagvibrate ang phone ko. Text mula kay Daryl. Simula talaga noong umamin siya at super naging sweet na siya sa akin.

Isa na rin dito ang palagi siya nagtetext.

From: Dee

Hey, Cee! Good morning. Bangon na at malalate ka pa sa cafe! Always remember that you are beautiful and ikaw lang laman nito .

To be honest, medyo nagiging corny na rin siya. Minsan nga natatawa ako sa mga text niya sa akin dahil super corny talaga.

Pero sabi nila kapag in love nga raw ang isang tao, nagiging corny na 'to.

To: Dee

Good morning din, Daryl! Oo na, gising na ako. Thank you! Ingat ka today.

Matapos kong isend ang message ko sa kanya ay naglakad na ako papunta sa cafe.

"Good morning, Tita!" Bati ko sa kanya pagpasok ko pa lang sa cafe.

Papasok pa lang ako ng employee's room ng may lumabas doon na isang gwapong nilalang.

"Finally! Nandito ka na, Cee." Bati niya sa akin.

Tumingin ako sa buong katawan niya. Mula ulo hanggang paa. Bakit ganito ang damit niya?

"Cee, stop staring at me. Magwowork na rin ako dito so I'll have more time to be with you." Nagsmile siya sa akin.

"Nababaliw ka na ba?" Papasok na ako ng room.

"I just want to be with you. Ayaw mo ba no'n?" Lumapit siya sa akin.

"Mayaman ka. Hindi mo na kailangan pa magtrabaho. Atsaka baka kung ano pa sabihin ng iba." Sabi ko sa kanya.

"I don't care about other people. Sa'yo lang ako may paki."

Hay, ito na naman siya sa pagpapakilig sa akin.

WHAT? NAPAPAKILIG NIYA AKO?

OMG! TEKA, TIGIL MUNA.

"Umalis ka nga muna. Magbibihis na ako. Chupi!" Sabi ko sa kanya at umalis naman siya.

Bakit ba siya nandito?

Matapos kong magbihis ay nakita ko agad na may customer agad na nakapila sa counter.

Seryoso nga siya sa sinabi niya na magtratrabaho din siya dito dahil nandoon na siya sa counter.

At aba, mukhang nagpapacute pa 'yung babae sa kanya. Bibili ba 'yon ng kape o magpapacute lang kay Daryl? Bastos eh!

Lumabas na agad ako ng room at pumunta na sa working area.

"Charm, kayo muna bahala rito ha. Ayaw magpapigil niyang si Daryl na magwork dito. Aalis muna ako?" Paalam naman sa akin ni Tita.

"Sige po, Tita. Ingat kayo!" Reply ko kay Tita.

"Daryl anak, mauna na ako. Kayo na bahala dito ni Charm. Isara niyo ng mabuti ang shop mamaya." Sigaw ni Tita mula sa labas.

Nakita ko naman agad ang order ng customer. Kaya naman agad ko na 'tong sinimulan.

Habang ginagawa ko ang frappe na order ng babae, narinig ko ang usapan nila.

"Gaano ka na katagal dito, babe? Bakit ngayon lang kita nakita dito?" Paghaharot sa kanya ng babae.

Hey! Bestfriend?Where stories live. Discover now